Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

LESSON TIMETABLE
MODYUL : Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Sub-Module : 1. Hakbang sa Pagsulat
2. Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
3. Mga Uri ng Pagsulat

ASIGNATURA : Filipino sa Piling Larang – Akademik

ORAS : Apat (4) Oras na Talakayan

ISTRATEHI MGA EBALWASYON


ORAS NILALAMAN/PAKSA YA/ KAGAMITAN / AWTPUT
AKTIBIDAD

Introduksyon

• Pambungad na Laptop
Panalangin Powerpoint
1 oras Talakayan
• Motibasyon Presentation
• Pagtukoy sa mga Modyul
resulta o awtput
ng mga aktibidad

Presentasyon
Talakayan
• Hakbang sa Laptop
Pagsulat Interaktibong Powerpoint
2 oras
• Mga Gamit sa Gawain Presentation
Pagsulat Modyul
• Mga Uri ng
Pagsulat

Pagtataya
Interaktibong Laptop
• Ebalwasyon
Gawain Powerpoint Pagsusulit
1 oras • Pagbabalik-Aral
Presentation
• Pagtataya
Modyul
• Pangwakas na
Panalangin

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 1


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

SESSION PLAN
Istrand/Antas : ABM, HUMSS, AT STEM

MODYUL : Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat


Sub-Module : 1. Hakbang sa Pagsulat
2. Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
3. Mga Uri ng Pagsulat

ASIGNATURA : Filipino sa Piling Larang – Akademik

PAMAMARAAN : Talakayan, Interaktibong Gawain (OBE)

ORAS : Apat (4) Oras na Talakayan

Pamantayang Pangnilalaman:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Natutukoy ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo


ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
• Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa
• Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan
sa piniling sulatin
• Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin

MGA KAGAMITAN:
• Laptop o Computer
• Powerpoint Presentation
• Modyul

SANGGUNIAN:
• Antonio, Lilia, et al. Malikhaing Sanaysay Anyo, Kasaysayan at Antolohiya.
Quezon City: C & E Publishing, Inc., 2013
• Almario, Virgilio S. UP Diksyonaryong Filipino. Binagong Edisyon. Pasig
City: Anvil Publishing Inc., 2010
• Arrogante, Jose A. Pagpapahalagang Sining sa Filipino. Mandaluyong City:
National Bookstore, 2010
• Badayos, Paquito B. Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag. Makati
City: Grandwater Publications and Research Corporation, 20001

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 2


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

I. INTRODUKSYON

Mga Inihandang Aktibidad


• Pambungad na Panalangin
• Pagpapakilala ng Guro
• Pagganyak
Pagtuklas
• Pagtutuklas ng aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katunungan,
larawan o iba pang biswal upang malaman ang nilalaman ng aralin.

II. PAGTATALAKAY

Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Hakbang sa Pagsulat

Bago natin talakayin ang mahahalagang hakbang sa pagsulat, pagtuunan muna


natin ng pansin ang ilang batayang tanong na mahalagang masagot para sa
paghahanda ng isang sulatin:

✓ Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?


✓ Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
✓ Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking
paksa?
✓ Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
✓ Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
✓ Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking
paksa?
✓ Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
✓ Paano ko pa malilinang o mapagbubuti ang aking teksto? Ano-ano ang mga
dapat ko pang gawin para sa layuning ito?

Mahalagang masagot ng isang manunulat ang mga tanong na ito bago


siya magsimulang sumulat. Makatutulong ito upang paghandaan ang mga
posibleng suliranin na magaganap sa proseso ng pagsulat at kung paano
magagawan ng solusiyon ang mga ito.

Para sa yunit na ito, ninanais na makapagbigay ng malinaw, istandard


at sunod-sunod na mga hakbang para sa madali at mabilis na pagsulat. Ngunit,
walang isang mahikal na pormyula sa pagsulat. Sa katunayan, masalimuot ang
proseso ng pagsulat at ito’y pinatutunayan ng mga saliksik at testimoniya ng
maraming mga propesiyonal na manunulat.

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. Nag-iiba-iba rin


ito depende sa manunulat. Magkagayon man, mabubuod ito sa tatlong
pangunahing hakbang. Ngunit dapat tandaan, na sa bawat kasunod na hakbang
ay maraming mga hakbang pa ang nakapasailalim dito:
REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 3
Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

✓ Pre-writing o Bago Magsulat. Sa hakbang na ito nagaganap ang


paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at
ang pangangalap ng mga datos o impormasiyong kailangan sa pagsulat.
Ang pagpili ng tono at perspektibong gagamitin ay nagaganap din sa
hakbang na ito.

✓ Actual Writing o Habang Nagsusulat. Ito ang ikalawang hakbang sa


pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob ditto ang
pagsulat ng burador o draft. Para sa mga akdang tuluyan o prosa,
kinapapalooban ito ng mga hakbang sa pagtatalata.

✓ Post-writing o Pagkatapos Magsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at


pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar, bokabulari at
pagkakasunod-sunod ng mga ideya at kaisipan. Ang sulatin ay hindi
magiging kumpleto at epektibo kung hindi ito dadaan sa editing at rebisyon.
Mahalagang makita ang mataas na uri ng pagkakasulat sa isang obra
upang maging kapani-paniwala ito sa mga mambabasa at maging mahusay
na batayan ng iba pang impormasiyon.

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

Madalas marinig sa marami na ang pagsusulat ay isang talento at hindi


lahat ng tao ay may kakayahang makapagsulat ng isang makabuluhang akda o
komposisyon. Totoong hindi madali ang pagsusulat para sa maraming tao ngunit
ito ay maaaring mahubog o malinang. Upang mangyari ito, mahalaga ang
pagkakaroon ng interes at ng wastong kaalaman kung paano magiging isang
mahusay na manunulat. Una sa lahat, dapat mabatid ang mga bagay na dapat
isaalang-alang sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat.

✓ Wika. Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga
kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasiyon at iba pang nais
ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri ng
wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ang
akda, komposisyon o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba.
Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, maisining, tiyak at payak na
paraan.

✓ Paksa. Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.


Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang
isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto
ang mga datos na ilalagay sa mga akda o komposisyong susulatin. Ang
pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo ay makatutulong
nang malaki upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-
pansin.

✓ Layunin. Tulad ng tinatalakay sa unahan, mahalagang matiyak ang layunin


sa pagsulat. Ang layunin ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga
datos o nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 4


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang sa gayon ay


maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.

✓ Pamamaraan ng Pagsulat. May limang pangunahing pamamaraan ng


pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na
rin sa layunin o pakay ng pagsusulat. Una maaaring gumamit ng paraang
impormatibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasiyon o kabatiran sa mga mambabasa. Pangalawa ay ang
paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi
ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasiyon at kaalaman hinggil sa
isang tiyak na paksa batay sa kaniyang sariling karanasan o pag-aaral.
Pangatlo ay ang pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing
layunin ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. Ang pang-apat ay ang
pamamaraang deskriptibo kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat
ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari
batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
Panghuli ay ang pamamaraang argumentatibo kung saan ang pagsulat
ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas
ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng mga argumentong dapat
pagtalunan o pag-usapan.

✓ Kasanayang Pampag-iisip. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang


kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi
gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasiyong dapat isama sa
akdang isusulat. Kailangang maging lohikal din ang kaniyang pag-iisip
upang makabuo siya nang malinaw at mabisang pagpapaliwanag o
pangangatwiran. Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo siya sa
pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasiyon at kaisipang ilalahad
sa sulatin.

✓ Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat. Dapat ding isaalang-


alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at
retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong
pagbabaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga
kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

✓ Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin. Tumutukoy ito sa isang


kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasiyon sa isang maayos,
organisado, obhetibo at masining na pamamaraan mula sa panimula ng
akda o komposisyon hanggang wakas nito.

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 5


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

Mga Uri ng Pagsulat

URI NG PAGSULAT KATANGIAN HALIMBAWA

• Naghahatid ng
aliw - Maikling kuwento
• Makapukaw ng - Tula
damdamin - Dula
• Bunga ng malikot - Malikhaing sanaysay
na isipan - Komiks
Malikhain/Creative
• Maaaring - Teleserye/Kalyeserye
kathang-isip o - Musika
tunay na - Pelikula
pangyayari
• Bunga ng
imahinasyon
• Pag-aralan ang - Feasibility study
isang proyekto - Action Report
para lutasin ang
problema o
suliranin
• May tiyak na
Teknikal/Technical
awdiyens
(audience)
• Nakapokus
lamang sa isang
partikular na
larangan
Propesyonal/Professional • May tiyak na - Guro, lesson plan
larangan sa - Doktor, medical
akademya report
• May kinalaman sa - Arkitek, blue print
napiling - Pulis, investigative
propesyon o report
bokasyon
• Paghahanda sa
trabahong
papasukan
Dyornalistik/Journalistic • May kaugnayan - Balita
sa pamamahayag - Editoryal
at pahayagan - Lathalain
• Kinakailangang - Anomang artikulo sa
maging bihasa sa pahayagan
pangangalap ng - Balitang pang-isports
mga totoo,
obhetibo at
makabuluhang
balita at isyung
nagaganap sa
kasalukuyan

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 6


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

• Maaaring iulat sa
pahayagan at
radyo
Reperensiyal/Referential • Binibigyang - Review of Related
pagkilala ang mga Literature (RRL)
pinagkunang - Talasanggunian
kaalaman o
impormasiyon sa
paggawa ng
konseptong papel,
tesis at
disertasiyon
Akademik/Academic • Intelektwal na - Quarter Exam
pagsulat - Essay
• Nagpapataas ng - Book Report
antas ng - Thesis
kaalaman - Reflection Paper
• Nagpapakita ito
ng resulta sa
ginawang
pananaliksik

• Gawain
Magsaliksik ng mga KILALANG PILIPINONG MANUNULAT at isulat ang
kanilang mga NATATANGING AMBAG sa iba’t ibang larangan.

URI NG
MANUNULAT AMBAG LARANGAN KAHALAGAHAN
SULATIN

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 7


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

• Pagbubuod sa Aralin

Proseso ng Pagsulat

✓ Bago Magsulat
✓ Habang Nagsusulat
✓ Pagkatapos Magsulat

Mga Gamit sa Pagsulat

✓ Wika
✓ Paksa
✓ Layunin
✓ Pamamaraan ng Pagsulat
- Impormatibo
- Ekspresibo
- Naratibo
- Deskriptibo
- Argumentatibo
✓ Kasanayang Pampag-iisip
✓ Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
✓ Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin

Mga Uri ng Pagsulat

✓ Malikhain
✓ Teknikal
✓ Propesyonal
✓ Dyornalistik
✓ Reperensiyal
✓ Akademik

III. PAGTATAYA

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 8


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

__________ 1. TAMA o MALI: Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng


kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika.

__________ 2. TAMA o MALI: Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal


at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang
ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang
maaaring pagsulatan.

__________ 3. TAMA o MALI: Ang kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat


ay nagsasaad na marapat lamang na may kakayahang mag-analisa at magsuri ng
datos na mahalaga o hindi mahalaga.

__________ 4. TAMA o MALI: Isa sa mga layunin ng pagsulat ay ang ekspresibo o


personal na may layuning makipag-ugnayan sa mambabasa.

__________ 5. TAMA o MALI: Naniniwala si Badayos na ang pagsulat ay isang


biyaya, pangangailangan at kaligayahan.

__________ 6. TAMA o MALI: Ang wika ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik
ang mga kaisipan at kaalaman ng isang indibidwal.

__________ 7. TAMA o MALI: Ang malikhaing pagsulat ay naglalayong maghatid ng


aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig ng imahinasyon.

__________ 8. TAMA o MALI: Ang reperensiyal na pagsulat ay dapat na maging


obhetibo at magtaglay ng mga datos na mula sa isinagawang pananaliksik.

__________ 9. TAMA o MALI: Mahalaga ang pre-writing sa proseso ng pagsulat


upang makita at mabasang muli ang isinulat na teksto at maitama ang mga maling
bantas at gramatika.

__________ 10. TAMA o MALI: Ang katawan o gitnang bahagi ng teksto ang siyang
nagsisilbing display window na nanghihikayat at pumupukaw ng atensiyon ng
mambabasa.

IV. PANGWAKAS NA PANALANGIN

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 9


Filipino sa Piling Larang – Akademik Revised: 07/21/20

Inihanda ni:

Ms. Regielyn W. Ocampo


Guro

Sinuri at Binigyang-pansin ni:

Mr. Richard John W. Hernandez


Academic Coordinator, SHS

Inaprubahan ni:

Dr. Vilma V. Esparrago


Punongguro, Basikong Edukasiyon

REGIELYN W. OCAMPO, LPT Page 10

You might also like