Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

REHIYONAL AT SOSYAL/SEKTORAL NA DAYALEKTO

Rehiyonal na dayalekto ang tawag kung saan ka nanggaling. Ang Varayti ng Filipinong nabubuo
batay sa rehiyon ay tinatawag na varayti o rehiyonal na dayalek

Wika at Dayalek- ang rehiyonal na varayti o rehiyonal na dayalek ay subgrupo ng isang wika. Ito ang
wikang pekulyar na ginagamit ng mga tao sa partikular na lugar. Batay sa dayagram na makikita sa ibaba

Ipinapakita na ang dayalek ay wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. Pekuliyar ito sa
tiyak na rehiyon o lugar. Nangangahulugan,kung gayon,na may pagkakaiba-iba sa loob ng
wika.

Ang pagkakaiba-iba na ito ay maaaring nasa…

1. Tunog-punto o paraan ng pagbigkas


2. Bokabularyo o leksikon
3. Paraan ng pagbubuo ng mga salita (morpolohiya) o gramar o maaaring nasa lahat.

Ayon kay Wardhaugh (1993), ang varyasyong ito ay lubhang kapuna-puna kaya
masasabing may pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng dalawang taong parehong
gumagamit ng magkaparehong wika.
Halimbawa: Figure 1

CEBUANO

At iba pa!
Cebuano-Iligan
Cebuano-Rogongon
Cebuano-CDO

Figure 2.

Bilang paglilinaw na rin sa paggamit ng dayalek, na kung ang nag-uusap ay nabibilang


sa magkaparehong grupo ngunit may ilang bokabularyo o leksikon na naiiba at hindi
nauunawaan at/o kaya’y nagdudulot ng pagkalito dahil sa naiibang paraan ng pagbigkas ng
salita, nangangahulugan lamang ito na magkaiba ang dayalek ngunit nasa ilalim ng parehong
wika ang ginagamit ng mga nag-uusap.
(Sosyal na dayalekto kung saan ka nabibilang.)

Sosyal na dayalek ay ang isa pang uri ng dayalek. Tinatawag din itong sosyolek.
-ito ang wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa isang lipunan.
-ito ay ang varyant sa paggamit ng wika na nag-iiba-iba depende sa katayuan sa buhay

Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa:


1. Edad
2. Seks
3. Uri ng trabaho
4. Estado sa buhay
5. Uri ng edukasyon
6. Propesyon
7. Relihiyon
8. Hilig at iba pa

Gawa ng pagkakaiba-iba ng grupo ng tao, lumilitaw ang varyasyong sosyal ng wika. Kabilang
dito ang register na ginagamit ng partikular na grupo na nakakasama-sama…
Mga halimbawa ng sosyolek
1.) Pro Bono Serbisyo
2.) Takdang Aralin
3.) Asignatura at kurikulum
4.) Astig
5.) Tapwe
6.) Mustah po
7.) Chx
8.) Boom Panes!
9.) Churva
10.) Chaka
11.) Ansabe?!
12.) Ala Areps

Sa mga propesyonal gaya ng mga abogado, guro, nars at iba pa, sila ay may mga partikular na
sosyolek na wika na kanilang ginagamit sa kanilang mga kliyente, pasyente o mga estudyante.

Mga salitang kung minsan ay sila lamang ang nakakaintindi. Sa mga grupo naman ng mga
bading, andiyan ang gay lingo at bekimon, sa mga kabataan naman ay jejemon at konyo, at
pabalbal naman o salitang kanto sa mga tambay at siga ng mga kalye.

ESTILO-barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaari itong pormal,


kolokyal, at personal.
Lipat estilo/style-shifting: depende ang kausap, nag-iiba ang istilo ng pagsasalita o
Tenor/tono: pagkamagalang, antas ng pormalidad, relatibong katayuang panlipunan ng mga
kalahok

Halimbawa:

GURO

KAIBIGAN

Reperensya
“Sosyolek – Kahulugan At Halimbawa”n.d Nakuha mula sahttps://takdangaralin.ph/sosyolek-
kahulugan-at-halimbawa/

“Sosyolek: Ano Ang Sosyolek At Mga Halimbawa Nito” (2020) n.p Nakuha mula sa
https://philnews.ph/2020/02/26/sosyolek-ano-ang-sosyolek-at-mga-halimbawa-nito/

Calimag, E. (2017) TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON : Barayti at Register ng Wika.


Slideshare. Nakuha mula sa https://www.slideshare.net/EmmanuelCalimag/tungo-sa-mabisang-
komunikasyon-barayti-at-register-ng-wika

Dela Rosa, K.G (2016) Rehiyonal at Sosyal na mga diyalekto, Prezi. Nakuha mula sa
https://prezi.com/shnzir78vuxf/rehiyonal-at-sosyal-na-mga-diyalekto/

Santos, Angelina L. (n.d) Varyati at Varyasyon ng Wikang Filipino Nakuha mula sa


file:///C:/Users/jorge/Downloads/GROUP1.REPORT%20(2).pdf

You might also like