Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

AP 10 LONG TEST 1.

1
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na kontemporaryong isyu na mayroong
kinalaman sa ekonomiya at politika?
A. Usapin ng Death Penalty sa bansa
B. Pagtugon ng mga bansa sa pandemiya
C. Globalisasyon at mga ugnayang pang-internasyunal
D. Pagkakatuklas ng mga labi ng sinaunang tao sa Luzon

2. Alin sa mga sumusunod na gawain ang bahagi ng Sektor ng Industriya?


A. Pagmamanupaktura ng mga kagamitang pantahanan
B. Serbisyong naibibigay ng mga frontliners sa mga ospital
C. Paghahayupan at pag-aalaga ng manok, baka at baboy
D. Komersyal na palaisdaan at pagpaparami ng tilapia

3. Alin sa mga sumusunod ang sitwasyon na nagpapakita ng brain drain sa Sektor ng


Paglilingkod?
A. Paglaganap ng maraming BPO companies sa mga kalunsuran
B. Pagsasapribado ng mga palayan na dinadaanan ng expressways
C. Pagdami ng mga gurong nagiging domestic helper sa ibang bansa
D. Kompetisyon sa mga naglalakihang multinational corporations

4. Paano nakaaapekto ang kawalan ng Genuine Comprehensive Agrarian Reform sa mga


magsasaka sa Sektor ng Agrikultura?
A. Napipilitang magtrabaho sa mga panginoong may-lupa (landlords) ang mga
magsasaka dahil wala silang sariling lupang sakahan
B. Hindi nakapagpapaunlad ng teknolohiya sa agrikultura dahil walang sapat na pondo
C. Dumarami ang pabrika sa mga kanayunan (rural areas)
D. Hinahayaan lamang na makalbo at maubos ang mga puno sa mga kagubatan

5. (Tama o Mali) Ang Skills Gap ay isang kondisyon kung saan ang kakayahan ng isang
manggagawa ay hindi tugma sa inaaasahang matugunan na gawain sa trabaho.

6. (Tama o Mali) Ang migrasyon ay nagiging negatibo sa ekonomiya kung ang


pandarayuhan ay nagdudulot ng pagbaba ng lakas-paggawa at mga dalubhasa na
nagpapabagal sa produksyon at serbisyong nagagawa sa isang bansa.

7. (Tama o Mali) Ang biography o mga tala ng buhay na isinulat ng ibang tao tungkol sa
kilalang personalidad ay maituturing na primarying sanggunian.

8. (Tama o Mali) Ang mga Kontemporaryong Isyu ay mga paksang may temang napag-
uusapan at ganap na nangyari lamang sa nakalipas na 10 taon upang matukoy na ito ay
may epekto sa kasalukuyang panahon.
9. (Identification) Tukuyin ang uri ng pangungusap: Katotohanan; Opinyon; Kongklusyon
Sa nakikita nating patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng nagkakaroon ng corona virus,
sapat nang sabihin nating malaki ang posibilidad na maaaring magtagal pa ang mga
community quarantine sa bansa.

10. (Identification) Tukuyin ang uri ng pangungusap: Inference; Bias; Generalization


Batay sa mga datos na patuloy na ipinapakita sa media sa nakalipas na dalawang buwan
kung saan makikitang mayroong mga confirmed positive case ng COVID-19 noong Abril
at Mayo na ngayong Agosto lamang naiuulat masasabi nating mayroong kakulangan at
backlog sa pag-uulat ng Kagawaran ng Kalusugan.

11. (Identification) Tukuyin ang uri ng pangungusap: Katotohanan; Opinyon; Kongklusyon


Tumataas ang presyo ng mga serbisyong pampubliko at produkto sa merkado dahil sa
pagbabago ng klima, kakulangan ng suplay, at nararanasang pandemiya.

12. (Identification) Tukuyin ang sektor na kinabibilangan ng gawain: Agrikultura; Industriya;


Paglilingkod
Labis na nakababahala ang naidudulot na pagkasira sa kabundukan ng pagmimina kung
kaya’t marapat na magpatupad ng mahihigpit na batas patungkol dito.

PART B.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng sanhi at bunga sa isang partikular na
sitwasyon?
A. Sinabi ng Pangulo sa isang media conference na ang mga Cebuano ay natural na pasaway
kaya’t dumami ang kaso ng confirmed cases sa Cebu.
B. Hindi naagapan ang pagpasok ng dayuhan sa pandaigdigang paliparan kaya’t ito ang
naging dahilan ng pagdating ng unang kaso ng may corona virus sa Pilipinas.
C. Ang primarying sanggunian ng mga nakakalap na balita sa kasalukuyan ay mula sa mga
taong direktang nakasasaksi ng pangyayari.
D. Dinepensahan ng Pangulo ang Health Secretary at sinabing ito ay nakagaganap nang
mahusay sa kanyang trabaho.

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na kontemporaryong isyu na mayroong


kinalaman sa politika at karapatang pantao?
A. Ang pagpapatupad ng death penalty ay tinututulan ng ilan sa mga human rights lawyer
sapagkat ito ay tutol sa dignidad ng buhay ng tao.
B. Ang Anti-Terrorism Act na naipatupad noong Hulyo ay nakatanggap ng higit 20 petisyon
na ibasura dahil sa ilang hindi malinaw na probisyon na labag sa konstitusyon.
C. Ang globalisasyon ay isa sa mga nagpapalakas ng ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa
pagdating sa pandaigdigang merkado.
D. Ang kolateral na bilang ng mga nasasawi sa War on Drugs ng Administrasyong Duterte
mula 2016 ay umabot na sa 11,000.
3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang bahagi ng Sektor ng Industriya?
A. Ang paglikha ng mga processed food tulad ng longganisa, tocino at hotdog
B. Ang mga nalilikhang serbisyo ng mga nasa fast food chain sa bansa
C. Ang pagdagsa ng mga logistics delivery service tulad ng Lalamove, Grab at Transportify
D. Ang mga pagproseso palay at mga bungang-kahoy sa mga kooperatiba sa nayon

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng matinding epekto ng


pandemiyang nararanasan sa trabaho ng mga nasa Sektor ng Paglilingkod?
A. Nagdeklara ang Okkada Manila ng pagtatanggal ng trabaho sa humigit kumulang 1,000
tauhan ng hotel and gaming services.
B. Nawalan din ng trabaho ang may nasa 11,000 na manggagawa ng ABS-CBN dahil sa
pagboto ng kongreso na hindi payagan ang bagong prangkisa ng kumpanya.
C. Maraming komersyal na kainan ang nagpapatakbo lamang ng operasyon ng negosyo na
may 30% to 50% ng manggagawa dahil sa GCQ.
D. Sinasabing nasa 1 bilyong piso na ang nawawalang kita ng turismo at travel affairs ng
Palawan at iba pang tourist destination.

5. (Tama o Mali) Ang Pagbabago sa Klima at Global Warming ay parehong maaaring


ituring na Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya.

6. (Tama o Mali) Isa sa mga suliranin na kinahaharap ng sektor ng agrikultura ay ang mga
matitinding kalamidad na nararanasan ng Pilipinas gaya ng bagyo, lindol, pagputok ng
bulkan at flashflood.

7. (Tama o Mali) Ang Brain Drain ay nagaganap sa isang bansa kung ito ay may matatag na
programang nagbibigay ng sapat na atensyon sa mga kakulangan sa industriya at trabaho
tulad ng sapat na sahod, benepisyo at magandang kondisyon sa paggawa.

8. (Tama o Mali) Ang mga ulat sa komentaryong pang-editoryal sa mga pahayagan ay


maituturing na primarying sanggunian (primary sources).

9. (Identification) Tukuyin ang uri ng pangungusap: Katotohanan; Opinyon; Kongklusyon


Sa palagay ng ilang mga senador ay nararapat na iurong ang pagbubukas ng klase sa
pampublikong paaralan sa Oktubre habang ang ilan naman ay pabor na ipatupad ang
bagong taong panuruan ngayong Agosto.

10. (Identification) Tukuyin ang uri ng pangungusap: Inference; Bias; Generalization


“Kung hindi ka naman nabuhay sa panahon ng administrasyong Marcos ay wala kang
karapatang magsalita tungkol sa karahasan ng Batas Militar dahil ang katotohanan ay mas
maraming nagawang proyekto at kalsada ang mga Marcos kaya’t hindi malaking isyu ang
mga napatay at nawala noong panahon na iyon.”

11. (Identification) Tukuyin ang uri ng pangungusap: Katotohanan; Opinyon; Paglalahat


Sa kabuuan ng limang buwan na pakikipaglaban sa pandemiya ay unti unti nang nagiging
maluwag ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga community quarantine measures
upang hindi tuluyang bumagsak ang ekonomiya kahit pa nakikitang tumataas ang bilang
ng kaso ng may coronavirus.

12. (Identification) Tukuyin ang sektor na kinabibilangan ng gawain: Agrikultura; Industriya;


Paglilingkod
Maraming mga guro sa Pilipinas ang mas pinipiling mangibang-bansa dahil sa pagtingin
na ang trabaho sa ibang bansa ay mas makapagbibigay ng komportableng buhay sa
maiiwanang pamilya sa bansa.

PART C
1. (Fill in the Blanks) Ang _ ay isang uri ng mapa na nagbibigay ng impormasyon tungkol
sa mga lugar na mayroong mataas na banta ng sakuna o panganib upang maiparating ang
paghahanda sa publiko.

2. (Fill in the Blanks) Ang Super Typhoon Yolanda na mayroong International name na _
ay isa sa naitalang pinakamalalakas na bagyo sa Pilipinas na nananalasa sa Visayas at iba
pang lugar sa bansa noong Nobyembre 2013. 

2. (Pagtatambal) Pagtambalin ang tinutukoy na kalamidad sa bawat bilang. (2points)


A. Lindol
B. Tsunami
C. Flashflood
D. El Nino
W. Pagyanig ng lupa dulot ng patuloy na Y. Mabilis na pagragasa ng tubig mula sa
seismic waves at plate movements sa ilalim mataas na bahagi na lugar na nagdudulot ng
ng Daigdig. pagkasira ng mga ari-arian.
X. Pagtaas at paghampas ng tubig sa Z. Mahabang panahon ng tag-init at tagtuyot na
dalampasigan buhat sa pagyanig sa ilalim nagdudulot ng pagkasira ng mga pananim at
ng lupa. kalupaan.
4. Bakit kailangan ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan, lalo na
sa panahon ng kalamidad?  (Sagutin lamang sa 3-5 pangungusap)

5.  May kaugnayan ba ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad?


Patunayan at magbigay ng konkretong kasagutan batay sa totoong pangyayari o
sitwasyon. (Sagutin lamang sa 3-5 pangungusap)

6. SANAYSAY: (5 puntos – 5 pangungusap) Pumili ng apat na mahahalagang


Kontemporaryong Isyu mula sa pagpipilian at bumuo ng hindi bababa sa 5
pangungusap upang matukoy ang ugnayan ng tatlong paksa sa isa’t isa. Gamitin
ang iyong nalalaman tungkol sa pagkakaugnay, epekto at sariling pananaw sa
mga Kontemporaryong Isyu.
Diskriminasyon Child Labor Pagbabago sa Klima
Polusyon sa Kalikasan LGBT Rights Overpopulation
Prostitusyon Racism Kahirapan
Kawalan ng Trabaho Domestic Violence Kagutuman
Migrasyon Extrajudicial Killings War on Drugs

You might also like