Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga Unang Ekspedisyon sa Pilipinas

Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na
pinamunuan ng Portuges na si Ferdinand Magellan noong ika-16 Marso 1521. Pumalaot si Magallanes sa
pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.[3]

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo
kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa
ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa
dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi sila pa ni Magellan na
maging Kristiyano.[3] Nagawa niya ito kay Raha Humabon ng Cebu at dahil sa Kristiyanismo, ginagalang
ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang humikayat sa konbersiyon dahil noong panahong iyon ay hindi
iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribo. Ang mga
kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan
ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong
kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.

You might also like