Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 54

K l o y a l m o

K o l o n y a l i s m o
h i a
C h i n a
3 G
A e i c
A m e r i c a
i l i p s
P i l i p i n a s
G a p
G w a p o
KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO SA
SILANGANG ASYA AT
TIMOG-SILANGANG ASYA
Kolonyalismo at
Imperyalismo

A. Silangang Asya
CHINA, sinakop ng Portugal, England,
France, Germany at Russia
DAHILAN:

May malawak na teritoryo


Matatag na ekonomiya, kultura at
pulitika dahil sa isolationism o ang
paghiwalay ng saliri sa daigdig
May mga daungang mainam sa
pakikipagkalakalan
PARAAN:
Digmaang Opyo

* 1839-1842 –Pagkumpiska at pagsunog sa opyo na


nakuha mula sa barkong pagmamay-ari ng British.

* 1856-1860- Pagpigil ng isang opisyal ng adwana na


makapasok ang barko ng mga British na may dalang
Opyo. Sumali ang France dahil sa pagpatay sa isang
misyonerong Pranses sa China.
EPEKTO:

Humina ang katatagan ng pamahalaan


ng bansa.
Binuksan ang mga daungan ng China sa
mga Kanluranin
Ipinagkaloob sa England ang karapatang
extraterritoriality na nagsasabing ang
sino mang British na nagkasala sa China ay
hindi maaring litisin sa korte ng mga Tsino.
Nahati ang China ayon sa
Spheres of Influence noong
1900s na tumutukoy sa mga
rehiyon kung saan nangingibabaw
ang karapatan ng mga kanluranin:
England - Hongkong, Yang Tze Valley at
Weihaiwei
France - Zhanjiang, Kwangchow
Germany - Kwantung, Qingdao, Yunnan
Protugal - Macao
Russia - Manchuria
Ipinatupad ang Open Door
Policy na iminungkahi ni
John Hay, Secretary of the
State ng Estados Unidos
para matiyak ang patuloy
na pakikipag-kalakalan ng
China sa bansa nito.
JAPAN, sinakop ng Amerika
DAHILAN:

Maunlad ang ekonomiya, matingkad


ang kultura at matatag ang pamahalaan
dahil sa pagsasara ng mga daungan sa
mga dayuhan.

May mga daungang mainam sa


pakikipagkalakalan
PARAAN:

* Pagpapadala ni Pang. Milliard Filmore ng


Amerika kay Commodore Matthew Perry
upang hilingin sa emperador na buksan ang
kanyang mga daungan para sa mga barko
nito na dumadaan sa Pasipiko para sa
karagdagang pagkain, tubig at panggatong.

* Sa pagbalik ni Perry, nakita ng mga Hapones


ang mga naglalakihan at armadong barko na
tila nagbibigay ng isang babala.
EPEKTO:

Ipinatupad ang Kasunduang Kanagawa


noong 1854 na nag-uutos sa pagbukas ng
mga daungang Hakodate at Shimoda para
sa mga barko ng Amerika.
Pinahintulutan ang Amerika na magtayo
ng embahada sa Japan.
Nakapasok ang England, Germany,
France, Russia at Netherlands sa Japan.
Nawala sa kamay ng Shogunato ng
Tokugawa ang kapangyarihan.
Nagkaroon ng bagong pamahalaan
sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito
sa edad na 15. Tinawag ang kanyang
pamumuno na Mejie Era (Enlightended Rule)
Niyakap ng Hapon ang
modernisasyong dala ng kanluranin.
Kolonyalismo at
Imperyalismo

B. Timog-Silangang Asya
PILIPINAS, sinakop ng Espanya
DAHILAN:

Istratehiko ang lokasyon sa


Karagatang Pasipiko
Mainam na mapagkunan ng mga
hilaw na sangkap at pampalasa
May malaking deposito ng ginto
PARAAN:

* Nagpadala ng ekspedisyon na pinamunuan ni


Ferdinand Magellan upang maghanap ng
bagong mga lugar.
* Nagpadala ng mga misyonero upang ipakilala
sa mga katutubo ang Kristiyanismo.
* Nakipagkaibigan si Miguel Lopez de Legazpi
sa mga local na pinuno sa pamamagitan ng
sanduguan.
* Ipinatupad ang ibat ibang institusyong
panlipunan
EPEKTO:

Lumaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas at


naging makapangyarihan ang mga paring
Espanyol
Nagkaroon ng Sentralisadong Pamamahalaan
bilang isang probinsiya ng Espanya na
pinamumunuan ng Gobernador Heneral, ang
pinakamataas na pinunong Espanyol.
Nawalan ng kapangyarihan ang mga katutubo
sa pamamahala.
Nagpatupad ng sistema ng pagbubuwis
(tributo)
Naging malawakan ang monopolyo sa tabako
Napilitang magtrabaho ang mga lalaking may
edad 16-60 (polo y sevicio)
Natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol
at nagkaroon ng ibat ibang pagdiriwang kagaya
ng pista ng santo, Santacruzan, Pasko at iba pa
Naging sentro ng kalakalan ang Kalakalang
Galyon
INDONESIA, sinakop ng Portugal,
Netherlands at England
DAHILAN:

Istratehiko ang lokasyon sa


Karagatang Pasipiko
Mainam na mapagkunan ng mga
hilaw na sangkap at pampalasa
Mainam na daungan
PARAAN:

* Nagtayo ng himpilan ng kalakalan ang


Portugal sa Moluccas (1511) at
pinalaganap ang Kristiyanismo
* Gumamit ng Divide and Rule Policy kaya
napaalis ng mga Dutch ang mga Portuges
at sinakop ang Amboina at Tidore sa
pamamagitan ng pakikipag-alyansa
sa mga local na pinuno
EPEKTO:
Lumaganap ang Kristiyanismo
Naitatag ang Dutch East India Company (1602)
- Layunin nito na pag-isahin ang mga kompanya na
nagpapadala ng paglalayag sa Asya
- Pagtatayo ng isang hukbo na magtatanggol laban sa
pirata, magtayo ng mga daungan
- Makipagsundo sa mga lokal na lider ng iba pang mga
bansa sa Asya
- Nakontrol ang Spice Trade sa Timog-Silangang Asya.
MALAYSIA, SINGAPORE, MYANMAR
sinakop ng England
DAHILAN:

Istratehiko ang lokasyon para maging


daungan
Mainam na mapagkunan ng lata at
goma (Malaysia)
Mapapangalagaan ang interes sa
Silangang India (Myanmar)
PARAAN:

* Kinontrol ang mga daungan ng


Singapore na sentro ng kalakalan
* Kinontrol ang produksyon ng lata at
goma sa Malaysia at hinikayat ang mga
Tsino na mandayuhan dito para maging
mga trabahador.
EPEKTO:

Nakilala ang Singapore bilang sentro


ng kalakalan sa Timog-Silangang Asya
Dumami ang bilang ng mga
trabahador na Tsino sa Malaysia na
naging dahilan ng kahirapan at
kaguluhan.
Ipinatupad ang resident system
(Myanmar) na nagtatalaga sa isang British
na maging opisyal na kinatawan ng
pamahalaang England at ang pagbibigay
pahintulot na manirahan dito.
Nabawasan ang kapangyarihan ng Hari at ng mga
Burmese sa kanilang lupain na naging dahilan upang
magkaroon ng Digmaan Anglo-Burmese – isang
digmaan sa pagitan ng mga British at mga Burmese
ng Myanmar.
PILIIN ANG TAMANG SAGOT
1. Digmaan sa pagitan ng England at
China

BATTLE OF MACTAN
DIGMAANG OPYO
1. Digmaan sa pagitan ng England at
China

BATTLE OF MACTAN
DIGMAANG OPYO
2. Nahati ang China ayon sa
_____________ noong 1900s na
tumutukoy sa mga rehiyon kung saan
nangingibabaw ang karapatan ng mga
kanluranin

EXTRATERRITORIALITY
SPHERE OF INFLUENCE
2. Nahati ang China ayon sa
_____________ noong 1900s na
tumutukoy sa mga rehiyon kung saan
nangingibabaw ang karapatan ng mga
kanluranin

EXTRATERRITORIALITY
SPHERE OF INFLUENCE
3. nag-uutos sa pagbukas ng mga
daungang Hakodate at Shimoda para
sa mga barko ng Amerika

KASUNDUANG KANAGAWA
SANDUGUAN
3. nag-uutos sa pagbukas ng mga
daungang Hakodate at Shimoda para
sa mga barko ng Amerika

KASUNDUANG KANAGAWA
SANDUGUAN
4. Layunin nito na pag-isahin ang mga
kompanya na nagpapadala ng
paglalayag sa Asya

DUTCH EAST INDIA COMPANY


CENTRAL POWERS
4. Layunin nito na pag-isahin ang mga
kompanya na nagpapadala ng
paglalayag sa Asya

DUTCH EAST INDIA COMPANY


CENTRAL POWERS
5. nagtatalaga sa isang British na
maging opisyal na kinatawan ng
pamahalaang England at ang
pagbibigay pahintulot na manirahan
dito

RESIDENT SYSTEM
EXTRATERRITORIALITY
5. nagtatalaga sa isang British na
maging opisyal na kinatawan ng
pamahalaang England at ang
pagbibigay pahintulot na manirahan
dito

RESIDENT SYSTEM
EXTRATERRITORIALITY
PERFORMANCE TASK NO. 1

Ang nasa larawan ay ang tanyag na mananakop na


Europeo na si Ferdinand Magellan. Dahil sa kanyang
panggagalugad sa mundo, maraming konsepto ang
napatunayang totoo at marami din naman ay huwad
lamang. Kung ikaw si Magellan, anong bansa ang nais
mong mapuntahan at pamunuan. (IPALIWANAG)

You might also like