Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang latigo ay naglalarawan kay Donya

Consolacion at ang pamaypay ang siyang


sumisimbolo kay Donya Victorina.
Nagpasikat si Donya Victorina sa san Diego sa pamamagitan ng bihis niyang walang katulad sa daigdig.
Nang walang pumupuri sa kanya, lalo na ang alperes, ay nagalit at uminit ang ulo ang donya. Nang
maparaan sa harap ng bahay nina Donya Consolacion ay ipinandura ng huli ang taga- Maynila. Nauwi sa
away ang pangyayaring iyon. Lalong lumabas na inutil ang pilay na si de Espadana nang pumasok sa
usapan ang Alperes. Pinangalanang Juan Lanas ( under de saya) ang asawa ni Donya Victorina. Dumating
si Padre Salvi. Inawat sila. Ipinahahamon ng donya kay de Espadana ang alperes sa isang desapyo.
Tumanggi si Don Tiburcio. Inalisan ito ng pustisong ngipin. Sa bahay nina Kapitan Tiyago ay si Linares
ang inutusan ni Donya Victorina na humamon ng disapyo sa Alperes. Tumutol ang binate. Dumating si
kapitan Tiyago na talunan sa sabong. Anang reyna ng daldalera kay Kapitan Tiyago sa harap ng lahat.. “
kung hindi hahamunin ni Linares ang alperes, huwag mong bayaang maging asawa ng iyong anak. Hindi
bagay kay Clarita ang duwag.” Noon lamang nabatid ni Maria Clara at mga kaibigan nitong dalaga ang
usapang pangmatanda na siya’y ikakasal kay Linares. Kinagabiha’y siningil ng mag-asawa si Kapitan
Tiyago, ilang libong piso, sa pagkakatingin kay Maria Clara at maagang umalis kinabukasan patungong
Maynila.

You might also like