Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

Aralin Panlipunan-1

I. Mga Layunin:
a. Natatalakay ang kahulugan at katangian ng Islam;
b. Nasusuri ang buhay ni Muhammad;
c. Natatalakay ang kahalagahan ng Limang Haligi ng Islam;
d. Napahahalagahan ang pananampalataya ng mga Muslim sa
perspektibo ng mga Kristiyano; at
e. Nakagagawa ng Slogan para sa kapayapaan hingil sa mga Muslim at
Kristiyano.
II. Paksa: Islam
Kagamitan: Tsarts, prodjektor, at felt tip pen.
Pinagkukunan: Exodo ng Sambayanang Pilipino, Sally F. Rodeo, et. al. pahina 63-70.
III. Prosedyur:
A. Preparatory Activities
1. Panalangin
2. Pag-tsek ng atendans
3. Pagganyak
Igugrupo ng guro ang klase sa dalawa. Pipili ang bawat grupo ng tatlong
representante upang makapaglaro ng “4 Pics, 1 Word”.
B. Developmental Activities
1. Pag-presenta ng Paksa
2. Paghahawan ng Balakid
Ipapakita ng guro ang mga termino na masasalubong ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin.

Monoteismo- paniniwala sa iisang Diyos.


Islam- paniniwala ng mga muslim.
Koran- banal na aklat ng mga Muslim.
Allah- Diyos ng mga Muslim.
Muhammad- propeta ni Allah.
Moske- sambahan ng mga Muslim.

3. Pag-set ng Istandard
C. Panibagong Paksa
1. Talakayan
Muling igugrupo ng guro ang mga mag-aaral sa tatlo. Ang bawat grupo ay
may lider at secretarya. Ibibigay ng guro ang mga hand-outs at materials
upang magamit sa pagbubuo nila ng concept map. At pagkatapos ay i-
rereport ito sa harap ng kanilang kaklase. Ang bawat grupo ay bibigyan ng
iskor alinsunod sa batayan.
Cooperation -30%
Chart Presentation -30%
Reporting -40%
Total -100%

D. Culminating Activity
1. Paglalahat
Ano ang pangkalahatang paniniwala ng mga Muslim?
Ito ba’y mahahalintulad natin sa paniniwala ng Kristiyanismo? Bakit?
Kung ikaw ay mabibigyang pagkakataon na maging Muslim, magagampanan
mo kaya ang kanilang paniniwala?
2. Pagpapahalaga
Sa mga natalakay natin ngayon ukol sa mga Muslim, nararapat ba natin silang
husgahan sa kanilang paniniwala? Bakit?
Bilang estudyante, ano ang magagawa mo upang mapanatili ang kaayusan sa
pagitan ng mga Muslim at Kristyano?
IV. Ebalwasyon:
A. Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang relihiyon na naniniwala kay Allah?
Sagot: ISLAM
2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
Sagot: KORAN/QUR’AN
3. Sino ang propeta ni Allah?
Sagot: MUHAMMAD
4. Ano ang tawag sa sambahan ng mga Muslim?
Sagot: MOSKE/MASJID
5. Ano ang tawag sa titulong ibinigay sa isang Muslim na nakapaglakbay na sa
Mecca?
Sagot: HAJJI

B. Gumawa ng Slogan hingil sa kapayapaan ng Muslim at Kristiyano.

Batayan sa pag-iiskor ng Slogan.


Relevance to the Topic - 40%
Originality - 60%
Total - 100%

V. Takdang Aralin:
Magsaliksik ng mga inpormasyon kung paano dumating at lumaganap ang Islam sa
Mindanao.

Mark Clinton G. Chavez


-Demonstrator-

You might also like