Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

1 GRADE 12

SORSOGON COLLEGE OF CRIMINOLOGY, INC.


3928 Rizal St., Piot, Sorsogon City
E-mail Address: sorcollgeofcriminology@gmail.com

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang
Akademik

Modyul 5:
Sulat at Bigkas

Inihanda ni:
Bb. CZARINA B. GAÑAS
SHS TEACHER
Sulat at Bigkas

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit mo
ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa
ating paksa.

TALASALITAAN:

Talumpati – isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig

Maluwag – may maikling panahon na ibinibigay sa mananalumpati upang pag-isipan


ang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga sasabihin. Kilala sa Ingles
bilang extemporaneous speech

Pinaghandaan -isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati at may sapat na pagaaral


sa paksa

Tindig- tumutukoy sa maayos na tikas ng


isang mananalumpati

Kumpas- galaw ng kamay at katawan na may kahulugang isinasaad

Bigkas- pagbibigay-diin sa pagsasalita at pagbubukod-bukod ng kaisipan upang


maging epektibo at malinaw

Ekspresyon – kaangkupan ng mukha batay sa damdaming inilalahad ng bahagi ng


talumpati

Basahin mo.
Ang Talumpati Bilang Isang Sining
Ni: Melanie Abila
Ang talumpati ayon kina Julian at Bontoc (Pinagyamang Pluma Filipino sa
Piling Larang Akademik) ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko
na nagpapaliwanag ng isang paksa na binibigkas sa harap ng tagapakinig.Ito
ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang
mahalaga at napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig.

Ano-ano ba ang layunin ng talumpati?

Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng


kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Nauuri sa dalawa ang talumpati ayon sa balangkas: Una, talumpating
may paghahanda. Dito ay isinasaulo ng mananalumpati ang piyesa o kaya
nama’y maaari niya itong basahin lamang. Ang pangalawa,ay talumpating
walang paghahanda. Ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang
paksa ay ibinibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ditto ang
kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Mahalagang malaman ng isang manalumpati ang pangunahing bahagi
ng talumpati. Ito ay ang: Panimula – kung saan ay inilalahad ang layunin ng
talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla.
Mahalaga ring isipin ang Pagbati bagama’t ito ay bahagi ng panimula.
Ang Katawan – ang siyang nagtataglay ng pinagsunod-sunod na bahagi na
naglalaman ng mga makabuluhang puntos o patotoo. Samantala, ang
Paninindigan – ay siyang nagpapatotooo sa mananalampati sa kanyang
sinabi sa bahagi ng katawan.Panghuling bahagi ng talumpati ay ang
Kongklusyon. Ito ang bahaging nagbubuod o naglalagom sa talumpati
Bawat bahagi ay may mahalagang ginagampanan upang ang isang
piyesang pantalumpati ay maging buo at malinaw. Ang pagbati ay nasa
bahagi ito ng panimula. Ang paninindigan naman ay napapaloob sa
bahaging katawan.

Ano-ano ang dalawang uri ng talumpati ayon sa balangkas?

 Ang talumpati ay nauuri sa talumpating may paghahanda at


talumpating walang paghahanda. Ang una ay maaaring basahin o
isaulo. Samantalang ang isa ay tinatawag na impromptu o dagliang
talumpati.

Masasabi pa rin bang talumpati ang inihanda o binigkas ng isang


mananalumpati kahit walang tagapakinig?

 Hindi . Tandaan nating ang talumpati ay isinulat upang bigkasin sa harap


ng mga tagapakinig. Pangunahing layunin nito ay makaakit ng mga
tagapakinig sa paraan kung paano niya ito ngayon bibigkasin.

IPAGPATULOY NATIN…

Sa paghahanda ng talumpating bibigkasin, mahalagang isaalang-alang


ninuman ang hakbangin sa paggawa nito. Kasama na rito ang:a. pagpili ng
paksa; b. pagtitipon ng mga materyales na gagamitin. Kapag tiyak na ang
paksa ng talumpati maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating
kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing
kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Nariyan din ang c.
pagbalangkas ng mga ideya. Napapaloob ito sa tatlong pangunahing
bahagi: ang panimula, katawan at pangwakas. Ang panghuli ay ang d.
paglinang ng mga kaisipan, dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon
na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas.
Mag FACT or BLUFF tayo para sa ilan pang karagdagang kaalamang dapat
mong matutunan sa talumpati.

Ang mananalumpati ay dapat may maayos na tindig sa ibabaw ng


entablado. Fact or Bluff?
 Fact. Maraming dapat at bawal kapag tayo ay nasa ibabaw ng entablado
may kinalaman sa tamang tindig o tikas.

Sa pagbigkas ng talumpati, mahalagang marinig at maunawaan lang ng


mga nasa unahan ang mensahe ng mananalumpati. Fact or Bluff?
 Bluff. Dapat tandaan ng mananalumpati na lahat ng kanyang tagapakinig
ay kailangang maakit niya ito. Kasama rito ang wastong bigkas ng mga
salita at pagbibigay-diin sa mga piling bahagi.

May kahulugan ang bawat galaw ng kamay at katawan sa pagtatalumpati


na tinatawag na kumpas. Fact or Bluff?
 Fact. Ang pagturo, ang palad na nakataob, ang tihayang kamay, ang
pasuntok, ang pagtaas ng kamay, ang paglakad-pasulong, ang paglakad-
paurong, at iba pa ay may mga kahulugan sa pagtatalumpati. Ang mga ito
ay nakapaloob sa sa tinatawag na kumpas.

Dahil talumpati, tinig lang ang mahalaga na kailangang maramdaman ng


mga tagapakinig. sa mananalumpati. Fact or Bluff?
 Bluff. Makikita sa ekspresyon ng mukha ang damdamin at sa paraan ng
pagbigkas nito na hindi dapat ipagwalang bahala ng bumibigkas.Dito
makikita ang katapatan ng mananalumpati.

Kahit anong paksa ng talumpati ay maaaring gamitin sa anumang


okasyon. Fact or Bluff?
 Bluff. Ang paksa ay nakadepende sa sitwasyong dadaluhan. Kailangan
itong ibagay ayon sa pangagailangan.Pangangampanya, pagtatapos,
eulogy, at kung ano-ano pa.

PAGSASANAY 1
Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang tamang sagot na
nasa ibaba.

1. Isang uri ng talumpati na madalian at walang gaanong paghahanda.


Tinatawag ding impromptu sa Ingles.
2. Ito ang bahagi ng talumpating nagtataglay ng lagom o buod ng mensahe.

3. Sa bahaging ito kadalasang napapaloob ang mga argumento, isyu at


suliranin at resolusyon may kinalaman sa paksa.

4. Ito ang pagbibigay-diin sa mga piling bahagi sa pagtatalumpati upang


maging kawili-wiling pakinggan ang pagsasalita.

5. Tumutukoy ito sa maayos na tikas, tamang pagtayo, panuunan ng tingin,at


tamang paglakad sa pagpanhik at pagbaba sa entablado.

panimula kumpas tindig bigkas

daglian katawan kongklusyon

PAGSASANAY 2

Panuto: Sa tulong ng talahanayan sa ibaba, isulat mo ang maaaring suliranin


o isyu ng iba‘t ibang paksang pantalumpati. Maglakip ng damdamin sa
pamamagitan ng HUGOT LINES

HALIMBAWA:
Paksa Siliranin/Isyu Hugot Post
Social Amelioration Di lahat ng indigent Mahirap maging
Program sa COVID- nabibigyan mahirap, ngunit mas
19 pandemic mahirap pala ang
paasahin ka ng
nangako sa iyong
mamahalin ka at di
iiwan.

PAKSA SULIRANIN/ISYU HUGOT POST


1. Responsableng
paggamit ng
social media

2. Pagpapatuloy
ng curfew
pagkatapos ng
COVID crisis
3. Same sex marriage
sa Pilipinas

4. Pagpapabakuna ng
SINOVAC.

5. Pagbabalewala
sa wikang Filipino ng
mga Pilipino

PAGSASANAY 3

Sa Muling Pagsukbit ng Sandata


Ni: Leo C. Brizuela, Jr.

I. Hindi maaaring baguhin ang kasaysayan. Iba-ibang kuwento ang naitala sa


likod ng katapangan ang nakakubli sa mga dahon ng nakalipas.

Sa lahat lahat ng naririto sa bulwagang ito, isang pagpupugay.

II. Mga kalalakihang pinarusahan kahit walang kasalanan; paggapos at


pagbusal/ sa mga nagtangkang magsalita at sumalungat; panggagahasa sa
kababaihang walang kalaban-laban; pagharap sa angil ng mga punglo/ at
talas ng bayoneta; kalungkutan ng paghihiwalay ng asawa sa kabiyak; ama
sa anak; anak sa magulang; at kapatid sa kapatid…

Ilan ito sa mga senaryo na iginuhit ng kasaysayan sa ating bansa. Mga


trahedyang nag-iwan ng pilat at kirot sa ating mga kababayang naging bahagi
ng masalimuot na buhay sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Paano nga ba maisasantabi sa buhay ng mga Pilipino ang bakas ng


Martsa ng Kamatayan/ o mas kilala bilang “Death March?” Isang martsa na
animo’y prusisyong walang Santo/ ng kalalakihang Pilipinong sumugal sa
kalayaan.

Ang 140 kilometro o 90 milya ay pinauusad ng mga nakaantabay na


mga kawal-Hapones na handang bumuga ang baril o kaya’y tumusok ang
bayoneta - isang paglalakbay na kakambal ng dugo at buhay mula Bataan
patungong kampo O’Donnell sa Capas, Tarlac.

Sa mga talang ito, ano nga ba ang silbi ng kasaysayan sa


kasalukuyan? May halaga pa ba ito sa lahing Pilipino at kabataang nabuhay
sa isang naiibang panahon? Isang panahong may sariling mga suliraning
sumusubok sa katatagan ng bansa at masang Pilipino.

Mga kaibigan, hindi lingid sa lahat ang sari-saring isyung


kinasasangkutan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Idagdag pa rito ang patuloy na
pagtaas ng kaso ng krimen na sangkot ang kabataan gaya ng cyber bullying,
sex scandals, droga at pornograpiya na dagdag-pasanin ng ating bansa.

Kung ang ating panahon ngayon ay digital era, bakit hindi ito gamiting
instrumento sa uri din ng henerasyon ngayon? Ang mga dokumentaryo ng
kagitingan ng ating mga bayani ay dapat bigyang-pansin at ipamahagi sa mga
paaralan upang magbigay-linaw at inspirasyon sa lahat ng henerasyon.

Ang pagsasapelikula ng iba’t ibang kwento ng kanilang buhay ay


maaring simulan ngayon, upang magsilbing salamin ng tamang pagkilos at
mga disisyon.
Gamitin ang impluwensiya ng social media upang makapagbahagi
nang mas makabuluhang posts, shares at likes sa mga usaping
pangkasaysayan at pagbabago.

II. Panahon ngayon ng pagbalikwas at hindi pagtakas; panahon ng


paggising at hindi pananahimik; panahon ng pagiging makatao at hindi
pagiging walang silbi…sapagkat tayo… tayo ang mga itinakda upang muling
isukbit ang mga sandatang dati nang isinalong ng panahon. Tayo ang
magpupunla sa bagong henerasyon ng pamanang kalayaan.Tayo ang
makabagong mga beterano ng digmaan na magsasabuhay at pagyayamanin
ang dakilang kasaysayan ng lahing Pilipino…para sa isang lipunang malinis;
para sa isang lipunang payapa; at para sa mas ligtas na kinabukasan ng
bansang Pilipinas.

Magandang hapon sa inyong lahat!

Sanggunian:Talumpating Piyesa
Ni: Leo C. Brizuela, Jr.

Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng talumpati na nasa


itaas. Gawin itong huwaran upang makabuo ng sariling talumpati. Gamitin
ang RUBRIC sa ibaba upang magsilbing gabay sa epektibong paggawa ng
talumpati sa paksang napili mo.
PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng talumpati gamit ang tatlong bahagi at 5
wastong pagkakasunod-sunod.

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani


paniwalang talumpati 5

Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto


at angkop na paggamit ng wika 5

Nakabubuo ng talumpating may batayang


pananaliksik ayon sa pangngailanagan. 5

KABUOANG PUNTOS 20

PANGWAKAS na PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang at subuking tukuyin kung
anong bahagi ito ng talumpati.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Sa ating pinagpipitagang lupon ng inampalan; mga magigiting na katunggali,


kapwa ko Pilipinong naririto at nagmamahal sa ating wika, mga kaibigan…
isang pagpupugay! ‘

1. Ang bahaging ito ay isang halimbawa ng _________________.


a. panimula b. pagbati c. katawan d. pangwakas

‘Isinalong na ang kampilan ni Handiong; itinago na ang sibat ni Baltog; ikinubli


na sa paningin ang tabak ni Bantong; nasa museo na rin ang riple at espada
ni Hen. Simeon Ola… ngunit sapat na ba ito, upang ang isang lahing kinilala
sa anghang ng Bicol Express, sa sarap ng lutong laing, at salinamnam ng
minatamis na pili ay agad na sumuko sa mga hamon ng buhay? ‘’
- Ang Bikolano sa Hamon ng Panahon
Ni: Leo C. Brizuela, Jr.
2. Ang bahaging ito ay mauuri bilang_________________.
a. panimula b. pagbati c. katawan d. pangwakas
3. Pinagsusunod –sunod nito ang bahagi ng mga makabuluhang puntos o
patotoo.
a. argumento b. suliranin c. resolusyon 4. katawan

4. Pinatotohanan ng mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng


katawan
a. paninindigan b.konklusyon c.argumento d.layunin

5.Dito umiikot ang pinakadiwa o mensahe ng buong talumpati.


a. konklusyon b. paksa c. katawan d. talakay

You might also like