Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

“SI USMAN, ANG ALIPIN”

Nang mga nagdaang panahon, may isang lalaking


nagngangalang Usman. Pinaniwalaang nananahan siya sa
malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, mataas, at
kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.
Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa
palengkeng malapit sa palasyo ng namumunong sultang
nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Sultan Zacaria.
Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap
ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng
mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat
kitlin at maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan
Zacaria. Mabilis nan nag-ulat ang mga tauhan sa sultan tungkol
sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa
sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at
pagkatapos at patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan.
Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan
si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita
nila ng binata. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang
sultan at nagmamakaawang patawarin at pakawalan si Usman.
“Para mo nang awa, ama, pakawalan mo si Usman. Wala po
siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa
pagsusumamo ng kanyang anak. “Walang sinumang makapipigil
sa akin,” ang wika niya sa sarili.

1
“Hu, hu, hu, maaawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni
Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas
ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang
mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim
siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang
lahat ng mga ito’y ipinarating nila sa sultan. Bunga niyon,
nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas
malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita. Higit na tumindi
ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Sa panahong iyon lumabas ang pinal na kautusan.
Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa
daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa,
biglang lumindol nang malakas, yumanig sa palasyo at nagiba
ang pook. Napulbos ang buong palasyo.
Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na
naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong malupit
na kamatayan para sa malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na
makalaya mula sa bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi
nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang
tinulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako,
tumulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga
nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

2
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila
ng mga taumbayan. “Mabuhay si Usman! Mabuhay si Potre
Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito
kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang
matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y
may mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si
Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita
naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan
kasabay ng kaunlaran sa buong kahariran. Natagpuan ng
taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng
nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at
kalupitan.

You might also like