Aralin 4 Grade 9 Tatlong Mukha NG Kasamaan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

ARALIN 4:

❑Tatlong Mukha ng Kasamaan


(Sanaysay mula sa Burma)
❑Mga Pang-ugnay na Nagpapahayag
ng Sariling Pananaw
• Ang Burma (Myanmar) ay isa sa mga bansa sa
Timog-Silangang Asya. Ayon sa tala, ang kanilang
panitikan ay impluwensya ng kultura ng India at
Thailand na makikita sa maraming gana, tulad ng
Ramayana.
• Masasalamin sa lokal na alamat at iba pang mga
akdang pampanitikan ng Burma ang kanilang
kultura, tradisyon, at kaugalian.
Tatlong Mukha ng Kasamaan
ni U Nu
Salin ni Salvacion M. de las Alas

May tatlong mukha ng kasamaan ang


sangkatauhang makasalanan: kasakiman, galit o
poot, at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan.
Ang mga bagay na ito ay batas ng kalikasan, kahit
ang isang tao ay naniniwala sa mga aral ni Buddha,
Muslim, Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring
bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang
tao. Ito ay pagtanda, karamdaman, at kamatayan.
Nag-aangkin din ng isang nilalang ng limang
katangian mula sa kanyang pagsilang: ang
kakayahang magpahalaga sa nakikita niyang
kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika
at awitin, magpahalaga sa pagkaing kanyang
naiibigan, makapag-uri ng iba’t ibang halimuyak, at
sa kagandahan ng sining ayon sa kanyang
pamantayan.
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao
ay hindi panghabang-panahong mapapanaligan ng
tao, sapagkat ang mga ito ay katulad ng panahong
lumilipas.
Hindi rin tututol ang marami kung sabihing ang
kayamanan ay nawawala, sapagkat walang
sinuman ang makapagpapatunay na ang
kayamanan ay nadadala ng isang tao sa kanyang
libingan. Kaya lamang, may iba’t ibang pananaw
ang mga tao sa material na yamang angkin nila
habang sila ay nabubuhay. Ang hindi alam ng
marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig,
ang yamang angkin nila ay ni wala sa isang milyong
bahagi sa paniniwalang Samsara o The Cycles of
Rebirth na hindi nakakatighaw sa mga taong walang
kapasiyahan dahil sa kasakiman.
Sinasabi rin na ang pagkagahaman ng isang tao sa
kayamanan ay bunga ng sobrang kasakiman, kaya
nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa
sangkatauhan. Sa batas na makatao ay sinasabi na
ang lahat ng yamang materyal ay dapat gamitin ng
sinumang tao sa kanilang mga pangangailangan.

Ngunit nang makilala ng tao ang kanyang


pagkamakasarili, ginamit ang material na yaman sa
sariling kapakanan na siyang nagdulot sa lipunan ng
mga sumusunod:
1. Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mahirap
at mayaman.
2. Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang may
puhunan, sapagkat kalimitan, ang isang negosyanteng
nagbibitaw ng puhunan ay laging nag-iisip kung paano niya
pakikinabangan ang kanyang puhunan na di iniisip ang
kalagayan ng maliliit (mahihirap).
3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap
ay laging napagsasamantalahan, samantalang sila ay
nagkakamal ng yaman. Bunga ng ganitong pamamaraan,
ang mahihirap ay natututong magnakaw, pumatay, at ang
mga kababaihan ay nagbibili ng sariling katawan.
4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan
kung bakit ang isang nilalang ay maagang namamatay. Ito ay
ang karma, labis na pag-iisip dahil sa kahirapan, kakulangan, sa
pagkain, at kakulangan sa tao. Totoo ang paniniwalang ito ni
Buddha sapagkat habang ang mayayaman ay buhay-hari,
ang mahihirap naman ay nag-iisip kung saan sila kukuha ng
kanilang kakainin at kung saan sila matutulog sa panahon ng
tag-ulan at tag-init. Nasisiyahan kaya ang mayayaman sa
kanilang pagbubuhay-hari dahil sa pagsasamantala nila sa
maliliit? Ganito ba ang batas ng makatao, samantalang ang
nagsasamantala ay nagpapasasa sa pawis ng maliliit, silang
mga biktima ay aping lagi? Dahil sa apat na dahilan ay hindi
maiwasan ng maliliit na magkaroon ng karamdaman.
5. Paanong ang maliliit ay makapagtatamo ng
wastong edukasyon na siyang makapagpapaunlad
sa kanilang buhay? Ang hindi pagkamit ng wastong
kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang
parami ang mga uri ng napagsasamantalahan.

6. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na


nakararami ay mangmang? Anong kaisipang bago
ang iaambag ng mga mangmang sa kaunlaran?
Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay
nagsimula nang matuklasan ng tao kung paano nila
pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang
binitawang puhunan. May natatandaan ba kayong
alamat na ikinuwento sa inyo ng inyong lolo at lola?

Ganito ang isang alamat tungkol sa punongkahoy na


may pangalang “Padaythabin” (punongkahoy na
pinagmumulan ng pangangailangan ng mga tao).
Ayon sa alamat, noong unang panahon, lahat ng
pangangailangan ng tao ay nakukuha sa naturang
puno, kaya walang suliranin ang mga mamamayan sa
pagkain, damit, at tahanan. Dahil sa bagay na iyon,
mistulang nabubuhay sa Paraiso ang mga tao sapagkat
ang punong Padaythabin ay balon ng kayamanan.
Ngunit, nakilala ng mga tao ang kasakiman. Inabuso nila
ang mahiwagang puno. Biglang naglaho ang puno.
Mula noon, maraming tao ang nagutom dahil sa
pagkawala ng mahiwagang puno. Nakilala ng mga tao
ang krimen. Natuto silang pumatay at magnakaw.
Ngayon ay maihahambing natin ang punong Padaythabin sa
kayamanang likas ng ating bansa. Kung ang bawat likas na
yaman sa bansa ay gagamitin sa kapakanan ng mga
nakararaming mamamayang nangangailangan,, siguro’y
walang taong magugutom o pumapatay, at mababawasan
ang kasamaan ng sangkatauhan.

Ngayon ay hindi ganito ang larawan ng sangkatauhan. Ang


dahilan, nakilala ng mga tao ang kasakiman. Ang maraming
mahihirap ay nangangarap na yumaman; ang maraming
mayayaman, patuloy at patuloy pa ring nangangarap na
magkamal nang katakot-takot na yaman na walang
katapusan.
Ganito ang batas ng tao sa kanyang sarili dahil sa
kasakiman sa pagkakamal ng material na bagay,
kahit para silang lintang sumisipsip ng dugo sa
kanilang pinagsasamantalahan. Ang mga dahilang
ito marahil ang sanhi kung bakit may mayayaman sa
kasalukuyan na hindi kayang ubusin ang naipong
mga yaman kahit sampung ulit silang namumuhay sa
daigdig. Samantalang ang mga biktima ng tatlong
mukha ng kasamaan ay mistulang basahan ang
saplot sa kanilang katawan.
SAGUTIN ANG MGA TANONG:
1. Ano-ano ang tatlong mukha ng kasamaan?
2. Bakit lagging may tunggalian ang mayayaman at
mahihirap?
3. Sa iyong palagay, may naidudulot bang kabutihan ang
paghahangad ng materyal na bagay? Patunayan.
4. Anong aral ang isinasaad ng alamat ng “Padaythabin”?
5. Ipaliwanag: “Hindi salapi ang ugat ng kasamaan, kundi
ang pagpapahalaga ng tao rito.”
SANAYSAY

• Ang sanaysay ay isang uri ng paglalahad


ng sariling pangmalas at pananaw ng
sumulat hinggil sa isang paksa. Ito ay
paghahanay ng mga ideya at
damdamin ng sumusulat ayon sa
kanyang karanasan, pagmamasid, at
pag-aaral.
2 URI NG SANAYSAY:

➢Pormal o Maanyo
➢Impormal o Malaya
PORMAL

• Ang pananalitang ginagamit ay


pinakapipiling mabuti, at ang paksa’y
pinag-uukulan ng maraming pag-aaral at
pagsusuri.
IMPORMAL

• Ang paksa ay karaniwan at hindi


nangangailangan ng pag-aaral at
pananaliksik. Malapit ito sa mga mambabasa
at may himig na parang nakikipag-usap
lamang.
• Sa sanaysay na “Tatlong Mukha ng
Kasamaan” nais bigyang-aral ng sumulat
ang kanyang mga kababayan tungkol sa
kalagayang sosyal ng kanilang bayan.
Ayon sa akda, hindi salapi ang ugat ng
kasamaan, kundi ang pagpapahalaga
ng tao rito.
MGA PANG-UGNAY NA
NAGPAPAHAYAG NG SARILING
PANANAW
• Isa sa mahahalagang tungkulin ng wika
ay ang pagpapahayag ng sariling
pananaw. Makatutulong ang kaalaman
sa mga pang-ugnay upang maipahayag
ang sariling pananaw.
1. Mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling pananaw.

Ang ayon sa, batay sa, sang-ayon sa, at sa pananaw ni ay


ilan lamang sa mga ito.
Halimbawa:
a. Sa pananaw ng Pangulo, dapat nang kumilos ang mga
mamamayan upang mahinto ang paglaganap ng bawal
na gamot.
b. Ayon sa mga mambabatas, aalisin na ang pork barrel dahil
ugat ito ng malawakang korupsiyon.
2. Mga pang-ugnay na ginagamit upang ipahiwatig
ang pagbabago o pag-iiba ng paksa.

Halimbawa:
a. Sa kabilang banda, hindi dapat isisi sa
pamahalaan ang kahirapan ng ilang pamilya.
b. Samantala, tulungan mo muna ang iyong sarili,
bago ang pagtulong sa iba.

You might also like