Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

A.

Panoorin ang isang halimbawa ng talumpati na may pamagat na, “Buhay- estudyante” sa Youtube
(https://www.youtube.com/watch?v=hQIY4NXGObM). Suriin ito at bigyan ng reaksyon hinggil sa
natutunan sa aralin. 30 pts

Bilang isang estudyante, isang malaking karangalan ang maatasang magbahagi ng isang talumpati
sa paaralan. Isa itong pagkakataon upang mas masanay humarap sa maraming tao. Dito rin masusukat ang
iyong determinasyon at tiwala sa sarili. Kung isa kang mahiyain, pagkakataon na ito upang iyong harapin.
Hindi lahat ng magaling sumulat ay magaling din magsalita. Gayundin naman sa magaling magsalita
ngunit hindi maipahayag ng husay ang kanyang nararamdaman kaya naman tayo ay pumapasok sa
paaralan upang linangin at mas payabungin pa ang atin kakayahan sa pamamagitan ng pagkukwento o
paggawa ng isang talumpati na siyang ibinabahagi natin sa ating mga guro at kapwa mag- aaral.
Sa talumpati na napakinggan ko tungkol sa “Buhay- estudyante”, una kong napansin ang maayos
na tindig ng mananalumpati at ang linaw nito sa pagsasalita. Sa ganung paraan, masasabing siya ay may
karanasan na. Hindi rin siya gaanong kinakabahan at tuluy- tuloy na ibinabahagi ang kanyang mensahe.
Natutunan ko na normal lang na kabahan sa pagsasalita sa harap ng madla sapagkat ang iba dito ay
maaring hindi pa natin kilala o maiisip natin na baka hindi nila ito magustuhan. Ang mahalaga ay gusto
natin ang ating ginagawa. Sa paraang ito, maisasantabi natin ang kaba at negatibong pag- iisip upang
magkaroon ng pokus sa pagbabahagi. Tumitingin siya sa madla kung may pagkakataon at hindi lamang sa
kanyang sinulat. Hindi niya ikinukumpas ang kanyang kamay ngunit dahil sa mensahe at linaw nito sa
pagsasalita tila ba hindi ka mawawalan ng gana sa pakikinig. Maaring ang pagkumpas o pagkilos ay
maging isang distraksyon lamang sa pakikinig o maari din namang maging pampagising upang malibang
ang mata ng nakikinig at hindi nakatuon lang sa isang posisyon ng nagsasalita.
Sa mensahe naman ng kanyang talumpati, bukod sa pagbabahagi ng may tiwala sa sarili, siya din
ay masasabing may kasanayan at kaalaman sa pagsulat. Mahahalagang impormasyon ang kanyang
ibinahagi maging ang kanyang karanasan na nakapagbibigay motibasyon din sa kapwa niya mag- aaral.
Kung ang kanyang tagapakinig ay kapwa mag- aaral, ito ay magiging kawili- wili sapagkat ang mensahe
ay konektado sa mga nangyayari sa atin kapag tayo ay pumapasok sa paaralan. Kung hindi naman,
maiintindihan ng nakikinig at makakapagbigay siya ng dagdag impormasyon tungkol sa nararanasan ng
mga estudyante. Nabanggit niya sa simula ang hirap na dinaranas ng mga estudyante tulad ng mga gawain
sa paaralan kasabay na ang responsibilidad sa pamilya at iba pang mga pinagkakaabalahan o libangan.
Upang hindi masabing siya ay may pinapanigan at hindi lamang puro hirap ng estudyante ang kanyang
sinasabi, ibinahagi rin niya kung ano ang dapat gawin upang hindi mawalan ng pag- asa sa kabila ng mga
ito. Walang pinapanigan ang kanyang talumpati at hindi magiging sanhi ng isang pagtatalo.
Pinakatumatak sa aking isipan ang mga huling kataga niyang sinabi. Ito ang “'Wag natin isipin na
isang abala ang pag-aaral. 'Wag din tayo matakot na abutin ang ating mga pangarap at 'wag na 'wag
tayong susuko.”. Sa panahon ngayon ito ang dapat nating isipin upang magpatuloy sa laban ng buhay.
Madami akong natutunang isitilo sa pagtatalumpati o pagsasalita sa harap ng madla maging ang
importansya ng mensahe sa isang talumpati at pagkakaroon ng lakas ng loob upang makapagpahayag ng
epektibong mensahe sa iba. Balang- araw, tayo naman ang tatayo sa harapan ng madla at magsasalita.
Isang pagkakataon upang magbahagi ng karanasan, mabuting aral at inspirasyon sa mga tagapakinig.

You might also like