Professional Documents
Culture Documents
Aralin 1 - Mga Hayop Sa Paligid
Aralin 1 - Mga Hayop Sa Paligid
Aralin 1 - Mga Hayop Sa Paligid
Anthony School
Singalong, Manila
T.P. 2021-2022
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasagawa ng panalangin
2. Pagbati ng guro at klase
3. Pagtiyak sa kalinisan ng silid-aralan at kaayusan ng mga mag-aaral.
4. Pag-uulat sa dumalo sa online na klase.
B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang iyong paboritong hayop? Ipakilala ito sa pamamagitan ng kanyang huni at
hayaan ang guro na hulaan ang pangngalan nito.
2. Pagganyak:
Magpapakita ang guro ng isang poster na mayroong mga hayop. Hahayaan ang mga
mag-aaral na pumili ng hayop na kilala nila at gagayahin ang huni nito.
C. Daloy ng Aralin:
1. Presentayon at Pagtalakay sa Aralin
Ibibigay ng guro ang mga panuntunan para sa pagbabasa ng kuwento.
Ibibigay ang mga gabay na tanong.
o Ano-ano ang mga huning narinig mula sa tula?
o Sa anong mga hayop nagmula ang mga huning narinig?
o Ano ang naibibigay at naitutulong sa tao ng mg hayop na narinig?
o Bakit mahalagang alagaan ang mga hayop sa paligid?
Unang Pagbasa: Babasahin ng guro ang tula
Ikalawang Pagbasa: Babasahin ng mga piling mag-aaral ang tula
Tatalakayin at sasagutan ang mga gabay na tanong.
IV. Pagbubuod/Pagpapahalaga:
“Ang mga hayop na makikita sa paligid ay biyaya ng Diyos. Sila’y kalingain, alagaan,
at mahalin.”
Bilang mag-aaral, ano-ano ang iyong maitutulong upang sila’y mapangalagaan higit
lalo iyong mga hayop na ligaw at endangered?
V. Interaktibong Gawain:
Bumuo ng isang poster na nagpapakita ng tamang pangangalaga sa mga hayop.
Kulayan ito at ipakita sa klase para sa isang malayang talakayan.
VI. Pagtataya:
1. Sagutan ang Magagawa Natin sa sangguniang aklat (Pahina 7).
2. Takdang-Aralin:
Pakinggan ang huni ng iba’t ibang hayop at tunog ng iba’t ibang bagay sa inyong
paligid. Magagamit mo ito sa ating talakayan hinggil sa malakas at mahinang huni at
tunog.
Puna:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
St. Anthony School
Singalong, Manila
T.P. 2021-2022
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasagawa ng panalangin
2. Pagbati ng guro at klase
3. Pagtiyak sa kalinisan ng silid-aralan at kaayusan ng mga mag-aaral.
4. Pag-uulat sa dumalo sa online na klase.
B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral:
Ano-anong huni ng mga hayop ang inyong narinig sa binasang tula?
2. Pagganyak:
Pangkatang Gawain: Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat.
Unang Pangkat: Magbibigay/Magbabanggit ng pangalan ng hayop o bagay.
Ikalawang Pangkat: Ibibigay ang huni ng hayop o tunog ng bagay na ibinigay ng
unang pangkat.
C. Daloy ng Aralin:
1. Presentayon at Pagtalakay sa Aralin
Pagtalakay at pag-iisa-isa sa mga huni ng hayop at tunog sa paligid.
Pagbibigay ng huni ng hayop at tunog ng bagay na nakalarawan (Quizziz.com)
Pagtalakay sa malakas at mahinang tunog.
Pagtukoy sa bagay na lumilikha ng malakas at mahinang tunog.
IV. Pagbubuod/Pagpapahalaga:
Bakit mahalagang makilala natin ang hayop o bagay na nagmamay-ari ng iba’t ibang
huni at tunog.
Upang patuloy nating marinig at makilala ang iba’t ibang huni at tunog sa ating paligid
at matukoy kung ito ay malakas o mahina, ano ang dapat nating gawin sa ating limang
pandama lalo na sa ating pandinig (sense of hearing)?
Walk-A-Bout: Sagutin ang sumusunod na katanungan:
o Ano ang naalala mo sa araling tinalakay?
o Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang “Mga Hayop sa Paligid?”
o Lubos mo bang naintindihan ang aralin? Patunayan.
V. Interaktibong Gawain:
Pangkatang Gawain: Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat. Unang Pangkat:
Magbibigay ng sitwasyon ng iba’t ibang hayop o bagay sa paligid (Halimbawa:
nauuhaw na pusa) habang ang Ikalawang Pangkat: Gagawa ng huni o tunog batay sa
sitwasyon na ibinigay ng unang pangkat.
VI. Pagtataya:
1. Basahin at sagutan ang Gabay sa Pag-aaral 1.2.
Puna:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________