Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Panunuring

Pampanitikan

Inihanda ni:

G. Zaldy V. Asido
PAGTATAPAT
Tula ni: LOPE K. SANTOS

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip, Nais kong ang linis ng ating panataý,
Sa ulo moý ako ang buong masilid. Huwag marungisan ng munting balisa,
Ibig kong kung iyang mataý tumititig, Nais kong sa buhay ng ating pag-asa’y
Sa balintataw mo akoý mapadikit. Walang makatagpong anino ng dusa.

Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig, Nasa kong kung ikaý may tinik sa puso,
Ang labi koý siyang lumasap ng tamis. Dini sa puso ko maunang tumimo.
Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib, Nasa kong ang iyong tampu’t panibughoy,
Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig. Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;

Hangad kong kung ikaý siyang nag-uutos, Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo,
Akung-ako lamang ang makakasunod. Ay mabayaran ko ng libong pangako.
Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog Nasa kong ang bawat luha mong tumutulo,
Kaluluwa ko lang ang makapupulot. Ay mga labi ko ang gamiting panyo.

Hangad kong sa harap ng iyong alindog, Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa’y
Ay diwa ko lamang ang makaaluluod. Hamog ng halik mo ang magpapasariwa.
Hangad kong sa “altar”ng iyong pag irog, Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala,
Kamanyang ko lamang ang naisusuob. Ay wala nang ulap na makagambala;

Nais kong sa aklat ng aking pagsinta, Mithi kong ang tibay ng ng minsanang
Ang ngalan ng lumbay ay huwag Mabasa. sumpa’y
Nais kong sa mukha ng ating ligaya, Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa.
Batik man ng hapis ay walang makita. Mithi kong kung ako’y mabalik sa wala,
Ay sa walang yao’y huwag kang mawala.
INTRODUKSYON

“Pagtatapat”
ni: Lope K. Santos

I. Uri ng Panitikan
 Tula
Ang Panulaan o tula ay isng uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at istilo. Pinagyaman ito sa
pamamagitan ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o
pattern sa pagbibigkas ng mga huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinhaga
at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o
kaya naman ay mahaba.
 Uri ng Tula
 Tanka – nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng 31 pantig, nahahati
ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7.
 Haiku – nagmula sa bansang Hapon na binubuo ng tatlong taludtod na
may sukat na 5-7-5.
 Tulang Liriko o Pandamdamin – sa uring ito itinatampok ng makata ang
kanyang sariling damdamin. Ito ang itinuturing pinakamatandang uri ng
tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng
damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang
pagkakaugnay ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong
tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring
tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumasok sa
ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin
o kayaý tulang may katangiang awit. Narito ang ilang uri ng tulang ito.
 Awit – tungkol sa pagibig
 Pastoral (Dalitbuki)
 Oda (Dalitpuri) – matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o
pagbibigay parangal).
 Dalit o Himno (Dalitsamba) – tungkol sa pagpapala sa Diyos,
sapagawit na pamamaraan.
 Soneto (Dalitwari) – binubuo ng 14 na taludtud o linya,
nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
 Elehiya (Dalitlumbay) – mapanglaw; tungkol sa kamatayan o
kalungkutan.
 Tulang Pasalaysay – ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa
pamamagitan ng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito.
 Epiko (Talambuhay)
 Tulasinta (Metrical Romance)
 Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
 Talagunam (Ballad)
 Tulang Dula – ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang
tanghalan. Narito ang mga uri ng tulang dula.
 Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)
 Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
 Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
 Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
 Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
 Tulang Dulang Katawa-tawang-kalunos-lunos (Dramatic
Tragi-comedy in Poetry)
 Tulang Dulang Pauroy (Frace in Poetry)
 Tulang Patnigan (justice Poetry) – ito ay tulang sagutan na itinatanghal
ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito
ay paligsahan ng mga katuwiran at tagisan ng mga talion at tulain. Ang
sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan.
 Karagatan
 Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo
ng labanan, at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
 Balagtasan
 Batutian

 Elemento ng Tula
 Saknong – isang grupo ng mga salita sa luob ng isang tula na may dalawa
o higit pang taludtod.
 Sukat – bilang ng pantig ng tula.
 Tugma – pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
 Talinhaga – tumutukoy ito sa paggamit ng matalinhagang salita at
tayutay.

II. Uri ng Pananalig
 Teoryang Romantisismo
Sumibol ang romantisismo noong huling bahagi ng siglo 1800 at
pagpasok ng 1900. Ang teoryang romantisismo na nakabatay sa kasaysayan at
paghanga sa kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming pagbabago na
naganap sa panitikan.
Ito ay makikita sa mga akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig,
mga awit at korido na pinakapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at
prinsipe. Ang terminong romantiko (“Maromantiko”) ay unang lumitaw
noong ika – 18 siglo na ang ibig sabihin ay nahahawig sa mga
malapantasyang katangian ng midyeval na romansa. Dalawang uri ng
romantisismo ay Tradisyunal at Rebolusyonaryo.

III. Pagkilala sa may Akda


 Lope K. Santos
 Isinilang noong Setyembre 25, 1879 at namatay noong Mayo 1, 1963 sa
edad na 84.
 Isa siyang tanyag na manunulat sa wikang tagalog noong kanyang
kapanahunan.
 Isa rin siyang Abogado, Kritiko, Lider Obrero at itinuring na Ama ng
Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.
 Naging dalubhasa siya sa larangan ng Dupluhan. Isang paligsahan ng mga
manunula na maihahambing sa larangan ng Balagtasan.
 Noong 1900 nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga
lathalaing nasa wikang tagalog katulad ng Muling Pagsilang at
Sampaguita. Siya ang nagtatag ng babasahing Sampaguita.
 Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon naging Punong Tagapangasiwa si
Santos ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
 Ilan sa mga katawagan na nagbibigay parangal kay Santos ay
 Paham ng Wika
 Ama ng Balarilang Pilipino
 Haligi ng Panitikang Pilipino
 Mas kilala sa tawag o palayaw na “Mang Openg”.
 Sariling Buhay
 Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong Pebrero 10,
1900 at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng
karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandal ng buhay ay
hinagad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.
 Sa Larangan ng Politika
 Matapos maging gobernadora ng lalawigan ng Rizal mula 1910
hanggang 1913, naging gobernadora naman si Santos ng Nueva
Vizcaya mula 1918hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang
senador para sa ika-labindalawang distrito ng mga bayan.
 Mga nagawang Akda ni Lope K. Santos
 Balarila ng Wikang Pambansa
 Banaag at Sikat, isang Nobela
 Salawahang Pag-ibig
 Kandungan
 Batas ng Halalan
 Mga Tula
 Pagtatapat
 Akoý si Wika
 Puso at Diwa
 Nag-iisa Ako
 Akoý si Batan atbp.

IV. Pagsusuri
 PAGTATAPAT ano ba ang sinisimbulo ng tulang Pagtatapat? Bakit
napabilang ang tulang pagtatapat ni Lope K. Santos sa mga tula na
pagpapaksa sa Teoryang Romantisismo?
 Ano nga ba ang talinhaga sa likod ng tula? Isa, dalawa, tatlo, ano-ano nga ba
ang mga ito? Sa aking pagdudungkal tungkol sa nilalaman nito ay may tatlong
bahagi ang nais kong bigyang pansin.
 Una, "Hahamakin ang lahat masunod ka lamang", maaaring gasgas na ang
katagang ito ngunit ito ay isang patunay lamang na nangyayari at
sumasalamin sa akdang Pagtatapat ni Lope K. Santos. Hindi maikakailang ang
kathang ito ay nagpapakita ng wagas na pagmamahal ng isang lalaki sa
kaniyang iniirog at sa aking pagdalumat ay mababakas rito ang lawak ng
pagsinta ng nagsasalita sa tula. Ipinamalas ng persona ang tapat na pag-ibig
sakaniyang minamahal na anumang pagsubok ang kaharapin at dumating ay
magkasama nila itong susuungin. Ang mga kilos na nagpapakita na mas
matimbang ang gawa sa bawat salita. Ang mga eksenang walang iwanan
gaano man kabigat ang pagdaanan. Ang mga pagsubok na magpapatibay at
magpapatunay na gaano man kahirap ang sitwayon ay mananatiling kayo o
tayo hanggang dulo.
 Ikalawa, Kung sa teknikal na usapin naman ang ating susuriin ay gumamit ang
persona ng mga bagay-bagay upang mailarawan ng maayos ang kanyang mga
damdamin. Napakahusay rin ng manunulat sapagkat ginamitan ito ng tugmaan
kung saan binubuo ng 12 pantig ang bawat taludtod. Hindi rin nawala ang
paggamit ng talinhaga na nagbigay kasiningan sa kabuuan ng tula. Ang mga
mensaheng hindi tuwirang ibinigay ang kahulugan ngunit nag-ambag ng
kagandahan at kariktan nito. Bilang isang manunula ay mahalagang makabuo
ng isang obra bukod sa mensaheng maiibigay nito ay pupukaw sa damdamin
at atensyon ng mambabasa.
Hal.
“Hangad kong sa “altar”ng iyong pag irog,
Kamanyang ko lamang ang naisusuob”.

“Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa’y


Hamog ng halik mo ang magpapasariwa.
Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala,
Ay wala nang ulap na makagambala”
 Ang pagtatapat ay isang tula na nagsasaad sa pagmamahal. Maraming
pagtutulad ang ginamit niya sa tula. Ikinukumpara niya ang pagmamahal sa
isang handog sa “altar”ng kanyang minamahal. Inihahambing din ang
pagmamahal sa mga tala, at marami pang pagtutulad. Ang dahilan ay para
maipakita niya ang mga nararamdaman niya para sa kanyang minamahal.
 Idinulot ng kanyang pagtulad ang kanyang masidhing damdamin na gusto
niya na siya lamang ang may pagmamahal ng ganito sa kanyang kasintahan.
 Makikita sa tulang ito na katapatan ang kanyang hinihiling at ibinibigay rin sa
taong ito. dahil dito ang pamagat ng tulang ito ay “Pagtatapat” ipinapakita ang
pagiging tapat niya sa kanyang tanging minamahal, at ipinagtatapat niya ang
kanyang mga damdamin. Ipinapakita ang pagiging tapat niya sa bandang huli
ng tula noong sinabi niya “Mithi kong kung ako’y mabalik sa wala, Ay sa
walang yao’y huwag kang mawala”. Nakahit bawian na siya ng buhay ay siya
pa rin ang kanyang mamahalin.

 Ikatlo, para sa aking personal na karansan, ang ganitong pag-ibig ay hindi ko


pa nararanasan ngunit masasabi kong mapalad ang mga taong nasumpungan
ang ganitong uri ng pagmamahal sapagkat bihira o limitado lamang kung may
mga ganitong taong nais magpadama sa atin ng ganitong pagmamahal.

V. KONKLUSYON
 Ang pagtatapat ay isang tula na nagsasaad sa pagmamahal. Unang panauhan
ang persona nito. Siya ang taong umiibig na matapat sa kanyang minamahal,
at nais nitong ipahayag sa kanyang sinta tunay ang kanyang pagmamahal.
Gumamit ang persona ng mga bagay-bagay upang mailarawan ng maayos ang
kanyang mga damdamin. Masayahin ang tono nito.
 Nagbigay naman ito sa akin ng inspirasyon. Umaasa akong sana may umibig
din sa akin ng ganito. Gustong sabihin ng tulang ito na kung may minamahal
tayo, sabihin na ito at ipagtapat upang makita mo na ang totoong dinaramdam
mo para sa kanya, para sa huli hindika magsisi.
 Ikatlo, para sa aking personal na karansan, ang ganitong pag-ibig ay hindi ko
pa nararanasan ngunit masasabi kong mapalad ang mga taong nasumpungan
ang ganitong uri ng pagmamahal sapagkat bihira o limitado lamang kung may
mga ganitong taong nais magpadama sa atin ng ganitong pagmamahal.

You might also like