Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 1 (PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU)

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na kontemporaryong isyu?


A. Pagbabago ng klima at iba’t ibang uri ng polusyon.
B. Mga paglabag sa karapatang pantao sa isang demokratikong bansa.
C. Ugnayang panlabas at diplomasya ng Tsina at Pilipinas.
D. Pagkakaroon ng mga rebelyon at pag-aaklas sa kolonyal na panahon sa Pilipinas.

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI direktang epekto ng pandemiyang nararanasan ng


mga bansa sa iba’t ibang aspetong panlipunan?
A. Ang pagsasara ng mga industriya ang nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya ng
maraming bansa.
B. Ang pagdami ng kaso ng positibo sa virus ay nagdulot ng paghina ng sektor ng
kalusugan at pagkagamit ng malaking halaga ng pondo.
C. Nagkakaroon ng mga digmaan sa pagitan ng mga bansa dahil sa isyung ito.
D. Ang pandemiyang ito ang nagpakita ng kahandaan ng mga institusyong politikal at
pamahalaan sa kung paano tumugon sa gitna ng krisis.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkiling o bias sa anyo ng selektibong


pagsusuri at pagtugon sa isang sitwasyon?
A. Hinuli ng pulis ang piling mga ralyista na lumabag sa GCQ protocol subalit hindi ang
mga dumalo sa isang mañanita ng mataas na opisyal ng Philippine National Police.
B. Sinabi ng isang senadora na mas maiging pagbutihan na lamang ng mga Health Care
Workers (HCW) ang kanilang trabaho kaysa ibalik ang Mega Manila sa ECQ.
C. Nagbigay ng subpoena ang kampo ng isang senador sa tulong ng NBI sa mga piling
social media user matapos di umanong masaktan ito sa mga hate post sa FB at
Twitter.
D. Sinabi ng Pangulo na siya ay seryoso sa kanyang mungkahing paggamit ng gasolina
bilang epektibong paraan sa paghuhugas ng mga reusable face mask.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga Isyung Pampolitika sa Pilipinas?
A. Ang di-umanong korupsyon na nagaganap sa ahensya ng PhilHealth.
B. Ang pagkakapatay kay Qasem Soleimani, isang kilalang pinunong politikal sa Iran,
na maaaring magdulot ng tensyon sa pagitan ng mga bansa.
C. Ang pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act of 2020 bilang kapalit ng Human Security
Act of 2007.
D. Ang pagtalakay ng kongreso at senado sa pagpapatupad ng Death Penalty at
pagpapaigting ng term extension para sa mga lokal na posisyon sa pamahalaan.
5. (3 puntos – 3-5 pangungusap) Magbigay ng isang napapanahong isyung pang-edukasyon
at ang iyong sariling pananaw rito? Paano ito nakaaapekto sa guro, mag-aaral at iba pang
maaaring kabilang sa isyu?

6. (3 puntos – 3-5 pangungusap) Sa nakalipas na 5 buwan ng Community Quarantine at


lockdown, ano sa iyong palagay ang maaaring maipagbuti (improve) ng pamahalaan sa
kanilang nagiging hakbang upang makatugon sa pandemiyang ating nararanasan?

You might also like