50 Questions

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay respeto sa opinion at karapatan ng bawat isa.

a. Mission
b. Vision
c. Makatao
d. Makabansa

2. Nagpapakita ito ng pananampalataya, pagmamahal at paggalang sa Diyos.

a. Makatao
b. Maka-Diyos
c. Pagiging Magalang
d. Makabansa

3. Ang kaugalian na ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pag aalaga sa kapaligiran.

a. Makabansa
b. Makatao
c. Makakalikasan
d. Maka-Diyos

4. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa bansa at pag sunod sa mga patakaran at regulasyon nito.

a. Makatao
b. Makakalikasan
c. Maka-Diyos
d. Makabansa

5. Marunong humingi ng kapatawaran at hindi mapanghusga sa kapwa

a. Makakalikasan
b. Makabayan
c. Maka-Diyos
d. Makatao

6. Wastong paggamit at pangangalagala ng mga likas na yaman

a. Makatao
b. Makakalikasan
c. Maka-Diyos
d. Makabansa
7. Pagkilala sa kapangyarihan ng Poong Maykapal bilang tagapaglikha
a. Maka-Diyos
b. Makakalikasan
c. Makatao
d. Makabansa

8. Ito ay mahalagang matutunan ng mga mag-aaral upang mapaunlad nila ang kanilang sarili.

a. Mission
b. Vision
c. Objectives
d. Core Values

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa core values

a. Makakalikasan
b. Makabansa
c. Mapagkakatiwalaan
d. Makatao

10. Mayroon na apat na core values ito ay ang Makakalikasan, Makatao, Maka-Diyos at ____
a. Mapagmahal
b. Mapagkakatiwalaan
c. Mapagbigay
d. Makabansa

11. Sa anong pamamaraan naipapakita na ikaw ay isang Makatao.

a. Sinusunod ang mga health protocols na ipinatupad ng Gobyerno


b. Hindi gumagawa ng isang paraan o isang bagay na maaaring makasira sa
reputasyon ng isang tao.
c. Nagtatapon ng basura sa tamang basurahan.
d. Nagsisimba tuwing Linggo.

12. Sa anong pamamaraan naipapakita na ikaw ay isang Makabansa.


a. Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan.
b. Pagbibigay respeto sa mga Sagradong lugar.
c. Pagsunod sa mga regulasyon na ipinatupad sa bansa
d. Pagmamano sa mga nakatatanda
13. Ang pagiging makakalikasan ay isa sa mga core values, sa anong pamamaraan ito naipapakita

a. Pagsabi ng “po” at “opo”


b. Pagbibigay respeto sa mga relihiyosong paniniwala ng iba’t ibang tao
c. Pagtangkilik ng mga produktong gawang Pinoy
d. Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok, di nabubulok sa tamang
basurahan.

14. Sa anong pamamaraan naipapakita na ikaw ay isang Maka-Diyos

a. Pagtawid sa tamang tawiran


b. Pagdarasal bago kumain at bago matulog
c. Hindi nagbibitiw ng mga salita na maaaring ikasakit o ikasira ng iba
d. Hindi nagtatapon kahit saan

15. Sa anong core value nabibilang ang pagiging mapagbigay.

a. Maka-Diyos
b. Makatao
c. Makakalikasan
d. Makabansa

16. Ang pagtangkilik sa mga produktong gawang pinoy ay nabibilang sa anong core value

a. Maka-Diyos
b. Makatao
c. Makakalikasan
d. Makabansa

17. Naipapakita ang pagiging may takot sa Diyos sa anong core value

a. Maka-Diyos
b. Makakalikasan
c. Makatao
d. Makabansa

18. Ang pagpoprotekta sa Biodiversity ay naipapakita sa anong core value

a. Maka-Diyos
b. Makakalikasan
c. Makatao
d. Makabansa
19. Si Hannah ay sumusunod sa mga regulasyon na ipinatupad ng gobyerno. Anong core value ang
taglay ni Hannah

a. Makakalikasan
b. Makatao
c. Maka-Diyos
d. Makabansa

20. Si Tyron ay hindi nanghuhusga sa ibang tao sa kahit anong aspeto nito, Si Tyron ay nagpapakita
ng isang pagiging?

a. Makatao
b. Makakalikasan
c. Makabansa
d. Maka-Diyos

21. Tuwing Linggo nagsisimba ang Pamilya ni Carol. Sila ay nagpapakita ng pagiging?

a. Makatao
b. Maka-Diyos
c. Makakalikasan
d. Makabansa

22. Ang Greenpeace Philippines ay isang orginasasyon na nagbibigay alaga sa kalakisan. Anong core
value ang itinataglay ng Greenpeace Philippines.

a. Maka-Diyos
b. Makabansa
c. Makatao
d. Makakalikasan

23. Ang community pantry ay halimbawa ng isang pagiging _____

a. Makabansa
b. Makatao
c. Makakalikasan
d. Maka-Diyos

24. Ang ating mga bayani ay may itinataglay na anong core value?

a. Makakalikasan
b. Makabansa
c. Maka-Diyos
d. Makatao
25. Ang pagkakaroon na malasakit sa kapwa ang isang uri ng pagiging _____

a. Matapat
b. Makabayan
c. Makatao
d. Magalang

26. Si Sharon ay laging nagdarasal bago kumain, Si Mark ay tinatapon ang kanyang mga basura sa
tamang basurahan, Si Lot ay ay laging bumili ng lokal na produkto at Si Ryan ay hindi
nanlalamang sa kapwa. Sino sakanila ang nagpapakita ng isang pagiging Makatao?

a. Sharon
b. Mark
c. Lot
d. Ryan

27. Ang pamilya Cruz ay nagtatanim ng mga halaman sa kanilang bakuran, samantala anb pamilya
Sanchez ay nagsisimba tuwing Linggo at ang pamilya Santos ay hindi basta basta lumalabas ng
bahay dahil sinusunod nila ang mga regulasyon ng departamento pangkalusugan at ang pamilya
Alvarez ay hindi nakikipag away sakanilang kapitbahay. Anong pamilya ang nagpapakita ng
pagiging isang makakalikasan?

a. Pamilya Sanchez
b. Pamilya Cruz
c. Pamilya Santos
d. Pamilya Alvarez

28. Si Angelina ay sinusunod ang mga utos ng kanyang mga magulang, Si Aaron ay laging
namimigay pag siya ay may pagkain, Si Amber ay laging nagdarasal bago matulog at si Lala ay
kabilang sa isang organisasyon na pinapangalagaan ang kalikasan. Sino sakanila ang
nagpapakita ng isang pagiging Maka-Diyos?

a. Si Angelina
b. Si Aaron
c. Si Amber
d. Si Lala
29. Si Claire ay laging nanampalataya sa Diyos, si John ay masunuring bata, si Harold ay bumibili ng
mga produktong gawang lokal/pinoy. Sino sakanila ang nagpapakita ng isang pagiging
Makabansa?
a. Si Claire
b. Si Harold
c. Si John
d. Wala sa nabanggit

30. “Itapon ang basura sa tama, upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran”. Anong core
value ang inilalarawan ng slogan?

a. Pagiging Makabansa
b. Pagiging Makatao
c. Pagiging Maalaga
d. Pagiging Makakalikasan

31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a. Pagsisimba kada linggong mga katoliko


b. Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo
c. Ang militar ay nag sisilbi para sa banyan/bansa
d. Ang pagtatanim ng mga puno

32. Si Joy ay pina-iisipan ang kapakanan at ang mga emosyon ng kapwa at hindi lamang ang sarili. Si
Joy ay may taglay na?

a. Makakalikasan
b. Makatao
c. Maka-Diyos
d. Makabansa

33. Si Grace ay sinusunod ang mga batas sa komunidad at sa bansa. Anong core value mayroon si
Grace?

a. Pagiging Masunurin
b. Pagiging Makatao
c. Pagiging Makabansa
d. Pagiging Makakalikasan
34. Sarah ay laging isinasaalang alamg at inirerespeto ang damdamin ng isang tao. Si Sarah ay may
taglay na pagiging ___?

a. Makatao
b. Makabansa
c. Mapagkumbaba
d. Maka-Diyos

35. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng isang pagiging makakalikasan

a. Nagtatanim ng mga bagong puno pamalit sa mga ipinutol


b. Gumagamit ng dinamita sa pangingisda upang mabilis mamatay ang mga isda
c. Hinihiwalay ang basurang nabubulok at di nabubulok
d. Hindi sinusunog ang mga plastik

36. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng isang pagiging Maka-Diyos, alin ang hindi.

a. Pinagtatawanan ang ibang relehiyon


b. Sinusunod ang sampung utos ng Diyos
c. Naglilingkod sa simbahan
d. Pinapahayag ang mabuting balita ng Diyos

37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging isang Makatao

a. Si Darren ay laging nakikipag away


b. Nagpakalat ng maling impormasyon si Dely sa kanilang barangay upang siraan
si Elsa
c. Si Rona ay nagbibigay ng mga pagkain sa mga nagugutom
d. Pinagtatawanan ni Roy ang isang lumpo

38. Ano ang dipinisyon at paglalarawan sa Makatao

a. Nagpapakita ng pagmamahal sa bansa at mga kababayan. Pinoprotektahan


ang bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran at regulasyon, at
pagiging huwaran sa ibang mga mamamayan.
b. Nagpapahayag ng pag-ibig sa kapwa. Pagbabayanihan, Pagbibigayan at
Pagkakawanggawa, pagtulong at pagmamalasakit ay bukal sa puso.
c. Pagpapahalaga sa ating kapaligiran tulad ng pagwawalis at pag tatapon ng
basura sa tamang tapunan.
d. May matibay na pananampa-lataya sa diyos na tunay at makapangyarihan.
Ang lahat ng bagay ay nasa kanyang kapamahalaan.
39. Ang pagiging Makabansa ay naipapakita sa anong paraan.

a. Tinatangkilik ang produktong gawang Pinoy


b. Pagpapaunlad sa kultura ng bansa
c. Tapat sa paglilingkod ng bansa
d. Lahat ng nabanggit

40. Ang pagiging Makatao ay dapat ______

a. Ipinapatupad
b. Isanasaalang alang
c. Isinasapuso
d. Itinatago

41. Layunin nitong matuto ang mga tao na pangalagaan at pagyamanin ang likha ng Diyos.

a. Makatao
b. Makabansa
c. Makakalikasan
d. Maka-Diyos

42. Ang pangunahing layunin nito ay maging isang huwarang mamamayan ang mga Pilipino.

a. Makatao
b. Makabansa
c. Makakalikasan
d. Maka-Diyos

43. Layunin nitong mas paigtingin ang pananampalataya sa Diyos.

a. Makatao
b. Makabansa
c. Makakalikasan
d. Maka-Diyos

44. Layunin nitong maging mabuti ang isang indibidwal.

a. Makatao
b. Makabansa
c. Makakalikasan
d. Maka-Diyos
45. “Maka-Diyos”, “Makakalikasan”, “Makatao” at “Makabansa” ay ang pambansang ___ ng
Pilipinas
a. Wika
b. Salawikain
c. Bugtong
d. Kasabihan

46. Ito ay tumutukoy sa mga pag-uugali at gawain natin na nakakatulong sa ating kaalaman kung
tayo ay nasa tama o mali.

a. Makatao
b. Mission
c. Core Values
d. Goals

47. Ito ay ang isang hangarin ng isang tao o institusyon upang magdala sa kaniya patungo sa
kaganapan.

a. Mission
b. Vision
c. Goals
d. Core Values

48. Ito ay nagpapakita na kung ano ang gustong resulta ng paaralan na makikita nila sa kanilang
estudyante para sa kanilang hinaharap.
a. Mission
b. Vision
c. Goals
d. Core Values

49. Ang _____ ng Departamento ng Edukasyon ay maitaguyod ang karapatan ng bawat Pilipino na
mabigyan ng sapat at magandang kalidad ng eduksyon.
a. Vision
b. Core Values
c. Mission
d. Objectives

50. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Paaralan at ng Department of Education

a. Mabigyan ng magandang kalidad na edukasyon ang mga estudyante


b. Magabayan ang mga mag-aaral patungo sa matuwid na landas
c. Mahasa ang mga kaalaman at kakayahan ng bawat mag-aaral
d. Lahat ng nabanggit

You might also like