Pagbasa at Pagsusuri NG Iba't Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

SORSOGON COLLEGE OF CRIMINOLOGY, INC.

3928 Rizal St., Piot, Sorsogon City


E-mail Address: sorcollgeofcriminology@gmail.com

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO


SA PANANALIKSIK

(KWARTER 3)

TEKSTONG IMPORMATIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Inihanda ni:
Bb. CZARINA B. GAÑAS
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa
kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang
pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang
manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa
mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa
iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari,
bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong
magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na
bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga
kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


➢ Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo: mapalawak
ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag,
matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t
ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay
.
➢ Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing
ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o
tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mga
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

➢ Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong
ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.

➢ Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin:


• Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na mapalalim ang
pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
• Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto - Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng
pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na
madaling makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.
• Pagsulat ng mga Talasanggunian- Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba
pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng
mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


➢ Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan
Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa
isang panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan
ng manunulat tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga pangyayaring
may
historical account.

➢ Pag-uulat pang-impormasyon - Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang


mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying
➢ Pagpapaliwanag - Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

TUKLASIN
GAWAIN 1
A. Basahin ang halimbawa ng balita at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

MIS.OR., Namayagpag sa RFOT 2019!


Misamis Oriental Division sa nagdaang Regional Festival of Talents 2020 sa Lungsod- Sangay ng
Malaybalay noong ika- 20-21 ng Nobyembre, 2019 Nasungkit ni Jernie C. Lastima , mag-aaral ng
Baliwagan Senior High School (BSHS), ang pagiging kampeonato sa nasabing paligsahan sa
tulong ng tagapagsanay na si Gng. Maricar C. Ranara, guro mula sa BSHS.

“Kung may aalis, may babalik. Kung may nawala, may papalit”, ani Ranara. Hindi siya
makapaniwala nang masungkit ang pagkapanalo dahil sa limitado lamang ang panahong iginugol
para sa pagsasanay. “May plano talaga si God”, dagdag pa nito.

Matatandaan na bago pa ang kompetisyon ay naunang sumubok si Lastima sa larong basketball.


Bigo man s’yang makuha sa nasabing laro, ngunit may magandang naghihintay sa kanya. Mas
mahaba ang kanyang panahong iginugol sa nasabing kompetisyon kumpara sa RFOT.

“Mahirap para sa sitwasyon ko lalo na’t nanggaling ako sa simpleng palarolaro lamang pero
ngayon biglang nag-iba. Mula sa isports patungo sa larangan ng kasanayan sa pagsasalita.
Ganyan ka makapangyarihan ang ating Panginoon”, pahayag ni Lastima matapos ang
kompetisyon.

Halos mangiyak-ngiyak ang dalawa nang idineklara ang pagkapanalo sa patimpalak sa Tagisan
ng Talento sa Filipino. Nagpakitang-gilas si Lastima sa Dagliang Talumpati na nilahukan ng mga
mag-aaral ng Senior High mula sa Rehiyon Diyes.

Matatandaan na ito ang pangalawang pagsalang ng BNHS sa nasabing paligsahan. Sa ngayon,


puspusan na ang kanilang ginagawang paghahanda para sa darating na National Festival of
Talents – Tagisan ng Talento sa Filipino (NFOT)2020 na idaraos sa Ilagan, Isabela.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang paksa ng balita?

2. Sino ang mga sangkot?

3. Saan nangyari ang paligsahan?

4. Kailan ito nangyari?

PAGYAMANIN
GAWAIN 2

B. Basahin ang halimbawa ng tesktong impormatibo.


CYBERBULLYING
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng
pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit
ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng
pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail;
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa
social media; pag-bash o
pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account
na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang
sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan
ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng
kapayapaan sa nagiging biktima nito.

Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o
paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan,
pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng
problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.
Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas.
Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating
bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa
cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6
hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013,
tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang cyberbullying?

2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng


tekstong binasa ang magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?

5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa


tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?

TANDAAN!

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng


impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito
ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na
impormasyon, dapat ito ay madaling unawain. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga
manunulat ay gumagamit ng iba’t-ibang pantulong upang magabayan ang mga
mambabasa para mas mabilis nilang maunawaan ang impormasyon. Ang ilan sa halimbawa ng
mga pantulong ay talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari ring gumamit ang mga manunulat
ng mga larawan, ilustrasyon, titulo o caption, grap at talahanayan at tinatawag din itong
“ekspositori”.

GAWAIN 3

C. Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa


ng tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa
kahon at isulat ito sa inilaang patlang.

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang
Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at napakalakas
na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na magkaroon ng mas
maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga
Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”
____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang
dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod ng
pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito: “51 st
International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak niya.
Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2015.”

GAWAIN 4
D. Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong impormatibo. Maari
kang mag-isip ng sariling paksang susulatin na ihihingi mo ng pahintulot sa iyong guro o maaari
kang pumili sa mga paksang nakalahad sa ibaba:
➢ Mga paraan sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan
➢ Epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa
➢ Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant noodles at iba pa
➢ Sanhi at Bunga ng COVID-19
➢ Isang balitang lokal na personal mong nasaksihan
➢ Kasaysayan ng iyong barangay o lugar
PANGHULING PAGTATAYA
Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang
pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.
_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.
_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa tekstong impormatibo ay nakabatay sa
sariling opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa pagbibigay-diin
sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang impormasyong patungkol
sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa paborito mong
isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at bakit nagaganap
ang isang bagay o pangyayari.
_____10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang representasyon.
_____11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, mga facebook post at sanaysay.
_____13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensiya,
kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa
mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia at sa ibat’ ibang
websites sa internet.
_____15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

GOODLUCK & KEEP SAFE!


GOD BLESS :)

TEKSTONG DESKRIPTIBO

KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha
ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala
ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.
LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya
naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o pangyayari.
MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)
1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Inilalahad sa
tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng
obserbasyon.

2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang makabuo ng


kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy,
ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan o pangyayari.
PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG WIKA SA
MASINING NA PAGLALARAWAN.

a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at


pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing,
kawangis, kapara, animo’y at katulad.

Halimbawa:
b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na
kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.

Halimbawa:

c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga


katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.

Halimbawa:

d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong


katotohanan at hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.

Halimbawa:
e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng
bagay na inilalarawan.

Halimbawa:

URI NG PAGLALARAWAN
1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at
hindi nakabatay sa katotohanan.

Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa matipunong
pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.

2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.

Halimbawa:
Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga
turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong
pinakaaktibong bulkan sa bansa.

PAGYAMANIN
GAWAIN 1
Basahin ang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo .

Ang Karanasang ‘Di Ko Malilimutan


Jheru Alselmo Mendoza

Lahat tayo ay may karanasang di makakalimutan - karanasan sa pag-ibig, sa kaibigan, at sa pamilya.


Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan? Ano bang alaala ang lubos na nagdulot ng
sakit sa atin? Kailan ba tayo naging masaya? Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking naranasan,
kulang pa yata ang isang libro para maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko.
Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kaming magkakasama
noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan. Kinakaya namin anumang unos ang
dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina noon, ayos lang daw maghirap kami
at magdildil ng asin basta kompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang
nahiwalay sa kanyang pamilya noon. Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa.
Mahirap daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa
buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. Ang aking ama naman
ay siyang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan napapalo niya ako dahil nakakainom
siya ng alak.
Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit lingid sa aming kaalaman,
isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na sumubok sa aming katatagan. Sampung
taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may
kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman, pinilit naming maging
masaya para sa aming ama dahil ayaw naming makita niyang nalulungkot kami para sa kaniya. Kahit paano
ay mabawasan ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa kakulangan sa pera. Lumala
nang lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating masigla niyang katawan dahil nangayayat siya nang
husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking ina.
Kaunti lang ang handa, kami lang ang nagdiwang at nagsalu-salo. Ang ama ko ay masaya noong araw na iyon
ngunit nararamdaman ko na parang malungkot siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil gusto niyang
maging masaya kami sa araw na iyon.
Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama.
Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na lang ako
habang tinitingnan ko ang bangkay niya. Pero naalala ko ang sabi niya sa akin noon; “Anak, huwag kang iiyak
kapag nawala na ako, ha.” Kaya noong libing niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya
at hindi na siya mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama.
PANUTO:Batay sa tekstong binasa sa Gawain 1, tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ang
ginamit sa mga siniping pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang letrang S kung ito ay subhektibo at
O naman kung ito ay obhektibo.
_____ 1. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay.
_____ 2. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, at kinakaya namin
ang anumang unos na dumating dahil lagi kaming magkakasama.
_____ 3. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi maayos niya
kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon.
_____ 4. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng
manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama.
_____ 5. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. nagluto ang
aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagsalu-salo.

GAWAIN 2
Sumulat ng isang tekstong deskriptibo batay sa sumunod na sitwasyon.

Ikaw ay isang mahusay na manunulat ng isang


Advertising Company. Naatasan ka ng iyong boss
na gumawa ng brochure na may kaugnayan sa
mga larong pambata sa Pilipinas. Ang mgA
brochures ay ipamumudmod sa mga magulang sa
subdibisyon kung saan bibihira na lang ang
mga batang naglalaro sa kalye. Maari mo ring
dikitan ng mga larawan o guhitan ng mga imahe
upang mas magiging kawili-wili ang iyong brochure.

HALIMBAWA:
PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

Batayan Kaukulang Puntos Nakuhang


Puntos
Angkop ang pagpili ng larawan sa nais
iparating na mensahe ng brochure 10
Malinaw at masining ang paglalarawan sa
mga kalakip na larawan 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang
napiling paksa 10
Malikhain at nakatatawag ng atensyon ang 10
kabuuan ng brochure
Malinaw, may kaugnayan ang mga detalye at 10
at mabisa ang paglalarawan
Kabuuan: 50 puntos

PANGHULING PAGTATAYA

PANUTO: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem. Pumili ng sagot mula sa kahon sa ibaba
at isulat ang katumbas na titik sa patlang bago ang bilang ng bawat aytem. Maaaring ulitin ang sagot
kung kinakailangan.

A. Deskriptibo B. Karaniwan C. Pang-uri D. Tama


E. Pang-abay F. Naratibo G. Malikhain H. Layunin
I. Obhektibo J. Subhektibo K. Impormatibo L. Mali

_____ 1. Ang tekstong ______ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit


kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Ang _____ at pang-abay ay mga uri ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan.
_____ 3. Ang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o anumang paksa na
inilalarawan ang siyang pangunahing _____ ng tekstong deskriptibo.
_____ 4. Mga pang-uri at ______ ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais bigyang-buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring ____ o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri
ng teksto lalong-lalo na ng ____.
_____ 7. Ang talaarawan ay isang direktang halimbawa ng tekstong deskriptibo.
Tama o Mali?
_____ 8. Mahalagang mapukaw ang limang pandama sa paglalarawan.Tama o Mali?
_____ 9. Sa ____ paglalarawan, ginagamit ang mga matalinghagang mga salita.
_____10. Sa karaniwang paglalarawan, ____ uri ang paglalahad ng kongkretong
katangian ng nilalarawan.
_____11. Simpleng salita lang ang kailangan sa _____ paglalarawan.
_____12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama ang tekstong
_____.
_____13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng____
paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng ____paglalarawan.
_____15. Ang ____ paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mga
mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa limang pandama.

GOODLUCK & KEEP SAFE!


GOD BLESS :)

You might also like