Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Name: Calasag, Keith G.

Year & Course: 2nd -BSTM

Date Accomplished: September 03, 2021

1. Sino ang persona sa tulang binasa? Ano ang kanyang nais iparating sa mga babasa nitong

tula? Ipaliwanag.

Ang persona sa tulang binasa ay ang dalawang mag-asawa. Ang lalaking asawa ay lumayo, nag-

ibang bansa upang siya ay maghanapbuhay at sa kanyang pagbabalik nadatnan niyang bangkay na

ang kanyak kabiyak. Ang nais iparating ng tulang ito sa mga mambabasa ay mahalaga ang

komunikasyon sa mga mahal mo sa buhay lalo na’t nasa ibang lugar ka. Isang kamusta lang sa iyong

minamahal ay napakaimportante iyon para mapasaya mo siya. Pangalawa, nais iparating ng tulang ito

sa mga mambabasa na mahirap magtrabaho sa ibang bansa lalo na’t mailalayo ka sa mga mahal mo sa

buhay. Ngunit handa silang magsakripisyo at iwan ang kanilang mga mahal sa buhay mabigyan lang ito

ng maayos at magandang pamumuhay.

2. Sa papaanong paraan maiuugnay ang tula sa iyong buhay? Isalaysay.

Maiuugnay ko ito sa aking buhay sapagkat ang aking ina ay nasa ibang bansa. Karamihan sa

mga Pilipino ay nangingibang bansa o pumpunta sa malalayong lugar upang makipagsapalaran dahil

dito sa Pilipinas, ang pangunahing problema ay ang kawalan ng trabaho ng mga mamamayan. Ang

aking mama, ay nasa ibang bansa upang maging katulong o tinatawag na OFW or Overseas Filipino

Workers. Pumunta siya roon simula noong nasa ikalawang baitan pa ako ng elementarya para

maghanap-buhay at matustusan ang aming pangangailangan. Bata pa ako, nakakaramdam na ako ng

lungkot, tuwing naiisip ko siya, naiiyak ako lalo na't sa mga panahong galit na galit ang mundo sakin.

Ayaw ko isturbohin dahil ayaw ko magkaproblema pa siya, at dadagdag pa ako sa iniisip niya. Matiyaga

nagbabanat buto ang aking mama sa Hong Kong para lang makapagtapos kami sa pag-aaral at may

maipadala para sa aming pangangailangan. Ngunit dahil siya'y malayo, hindi niya kaagad alam ang

nangyayari sa amin dito sa Pilipinas. Maihahalintulad ko ang lalaki sa aking mama at naihahalintulad ko

rin ang kanyang kabiyak sa amin ng ate ko at papa ko, na naghihintay sa kanyang pagbabalik.

3. Ibigay ang kabuuang mensahe ng tula matapos mo itong mabasa.

Ang kabuuang mensahe na hatid ng tula ay tungkol sa masayang pagbabalik o pag-uwi ng

asawang lalaki hawak ang bigas at pananim para sa kanyang kabiyak ngunit sa kasamaang palad

nadatnan niyang bangkay na ang kanyang kabiyak. Ang masayang reaksyon niya sa pagbalik ay agad

napalitan ng kalungkutan nang makita niya ang kanyak kabiyak.

You might also like