Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paghihinuha at Paghula sa Kalalabasan ng Pangyayari

Ang kasanyan sa pag-unawa upang makapagbigay ng hinuha at hula ay mahala sa pagbasa ng isang
teksto. Kapat nauunawaan ang nilalaman ng teksto ay lubos mauunawaan ang mga detalye, at madaling
makapagbibigay ng sariling hinuha at hula ang mambabasa tungkol sa tekstong binasa batay sa kung
paano ito nauunawaan. Halimbawa, sa isang maikling kuwento o nobela, maaaring makapagbigay ng
kalalabasan ng pangyayari kahit hindi pa ito natatapos basahin.

                Ano ang paghihinuha at paghuhula?

Paghihinuha o Pagpapalagay (inferencing)

                Ipagpalagay na hindi mo pa nabasa ang isang akda o teksto. Magagawa mo kayang mabigyang
kahulugan ang pamagat nito? Sa paanong paraan? Makabubuo ka ng maraming hinuha habang
nagbabasa.

                Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling


kaalaman, ikaw ay gumagawa ng paghihinuha o pagpapalagay.

                Ang pag-unawa sa diwa ng isang pahayag ay nagagawa sa iba’t ibang paraan. Di ba’t minsa’y
naipaliwanag mo ang kahulugan ng isang di-tuwirang pahayag sa teksto? Naisagawa mo ito sa tulong ng
mga pahiwatig at ng iyong sariling pagkaalam sa paksa.

                Ang hinuha o palagay at implikasyon ay halos nagbibigay ng iisang kahulugan. Nagkakaiba


lamang ang mga ito batay sa kung sino ang gumagawa o tumatanggap ng ideya o kaisipan. Ang
manunulat at tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng implikasyon; ang mambabasa o
tagapagsalita ang nagpapalagay o nagbubuo ng hinuha.

                Sa paghihinuha, epektibong maipapahayag kung gagamitin ang mga panandang: siguro,
marahil, baka, waring, tila, sa aking palagay, sa tingin ko, maaaring, at iba pa.

Paghuhula o Prediksyon (predicting)

                Ang paghula ay isang kasanayang naglalayong hulaan ang kalalabasan ng pangyayari o


kuwento. Madalas itong gamitin sa pagbabasa ng kuwento o nobela. Ang may-akda o manunulat ang
nagbibigay ng implikasyon o mga pahiwatig sa akda na bumuo ng paghuhula o prediksyon ang mga
mambabasa.

You might also like