Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO

Lapad – Tauhan na mayroong iisa o dalawang katangian na hindi nagbabago sa


kabuuan ng akda.

Kontrabida – Tauhang kadalasang nagtataglay ng mga negatibong katangian at kilos.

Di nagbabagong karakter – Tauhang may pag-uugali na parehong nananatali mula sa


simula hanggang sa wakas ng kuwento.

Dinamako – tauhan na mayroon mga katangian na nagbabago sa pag-usad at sa


paghirap nito sa mga suliranin sa kuwento.

Isteryotipiko – ang mga tauhang umaayon sa mga popular o nakasanayang mga


karakter sa kuwento.

Tagpuan – ito ang tawag sa lugar o pook na pinangyarihan ng dula.

Patutunggalian – tawag sa pagsasalungatan ng mga suliranin ng mga tauhan sa dula.

Kasukdulan – ang nakapipigil hiningang bahagi ng dula.

Tauhan – ang mga gumaganap at nagbibigay buhay sa dula

Pagbasang pandulaan – ay isang uri ng dula na kung saan may hawak na piyesang
binabasa ang mga tauhan

URI NG PAGSASALIN WIKA:


1. Salita sa salita
2. Naturalisasyon
3. Leksikal
4. Kultural
5. Adaptasyon
6. Idyomatika
7. Malaya
Mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin:

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang pamamaraan ng pagpapahayag.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa kaugnay sa pagsasalin.

Pagsasalin Wika - ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na


mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan

Paraan at tuntunin sa pagsasalin:

• Basahin nang paulit-ulit ang akda.

• Huwag gawing literal ang pagsasalin.

• Iwasang isalin ang pagsasaling salita-sa-salita.

• Tiyaking maayos at malinaw ang pagsasalin-wika sa sariling pamamaraan.

Dula - ay isang akda na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga salita


at kilos ng mga tauhan sa tanghalan.

- nagbibigay-aliw o lumilibang, nagbibigay-aral at gumigising ng damdamin ng


manonood.

1. Balangkas: Sunod-sunod na pangyayaring inilalarawan ng mga tauhan.

2. Paglalahad: Mga pangyayaring naganap bago magsimula ang dula.


3. Pagtutunggali: Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng tauhan na
sarili niyang likha o gawa ng ibang tauhan sa Dula.

4. Pagpapahiwatig: Makatwirang paglalahad ng mga pangyayari na dapat na maging


kasiya-siya.

5. Kasukdulan: Nakapipigil-hiningang bahagi ng tula.

6. Paglalarawan ng tauhan: Sa tulong ng kilos, pagsasalita, at reaksyon ng mga


tauhan sa mga pangyayari, ay lalong nakikilala ng mga manonood ang mga tauhan.

7. Tagpuan: Ang lugar o pook na pinangyarihan.

8. Kilos: Sa kilos at galaw ng mga tauhan nakasalalay ang pagtatagumpay ng Dula.

Uri ng Tauhan sa Dula


1. Tauhang lapad o flat character

– ito ay isang tauhan na mayroon iisa o dalawang katangian na hindi nagbabago sa


kabuoan ng akda.

2. Tauhang bilog o round character

– ito ay isang tauhan na mayroon mga katangian na nagbabago sa pag-usad ng


kuwento at sa paghirap nito sa mga suliranin.

-Masasabi na ang mga tauhang bilog ay mas sumasalamin sa likas na katangian ng tao
dahil pinapakita nito ang pabago-bagong damdamin at gawi sa buhay kaakibat ng mga
nararanasan ng isang tao.

3. Isteryotipikong tauhan o stereotypical character

- ito ay mga tauhan ng umaayon sa mga popular o nakasanayang mga karakter tulad
ng isang matiyagang guro, matapang na sundalo, o matalinong abogado.

4. Bida
- Ang isang bida ay iginuhit ang mga emosyon ng mga mambabasa tulad ng isang
pang-akit, na nakatuon ang kanilang mga damdamin tungkol sa kuwento sa mga
pag-asa, takot, at kapalaran ng isang character.

5. Kontrabida / villain

- Kontrabida na kadalasang nagtataglay ng mga negatibong katangian at kilos

6. Dinamikong karakter

- Ang isang dynamic na character ay isang character na nagbabago sa buong


kurso ng isang kuwento bilang isang resulta ng mga salungatan na kanilang
nakatagpo sa kanilang paglalakbay

7. Di nagbabagong Karakter / static

- Ang mga static na character ay ang mga nananatiling pareho ang pag uugali
mula sa simula ng isang kuwento hanggang sa wakas.

8. Anti hero na karakter

- Ang isang anti-hero ay isang bida na kulang sa ilan sa mga maginoo na


katangian ng isang tradisyunal na bayani - tulad ng tapang o moralidad. Mayroon
itong katangian ng pagiging masama.

9. Simbolikong karakter

- Ang isang simbolikong karakter ay kumakatawan sa isang konsepto o tema na


mas malaki kaysa sa kanilang sarili. Maaari silang magkaroon ng mga
dinamikong katangian, ngunit mayroon din silang katangian na patnubayan ang
isip ng madla patungo sa mas malawak na mga konsepto.

Pangkalahatang sanggunian:

1. Diksiyonaryo - pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling, pagpapantig,


bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggalingan ng salita, at
nakaayos ito nang paalpabeto.
2. Ensayklopedya - set ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol
sa mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan.

3. Atlas - Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at lokasyon ng


lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong- lupa at anyong tubig na matatagpuan sa
isang lugar. Ito ay nakayos ayon sa pulitika, rehiyon, o estado.

4. World Almanac - Aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa


mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon,
pulitika, at iba pa.
5. internet – teknolohiyang maaaring pagkunan ng impormasyon gamit ang
kompyuter, tablet, o piling telepono
6. Mapa – isang palapad na drawing ng mundo o ng bahagi nito.
7. Globo – isang maliit na replika ng mundo.

Sekundaryang sanggunian – tawag sa impormasyong galing sa iba, na nalaman lang


natin dahil sa taong nakasaksi sa pangyayari.

TALASALITAAN:
 Lihim – Lingid,sikreto

 Tinangka - Sinubukan

 Paghihimagsik - Pag-aalsa

 Pagbabalatkayo - pagkukunwari

 Naghandog - nagbigay

 Piging - pagtitipon, salo salo o okasyon.

 Hinimok - inimbitahan o hinikayat.

 Pagtuligsa - Pagsugpo

 Sumanib - kumampi

 Itatag – buuing itayo o i-organisa


 Tahasan - lantaran

 Paskin – kartel na karaniwang gawa sa papel o tela na may nakasulat na


nagpapahayag ng balita o patalastas na idinidikit sa pader.

You might also like