Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

St.

Dominic De Guzman School


Caypombo, Santa Maria, Bulacan
Tel. nos. (044) 7984294 / 0922 291 0776
Gov’t Recognition no. E-077 S.2008; S-034 S. 2010 ; SHS Permit No. 336 S.2015

MISA NG BANAL NA ESPIRITU


Tagpagpaliwanag: Magandang umaga po sa inyong lahat. Ating ipagdiriwang
ang Sakramento Banal na Eukaristiya sa karangalan ng Espiritu Santo.
Hinihiling natin ang liwanag at paggbayng Espiritu Santo sa ating mga gawin sa
kabuuan ng taong pamapaaralan. Hilingin natin sa Diyos na ipagkaloob sa atin
ang mga biyayang kaloob ng Kanyang Espiritu.
Ang mga Kaloob ng Banal na Espiritu

Kaalaman. Ang kaalaman ay biyayang nagdudulot na ating masuri at


matandaan ang impormasyon na ating nababasa, naririnig, o dumadaan sa iba pa
nating pandamdam. Kaalaman ang nagpaphintulot natin na makilala ang mabuti
sa masama, at lalongmakilala ang siyang tunay na mabuti: Walang iba kundi
ang Diyos. Dumalangin tayo sa Espirtu Santo na bigyan tayo ng kaalaman at
tunay na pagkakilala sa Diyos.

Karunungan. Ang karunungan ay biyaya na tumutuwang sa atin upang ang


ating nailalaman ay lubos nating maisabuhay, para sa ating kabutihan, at para sa
ikabubuti ng ating kapwa. Hilingin natin sa Espiritu Santo na palagi at patuloy
tayong bigyan ng karunungan na laing gumawa ng mabuti at tama.

Pag-unawa. Ipinagkakaloob sa atin ng biyaya ng pagkaunawa na matanggap


natin ang ating kahinaan, gayundin ang kahinaan at pagkukulang ng ating
kapwa, at maisabuhay ang diwa ng habag at awa. Ipanalangin natin na bigyan
tayo ng Espiritu Santo ng maunawain at mahabaging puso.

Mabuting pagpapasya. Ang mabuting pag papasya ay kaloob na gumagabay


sa atin upang mas makita ng maliwanag  ang ating mga pinagpipilian gayundin
ang mga magiging dulot ng ating pasya, upang ang ating mga desisyon at
pagkilos ay maging naayon sa kalooban ng Diyos. Hilingin natin sa Espiritu
Santo nalagi tayong liwanagan sa mga panhong kinakailangan natin, lalo na sa
mga importanteng desisyon sa ating buhay. 
Kabanalan. Ang kabanalan ay ang nag-uudyok at nagpapalalim sa ating buhay
panalangin. Binibigyan tayo nito ng pagnanasa na mapalalim pa ang ating
ugnayan sa Diyos, ang Siya ay mas makilala, at manatili sa Kaniyang piing sa
pamamagitan ng buhay na puno ng palagian at taimtim na pananalangin.
Hilingin natin sa Espiritu Santo na turuan tayong magdasal palagi na may bukas
na puso.

Katatagan. Katatagan ang ipinagkakaloob sa atin ng Espiritu Santo upang


lumakas ang ating loob na ipahayag at panindigan ang mga bagay na mabuti at
tama na ipinahahayag sa atin ng ating pananampalataya. Hilingin natin sa
Espiritu Santo na bigyan tayo ng katatagan ng loob na magin tunay ngang mga
kawal ni Kristo.
Ang Banal na takot sa Diyos. Ito ay hindi totoong takot, bagkus ito ay ang
pagkakaroon ng labis at malalim na paggalang at pagmamahal sa Diyos. Dulot
ng pagmamahal na ito, ang ating ikinatatakot ay ang masaktan natin ang
Kanyang damdamin, at malabag natin ang Kanyang kalooban dahil sa ating
kasalanan. Hilingin natin sa Espiritu Santo na akayin tayo upang tunay na
igalang at ibigin ang Diyos, nang buo nating puso, buong isip, at buong lakas.

Magsitayo ang lahat at maki isa sa pag awit.


Pambungad na Awit
PARI: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
BAYAN: Amen.
PARI: Sumainyo ang Panginoon.
BAYAN: At sumaiyo rin.
PARI: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan
upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

BAYAN: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga


kapatid…
PARI: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin
tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.

BAYAN: Amen

PARI: KYRIE (Aawitin ng Koro)


Panginoon, kaawaan mo kami
BAYAN: Panginoon, kaawaan mo kami
PARI: Kristo, kaawaan mo kami
BAYAN: Kristo, kaawaan mo kami
PARI: Panginoon, kaawaan mo kami
BAYAN: Panginoon, kaawaan mo kami

PARI: PAPURI/GLORIA (Aawitin ng Koro)


Papuri sa Diyos sa kaitaasan

BAYAN: At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan


niya…

PANALANGING PAMBUNGAD
PARI: Manalangin tayo…
Ama naming makapangyarihan, pinababanal mo ang
iyong pandaigdig na Sambayanan sa ipinahahayag mo ngayon sa
dakilang Kapistahan. Gawin mong ang buong daigdig ay
mapuspos nang ganap sa mga kaloob ng Espiritu Santong bigay
mo sa lahat para puspusin ang kalooban ng tanan noon gang
mabuting balita ay simulang ipangaral sa pamamagitan ni
Hesukristo kasaka ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS / LITURHIYA NG


SALITA
COMM: (Maupo po ang lahat at pakinggan natin ang salita ng
Diyos.

UNANG PAGBASA
Ang Salita ng Diyos mula sa Gawa ng mga Apostol
(Mga Gawa 2, 1-11)

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa


isang lugar. At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit,
animo’y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na
kinaroroonan nila. May nakita silang wari’y mga dilang apoy na
lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng
Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob
sa kanila ng Espiritu. May mga Judiong buhat sa iba’t-ibang bansa, na
naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos. Nang
marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha
sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang
pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat? Bakit
ang atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayo’y
mga taga-Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam; mga naninirahan sa
Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia sa Ponto, at sa Asia. Mayroon
pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia
na sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma, maging
mga Judio at mga naakit sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia
pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa ating-ating wika tungkol sa mga
kahanga-hangang gawa ng Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SAMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34

Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri ka Poong Diyos nitong aking kaluluwa,


O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig ikaw roon, kay raming iyong likha.
Sa daming nilikha mo’y nalaganapan ang lupa.

Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga;


Mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,


sa lahat ng iyong likha ang madama’y kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.

Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 12, 3b-7. 12-13

Ang Salita ng Diyos mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa


mga taga-Corinto
Mga kapatid, hindi masasabi ninuman, “Panginoon si Hesus,” kung
hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo.

Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob
ng mga ito. Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang
ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawain ngunit
iisa lamang ang Diyos na sumasalahat at ng taong gumagawa ng mga
iyon. Ang bawat isa’y binigyan ng kaloob na naghahayag na
sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.

Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming


bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan.
Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay
bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong
lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.


BAYAN: Salamat sa Diyos

(Aawitin ng Koro)
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kami’y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya! Aleluya!

PARI: Sumainyo ang Panginoon

BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San


Juan (20:19-23)

BAYAN: Papuri sa iyo, Panginoon


Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay
nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang
pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si
Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi
niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at
ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang
makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo
ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din
naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at
sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin
ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi
ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

BAYAN: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

COMM: Maupo po ang lahat.

HOMILIYA
COMM: Tumayo ang lahat.
PARI:

PARI: Ipahayag natin ang ating pananampalataya


Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat…

PANALANGIN NG BAYAN
PARI: Manalangin tayo sa ating Diyos Amang nagbigay sa
atin ng Kanyang Espiritu sa pamamagitan ni Hesus na
Kanyang Anak.
Panginoon, dinggin ang aming panalangin!
1. Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari, relihiyoso, ang mga guro at ang lahat ng
naatasang gumabay at magturo sa iba’t ibang paraan, nawa’y patuloy na maki-isa sa
patuloy na paggabay ng banal na Espiritu sa kamilang misyon. Manalangin tayo.

2. Ang bawat pamayanang Kristiyano, naway manatiling matatag sa bawat pagsubok sa


buhay at maging instrumento ng pagpapalaganap ng kapaypaan, pag – ibig at pag
asang dumadaloy sapag gabay ng banal na Espiritu. Manalangin tayo.

3. Para sa bawat isa sa atin, nawa’y makatulong tayo sa ikabubuti ng ating pamayanan sa
pagpananatili at pagpapalago ng buhay sa Espiritu sa atin. Manalangin tayo.

4. Para sa mga nalulungkot o nag-aalala, para sa mga pinagkaitan ng kasiyahan, at para


sa mga Kristiyanong pinanghihinaan ng loob dulot ing iba’t ibang kasawian sa buhay,
nawa pagkalooban sila ng Espiritu Santo ng ginhawa, liwanag, at lakas na kailangan
nila. Manalangin tayo.

5. Para sa lahat ng tao, nawa makatagpo sila ng mga tapat na Kristiyanong gagabay sa
kanila tungo sa pagsisisi at pananampalataya kay Kristo, at pagkakamit ng buhay sa
Espiritu. Manalangin tayo!

PARI: Amang nasa langit, salamat sa pagpapadala ng Iyong


Anak upang idulot sa amin ang Espiritu Santo.
Pasiglahin Mo kami sa aming pamayanang Kristiyano
upang ang Iyong Espiritu ay makapangyari sa puso ng
lahat. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

BAYAN: Amen.

Maupo po ang lahat at awitin ang awit sa pag-aalay.

LITURHIYA NG EUKARISTIYA

PARI: (Maaaring laktawan ng Pari)


Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong
kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga
ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay- buhay.

BAYAN: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


PARI: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa
iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas
ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

BAYAN: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

(Patayuin ang mga nagsisimba pagkaraan ng paghuhugas ng kamay ng


Pari)
COMM: Tumayo po ang lahat.

PARI: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain


natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

BAYAN: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa


kapurihan Niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan Niyang
banal.

PARI PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

PARI: Ama naming Lumikha, pakundangan sa pangako ng


iyong Anak ang lihim ng iyong pag –ibig at paglingap
ay iswalat nawa ng Espiritu Santo ngayong ginaganap
ang paghahaing ito na siya na rin nawang maglahad ng
iyong katapatan sa pamamagitan ni Hesukristo
magpasawalang hanggan.
BAYAN: Amen.

PANALANGIN NG PAGPURI AT PAGPAPASALAMAT


(EUCHARISTIC PRAYER)

PARI: Sumainyo ang Panginoon.


BAYAN: At sumaiyo rin.
PARI: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
BAYAN: Itinaas na naming sa Panginoon.
PARI: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
BAYAN: Marapat na Siya ay pasalamatan.
PARI: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat
na Ikaw ay aming pasalamatan. Ngayo’y iyong nilubos
ang ginanap na pagtubos ng iyong Anak na si
Hesukristo na siyang nakaluklok sa kanan mo.
Espiritu’y lumulukob sa mga taong tinubos na iyong
itnatampok bilang kapatid ni Kristo Hesus.
Araw ngayong ng pagsilang ng binuong sambayanan
ng iyong Anak na mahal.
Tanang tiniubos na bansa ikaw ang dinadakila.
Espiritu’y lumilikha ng nagkakaisang diwa.
Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa
Iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y
nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:
BAYAN: (Aawitin ng Koro) Santo, santo, santo
COMM: Lumuhod po ang lahat.
PARI: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanan. Kaya’t
sa pamamagitan ng iyong Espiritu, gawin mong banal
ang mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging
Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.
Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog,
hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga
alagad at sinabi:
“Tanggapin ninyo itong lahat at kanin: Ito ang
aking katawan na ihahandog para sa inyo.”
Gayon din naman, noong matapos ang hapunan,
hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang
pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga
alagad at sinabi:
“Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: Ito ang
kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang
tipan. Ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo
at para sa lahat. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa
akin.”
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

COMM: Tumayo po ang lahat


BAYAN: (Aawitin ng Koro)

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

PARI: Ama ginagawa namin ngayon ang pag-alala sa


pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak,
kaya’t iniaalay namin sa iyo ang tinapay na
nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng
kaligtasan. Kami’y iyong marapat na tumayo sa harap
upang maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsalu-salo sa Katawan at
Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa
pamamagitan ng Espiritu Santo. Ama, lingapin mo ang
iyong Simbahang laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig kaisa ni FRANCISCO
na aming Papa at ni DENNIS na aming Obispo at ng
tanang kaparian.
Alalahanin mo rin ang mga kapatid na nahimlay nang
may pag-asang sila’y muling mabubuhay, gayon din
ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at
patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawan mo at
pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong
buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng
Maria na Ina ng Diyos, kaisa ng kanyang kabiyak ng
puso na si San Jose, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng
mga banal na namuhay ditto sa daigdig nang kalugod-
lugod sa iyo, maipagdiwang nawa namin ang
pagpupuri sa ikararangal mo, sa pamamagitan ng
iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo, Diyos
Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen. (Aawitin ng Koro)

ANG PAKIKINABANG
PARI: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni
Hesus na Panginoon nating Diyos, ipahayag natin nang lakas-
loob:
AMA NAMIN (Aawitin ng Koro)

PARI: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,


pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa
kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw
ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si
Hesukristo.

BAYAN: (Aawitin ng Koro) Sapagkat Iyo ang kaharian…

PARI: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga


Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang
aking kapayapaan ang ibinigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag
ang aming mga pagkaksala. Pagkalooban mo kami ng
kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

PAGHAHATI NG TINAPAY
BAYAN: KORDERO (Aawitin ng Koro)
COMM: Lumuhod po ang lahat.

PARI: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga


kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa
Kanyang piging.
BAYAN: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang
salita Mo lamang ay gagaling na ako.

PARI: Ingatan nawa tayo ng katawan at dugo ni Kristo


hanggang sa buhay na walang hanggan.

BAYAN: Amen.

PANGWAKAS
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
PARI: Ama naming mapagmahal, pinapapakinabang mo ang
iyong Sambayanan sa iyong mga bigay buhat sa
kalangitan.
Ang iyong pagpapalang kaloob sa amin ay iyong
panatilihin upang lagging masaganang dumaloy ang
Espiritu Santo at an gaming pinagsaluhan sa
pagdiriwang na ito ay magdulot ng pag – unlad sa
pamamagitan ni Hesukristo magpasawalang hanggan.
BAYAN: Amen.

COMM.: Ngayon po ay isasagawa po natin ang pagpapahayo sa mga


guro at kawani ng St. Dominic de Guzman School para sa taong pang
panuruan 2021-2022. Manatili pong nakatayo ang mga guro at
kawani.
PANALANGIN SA PAGHAYO NG MGA GURO
PARI: Panginoon naming Diyos, sa Iyong karunungan at pag ibig ay
pinagkalooban Mo kami

PANALANGIN NG PAGHAYO NG MGA GURO Panginoong aming Diyos, sa iyong


karunungan at pag-ibig ay pinagkalooban Mo kami ng mga biyayang aming
kinakailangan sa araw-araw. Sa mga nagdaang panahon, sinugo Mo ang mga propeta
upang ituro ang iyong mga aral at maging saksi sa Iyong walang hanggang
pagmamahal. Isinugo mo rin ang Iyong Anak na si Hesukristo upang turuan kami sa
pamamagitan ng kanyang mabutung halimbawa ng mga salita at gawang kalugud-
lugod sa Iyo. Ipadala Mo po ang Iyong Espiritu sa aming mga guro at puspusin Mo po
sila ng biyaya ng karunungan. Ipagkaloob Mo po na sa Taong Pampaaralan na ito ay
maitalaga nila ang kanilang mga sarili sa pagtuturo sa mga mag-aaral hindi lamang ng
mga aralin kundi maging ng kabutihang asal upang maging responsableng mamayan ng
ating bayan at mabubuting Kristiyano. Nawa po ang kanilang propesyon ng pagtuturo
ay ituring nilang bokasyon at misyon na mula sa Iyo upang magampanan nila nang
buong puso at walang hinihintay na anumang kapalit. Sa kanilang pagtanggap ng Krus
ng Misyon, nawa ay yakapin nila ang kaakibat na hamon ng pagtuturo at mapalakas ng
Iyong awa at kabutihan sa kanilang paglilingkod. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon. Amen.

PARI PAGPAPAHAYO (FINAL BLESSING)


PARI: Sumainyo ang Panginoon
BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Pagpapalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama,


Anak at Espiritu Santo.
BAYAN: Amen.

PARI: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang


Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
BAYAN: Salamat sa Diyos.

You might also like