Professional Documents
Culture Documents
Kakayahang Pangkomunikatibo NG Mga Pilipino
Kakayahang Pangkomunikatibo NG Mga Pilipino
Kahulugan
Nagagamit nang wasto ang wika sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, naipapahatid ang tamang mensahe, at nagkakaunawan ang dalawang taong nag-
uusap
Unang ginamit ni Dell Hymes
Ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkakaroon ng kakayahang linggwistika o gramatikal
upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat na malaman ang paraan ng paggamit ng wika sa linggwistikong komunidad na gumagamit
nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin
Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Literature and Anthropology sa Reed College noong 1950 at PhD
Linguistics noong 1955
Kakayahang Komunikatibo
Ang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol dito kundi
ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo (Bagaric, et al. 2007)
Sa pagtatamo ng kakayahang ito, nararapat na pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto (Higgs at
Clifford 1992).
Ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan
ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan
nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. (Dr. Fe Otanes 1992)
Sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura- ito’y wika kung paano ginagamit at
hindi lang basta ang wika at ang tuntunin nito. (Shuy 2009)
B. Kakayahang sosyolinggwistik
-pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan, bakit nangyari ang sitwasyong
komunikatibo
- kakayahang isaalang-alang ang ugnayan niya sa kausap, mga
impormasyong pinag-uusapan at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan pati na rin ang kontekstong
sosyal ng isang wika
-isinasaalang alang din ang SPEAKING ni Dell Hymes
Halimbawa:
Hindi dapat sumali ang bata sa usapang pangmatanda
S - SETTING S - lugar ng usapan
P - PARTICIPANTS P - sino-sino ang sangkot
E - ENDS E - pakay o layunin
A - ACT SEQUENCE A - takbo ng usapan
K - KEYS K - tono
I - INSTRUMENTALITIES I - midyum o tsanel
N - NORMS N - paksa
G- GENRE G - uri ng diskurso
C. Kakayahang pragmatic
-pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di sinasabi ikinikilos ng kausap
-Natutukoy niya ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di-sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong
kausap
-Natutukoy ang kaugnayan ng salita batay sa paggamit at sa konteksto.
-Mahalagang maunawaan natin ang intensyon ng kausap upang mahulaan din ang mensahe ng
tagapakinig
D. Kakayahang Istratedyik
-Kakayahang magamit ang mga berbal at di-berbal na hudyat upang maipabatid ang mensahe at
maiwasan ang gap sa komunikasyon
-Makakatulong ang paggamit ng mga di-berbal (proxemics, pictics, oculesics, kinesics) na hudyat
tulad ng kumpas ng kamay, ekspresyon ng mukha, nguso,
E. Kakayahang diskorsal
-pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/sitwasyon ayon sa konteksto
-Nakapagbigay ng wastong interpretasyon ng napakinggan o nabasang pahayag
A. Pakikibagay (adaptability)
-nagagawang mabago ang pag-uugali at layunin para sa pakikipag-ugnayan
-pagpapakita ng pagiging kalmado sa paggamit sa pakikisalamuha
-kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha
B. Paglahok sa usapan
-may kakayahang tumugon
-may kakayahang makinig, ang magpokus sa kausap
C. Pamamahala ng pag-uusap
-nakokontrol ang daloy ng usapan at paanong ang paksa ay nagpapatuloy at naiiba
D. Pagkapukaw-damdamin
-Kakayahang mailagay ang sarili sa klagayan ng iba
E. Bisa
-Naging mabisa ba ang naganap na komunikasyon o hindi
F. Kaangkupan
- naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan at sa taong kausap
Katangian ng Epektibong mananalita