Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SAPLOT

Scene 1

DOMINIC

(mean tone)

Isipin mo, ako, ikaw , lahat tayo sa mundong ito

Pansin mo ? Hindi lahat masaya

Ganun ulit walang pagbabago sa araw na ito

Parang sa inyo ganun rin

Ako? Paulit-ulit walang kataposan

Parang pirated na DVD na hindi matapostapos dahil sira

(Pause, deep breathe and sighs)

Ito na yata ang buhay ko

Gigising ng maaga, magsasalok ng tubig, magkakape

Papasok sa trabaho ng walang laman ang sikmura

Pwepwesto sa counter

(Pause and smile)

Scene 2

DOMINIC

“Good afternoon Mam/Sir what’s your order po (cheerful tone and atmosphere)

Ayan samo’t-sari sila (mean tone)

May maganda, mapayat, mataba, mayaman, at feeling mayaman

Yung tipong 30 minutes na hindi pa alam bibilhin iced tea lang pala may discounted coupon pa

Tapos yung isa te…ansherep halatang galling gym (flirt tone)

May I repeat your order sir isang caramel macchiato with abs

Less sugar and iced

Tapos sabi niya “you’re so cute”

Luh pereng tenge to sakto lang

Tapos te yung isang customer ko galit

Lakas ng boses sumisigaw tapos may pa English-english pa


Aba hindi ako papatalo nag-english din ako

How are you to find out mam?

(Laugh then sighs)

Pag may nag-papaabot ng straw smile, abot ng tissue smile, abot sugar smile,abot ng kutsara’t tinidor
smile, kahit anong iutos at paabot mo kahit pagod na pagod kana (fast and loud tone)

SMILE (always smile when saying the word “smile”)

Alam mo nagawa ko na lahat sa shop

Magpunas ng lamesa, magluto,barista, janitor, pati na rin guard ako na

Tapos yung isang manager ko sinabihan ako maghost dawn g kid’s party

Donimic host ka nga ng kid’s party ng client natin

Okay po mam malapit po talaga ako sa mga bata

Kahit na ayaw ko sa mga bata napilitin ako leche

Aayaw pa ba ako lahat gagawen ko

Kahit aong trabaho pa yan makakita lang ng pera

So yun tapos na ako sa work host na nga closing pa sa shop (exhausted tone)

Scene 3

Dominic (frightened/nervous)

Pauwe na ako

May sumusunod sa akin

Isang lalaki armado

Nagmamakaawa ako ngunit hindi ako pinakinggan

Bakit ako pa maghapon ka na ngang pagod sa trabaho

(mad tone)

Pahirap na kami ng pahirap

Pero ni singkong ayuda wala parin kaming natatanggap

Kaya malamang ilan sa mga ito ay nasa kamay na ng mga kurap

Na dapat nasa kamay naming mahihirap

Pero wala

Wala kaming nakuha


Wala kaming magawa kung hindi ang magtiis

At mag-ulam na alamang ng tubig at asin

Para ang singkwenta pesos ay mapagkasiya

Bahala na kung anu kaya nitong bilhin

Wag lang kaming gutumin

Paano pa kami pag nagtagal tong pandemya

Anu pa kayang pangkakain namin

Kung wala ng pagkukuhanan ng pera

Anu na alng kaya an gaming kakahantungan

Nasaan? Ang tulong

Lagi na lang ba kami yung nahuhuthutan

Kaya sana wag kayong magbulagbulagan

Hindi niyo alam ilang beses na kaming inabuso ng hindi pumapalag

Mas pinili manahimik dahil ayaw mapahamak

Kaya ikaw, kayo maswerte kayo

Kasi may bigas pa kayong hinuhugasan

Kami mga pawis na alng ang pinupunasan

Halos mamatay na makahanp lang ng mapagkikitaan

Kaya sir sana naman palayain niyo na ako sa selda na to.

You might also like