Filipinoooo Edited

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pamagat: Tahanan ng Isang Sugarol

May Akda: Rustica Carpio

I. Pagkilala sa may akda


– si Rustica Carpio

II. Uri ng Panitikan


– Maikling kwento

III. Layunin ng may akda


– makapagbigay ng aral sa mga mambabasa

IV. Tema o paksa ng may akda


– ito ay tungkol sa isang pamilya na ang ama ay isang sugarol at isang mapagmahal
na ina

V. Mga tauhan at karakter sa kwento


– Lian Chao
– Siao Lan
– Ah Yue

VI. Tagpuan at panahon


– sa bahay nina Lian Chao at isang sugalan

VII. Nilalaman ng bawat balangkas sa kwento

VIII. Dahil sa tapos nang maglaba, mabagal na tumayo si Lian Chao sa tabi ng balon.
A. Nalaman niyang hindi pa pala siya nakakapag saing para sa kanilang hapunan at
nagmadali siyang kumilos para ito dahil bubugbugin na naman siya ng kanyang
asawa.
B. Nang dumating si Li Hua ay nanginginig sa takot ang dalawang bata nang
matapos na kumain si Li Hua ay pumunta kaagad ito sa sugalan ng mayamaya’y
nakaramdam si Lian Chao ng pananakit ng kanyang tiyan at mabilis itong
naglakad patungo sa sugalan.
C. Nang siya’y nakarating ay nakita niyang nagsusugal nga ang kanyang asawa ng
maramdaman niya uli ang sakit ay bigla itong napahiyaw at napukaw ang
intension sa kanya ng mga taong naroon.
D. Dinala nga siya sa malapit na ospital upang doon manganak

IX. Mga kaisipan/ideyang taglay ng may akda


– sinasabi dito na walang mabuting maidudulot ang pagsusugal
X. Istilo ng pagkakasulat ng may akda
– maayos at maganda ang pagkakasunod ng bawat balangkas

XI. Buod
– si Li Chao ay asawa ng isang sugarol na si Li Hua. Siya’y nagdadalang tao. Di
niya namalayan na mag gagabi na pala at kailangan na niyang maghanda ng
hapunan dahil kung hindi siya kikilos ay maaabutan ito nang asawa at pag
nangyari yun ay bubugbugin na naman siya. Nang dumating si Li Hua ay
sininghalan nito ang mag ina at nanginginig sa takot ang dalawa nilang anak na
sina Ah Yue at Siao Lan. Nang umalis na si Li Hua ay nakahinga na sila ng
maluwag. Lumipas ang ilang minuto ay biglang sumakit ang tiyan ni Li Chao na
tila manganganak na yata. Mabilis itong naglakad patungo sa kinaroroonan ni Li
Hua. Madilim ang daan at habang siya’y naglalakad ay lalong sumasakit ang
kanyang tiyan hanggang sa siya ay nakarating na sa pinagsusugalan ng kanyang
asawa. At dahil labis na masakit ang kanyang nararamdaman ay bigla itong
napasigaw at ang lahat ng taong naroroon ay napukaw sa kanyang atensyon.
Tinulungan siya ng mga taong naroon na madala sa ospital.

You might also like