Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)

AY 2019-2020 Second Semester

Yunit 3. Mga Batayang Kaalaman sa Sulating Pananaliksik (5 oras)


3.1 Depinisyon/ Kahulugan ng Pananaliksik

 Ito ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng


pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng
mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan, inaayos ang mga ito at pagkatapos
ay sinusulat at inuulat (Sauco, 1998).
 Ito ay sistematikong pag-uusisa upang patunayan at makuha ang anumang kabatirang
hinahangad natin (Mercene, 1983).
 Mapanuri at kritikal na pag-aaral sa isyu, konsepto at problema; ganyan ang pananaliksik
(Semorlan, 1999).
 Ang pananaliksik ay isang masistemang pag-aaral ng kahit anong paksa sa layuning
masagutan ang mga katanungang itinatanong ng mananaliksik (Parel, 1973).
 Ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman (Sanchez, 1998).
 Ang pananaliksik ay pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Ito
rin ay pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng
prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at J.W. Trece, 1993).
 Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong pag-alam sa pamamagitan ng
iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo
sa klaripikasyon at/o resolusyon nito (Good, 1993).
 Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin (Aquino, 1974).
 Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon upang
malutas ang isang particular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan (Manuel at
Medel, 1976).

3.2 Mga Layunin ng Pananaliksik (Calderon at Gonzales, 1993)


3.2.1 Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid ng
phenomena.
3.2.2 Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng
mga umiiral na metodo at impormasyon.
3.2.3 Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga makabagong
instrumento o produkto.
3.2.4 Makatuklas ng mga hindi pa nakikilalang substances at elements.
3.2.5 Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at
elements.
3.2.6 Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon,
pamahalaan at iba pang larangan.
3.2.7 Masatisfay ang kuryusidad ng mananaliksik.
3.2.8 Mapalawak o maverifay ang mga umiiral na kaalaman.

3.3 Mga Uri ng Pananaliksik

3.3.1 Makaagham/Siyentipiko/Eksperimental
 Ito ay aktwal na pagkuha ng mga katunayan (facts) at aktibong paggawa ng
mga bagay-bagay na nakatutulong sa nais patunayan.
 Kailangang may haypotesis ang mananaliksik at masinsinang pagtatrabaho at
paggawa ng eksperimento upang mapatunayan o mapabulaanan ito.
21

3.3.2 Pampanitikan o Literari


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 Kokolektahin ang mga datos at masusing pinag-aaralan at kritikal na


pinahahalagahan ang mga ito.

3.3.3 Pangkasaysayan (Historikal)


 Binabakas ang pagkakasunud-sunod ng mga nakaraang pangyayari, pag-unlad,
ang mga dahilan ng mga bagay-bagay, pinagmulan at bunga.

3.3.4 Palarawan
 Pag-aaral sa mga pangkasalukuyang mga ginagawa, kalagayan at mga
pamantayan.

3.3.5 Pamamaraang Batay sa Pamantayan (Normative)


 Inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na batayan o
pamantayan.

3.3.6 Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)


 Isang malawakang pag-aaral ito sa isang aklat, isang karanasan o pangyayari,
isang pasyente sa klinika, isang usaping panghukuman o isang suliranin.

3.3.7 Pag-aaral na Genetiks (Genetic Study)


 Mula sa simula hanggang sa wakas, sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad
ng isang paksa.

3.3.8 Hambingang Pamaraan (Comparative Study)


 Gumagamit ito ng mga hanay ng paghahambing ng mga paksa o datos.

3.4 Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik


3.4.1 Sistematiko
 May sinunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.

3.4.2 Kontrolado
 Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling constant.
 Hindi dapat baguhin nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa
sabjek na pinag-aaralan ay maiuugnay sa ekperimental na baryabol.
 Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik.

3.4.3 Empirikal
 Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
 Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng isang
silid, magiging katanggap- tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan at
naverifay ng ibang tao ang limang tao sa loob ng isang silid na iyon.
Samakatwid, ang bilang ng tao ay isang datos na empirikal.

3.4.4 Mapanuri
 Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal
upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga
datos na kanyang nakalap.
 Kadalasan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga navalideyt nang
pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal
21

ang pananaliksik.
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

3.4.5 Objektiv, Lohikal at walang pagkiling


 Lahat ng mga tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na
nakabatay sa mga empirical na datos at walang pagtatangkang ginawa upang
baguhin ang resulta ng pananaliksik.
 Kailangan ding walang mga personal na biases sa pagsasagawa ng pananaliksik.
 Walang puwang dito ang mga pansariling pagkiling.

3.4.6 Gumagamit ng mga kwantiteytiv o istatistikal na metodo


 Ang mga datos ay kailangang mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa
pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at
kahalagahan.
 Halimbawa, ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsiyento), isa sa
sampung mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat respondente
(distribusyon) ay ilang halimbawa ng kwantiteytiv na datos, kumpara sa mga
pahayag na tulang ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na
istatistikal na halaga.

3.4.7 Isang orihinal na akda


 Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik
ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang
mananaliksik.
 Idagdag pa ang mga datos ay nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang
first hand.

3.4.8 Akyureyt na investigasyon, obserbasyon at deskripsyon


 Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o
akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga siyentipikong
paglalahat.
 Samakatwid, lahat ng mga kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal
na ebidensya.

3.4.9 Matiyaga at hindi minamadali


 Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang
pagtiyagaan ang bawat hakbang nito.
 Ang pananaliksik na minadali at ginawa ng walang pag-iingat ay kadalasang
humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.

3.4.10 Pinagsisikapan
 Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap.
 Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging
matagumpay.

3.4.11 Nangangailangan ng tapang


 Kailangan ng tapang ng mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik.
 May mga pagkakataon ding maaari siyang dumaan ng di- pagsang-ayon ng
publiko at lipunan.
 Maaari ring magkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang
mananaliksik.
21

3.4.12 Maingat na pagtatala at pag-uulat


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 Lahat ng mga datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala.


 Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng
pananaliksik.

3.5 Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik

Ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa mga


pamamaraan ng pananaliksik.

Kailangan niyang maglaan ng sapat na panahon sa pangangalap ng kanyang mga datos.

Hindi biro ang maging isang mananaliksik. May mga katangian siyang dapat na taglayin
at mga pananagutang dapat na isaalang- alang.

Sa kanyang pananaliksik, dapat niyang isaalang-alang na may pananagutan siya sa


kanyang sarili, sa mga manunulat ng kanyang mga hanguan, sa kanyang mga mambabasa at sa
lipunan sa kabuuan.

3.5.1 Masipag / Masigasig


 kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at
pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig ng pinapaksa ng pananaliksik.
 hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang
pananaliksik.
 kung magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos,
kakulangan ng katibayan para sa sa kanyang mga pahayag at mga hindi
mapangatwiranang kongklusyon.

3.5.2 Matiyaga
 kakambal na ng sipag ang tiyaga.
 sa pangangalap kasi ng mga datos, kailangang maging pasensyoso ang isang
mananaliksik.
 kapag inaakala niyang kumpleto na ang kanyang datos, maaaring imungkahi
pa rin ng kanyang guro/ tagapayo ang pagdaragdag sa nauna nang mga
nakalap na datos, kailangan niyang pagtiyagaan kahit hindi pa man
iminumingkahi ng kanyang tagapayo ang pangangalap ng mga datos mula sa
mga sanggunian.

3.5.3 Maingat
 sa pagpili at paghihimay- himay ng mga makabuluhang datos, kailangang
maging maingat ang isang mananaliksik lalo na sa dokumentasyon o sa
pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng anumang ideya, ang pag-
iingat ay kailangan upang maging kapani- paniwala ang resulta ng
pananaliksik.
 kailangang maingat na tiyaking may sapat na katibayan o validasyon ang
anumang posisyon o interpretasyong ginawa sa pananaliksik.

3.5.4 Sistematiko/ Masinop / Masistema


 ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain.
 samakatwid, kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito
ayon sa pagkakasunud- sunod.
 halimbawa, hindi pwedeng unahin ang paglalagom at pagbuo ng mga
kongklusyon nang hindi pa nakakapangalap ng mga datos.
21
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 sa pangangalap ng mga datos, kailangan din niyang maging sistematiko nang


hindi maiwawaglit ang mga datos sa sandaling kailangan na niya ang mga
ito.

3.5.5 Kritikal at Mapanuri


 ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain.
 pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
 samakatwid, kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik
sa pag- ieksamen ng mga impormasyon, datos, ideya o opinyon upang
matukoy kung ang mga ito’y valido, mapagkakatiwalaan, lohikal at may
batayan.
 sa madaling salita, kailangang timbang- timbangin ang katwiran ng mga
impormasyon upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang
kanyang mapapakinabangan sa kanyang pananaliksik.

Yunit 4. Ang Pagsulat ng Pananaliksik (32 oras)

4.1 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik


4.1.1 Pagpili ng Paksa
4.1.1.1 Mga Paghahanapan (Paghahanguan) at Pagpipilian ng Paksa
4.1.1.1.1 Sarili
4.1.1.1.2 Internet
4.1.1.1.3 Dyaryo, magasin, jornal, o peryodikal (metered phones/ phone
cards at iba pang mga maliliit na anyo ng teknolohiya, pamimili
sa pamamagitan ng telepono/ computer, batas ukol sa banks
secrecy)
4.1.1.1.4 Radyo/ cable/ tv (balita, programang edukasyunal, talk shows,
programang pang-aliw, isports)
4.1.1.1.5 Aklatan
4.1.1.1.6 Mga awtoridad/ kaibigan/ guro

4.1.1.2 Mga Patnubay/ Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


4.1.1.2.1 Kabuluhan ng Paksa
 Pinakaimainam kung iyong totoong mahalaga at kailangan
ng/ sa lipunan ang pag-aaralan.
4.1.1.2.2 Kailangang interesado ang mananaliksik (Interes ng
Mananaliksik)
 Magiging mas kasiya- siya ang pagsasagawa ng pananaliksik
kung ang paksang pag-aaralan ay naaayon sa iyong interes.
 Kung gayon, i-drop o huwag tatangkaing pag-aralan ang
paksang para sa iyo ay boring upang maiwasan ang
pagkabagot na siyang itinuturong salarin kaya ang iba ay
hindi nakakapagpasa on time ng kanilang pananaliksik.
 mangyayari ito kung may kaugnayan sa kurso at kapaligiran
niya
 isaalang- alang din ang kanyang mambabasa.
4.1.1.2.3 Hindi dapat masaklaw/ makitid.
 isang suliranin sa pagbuo ng pamagat ng pananaliksik ang
masaklaw o general na paglalahad ng paksa ng pag-aaral.
 nagiging suliranin ito dahil hindi tiyak ang kabuuan ng nais
21

pag-aralan kung hindi espisipiko ang paksa.


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 Halimbawa: Persepsyon ng mga Kabataan Hinggil sa


Epekto ng Media
 Suriin natin. Hindi malinaw ang pagkakagamit ng
Kabataan, Media, at Epekto kaya't maituturing itong
violation sa tuntunin ng pagpapamagat ng papel-
pananaliksik. Narito ang mga dahilan kung bakit hindi
naming tinanggap ang naturang pamagat:
 Ang paggamit ng terminong kabataan ay hindi angkop dahil
hindi malinaw kung sino at ano ang edad ng ispesipikong
indibidwal na tinutukoy. Kabataan ba ang mga nasa edad 6-
13? Ang mga nasa edad 21-30? Ang mga 30- pataas? O ang
teenagers lamang? Isa pa, lahat ba ng kabataan? Sa
Pilipinas? Sa buong mundo? Lahat ba ay kukuning
respondente? Huwag naman. Dahil ito’y magastos at
gagahulin sa oras dahil ang itinakdang panahon para sa
pagsasagawa ng papel- pananaliksik ay isang semestre
lamang.
 Ang media ay nakaangkla sa mga pagbabagong nagaganap
sa lipunan. Maraming paksa ang iniaalingawngaw ng media
kung kaya’t napakainteresante itong pag-aralan. Sa
katunayan, maraming mananaliksik ang nagsasagawa ng
pag-aaral hinggil sa mga palabras (teleserye at pelikula),
mga babasahin (tabloid at broadsheet) at iba pang mga paksa
na napapanood at/ o nababasa sa internet. Gayunpaman,
kung ang media ay isasama sa pamagat ng pamanahong
papel, lubhang malawak ang paksa para sa isang semester.
Ito’y dahil ang media ay hindi lamang tungkol sa mga
palabras. Marami itong klasipikasyon: Broadcast Media
(teleserye, pelikula at iba pang palabas sa telebisyon); Print
Media (magasin, diyaryo at mga polyeto); at Digital Media
(mga website sa internet). Kung isasama talaga ang media,
dapat ay banggitin kung anong uri ito ng media at mas
mainam kung babanggitin din ang ispesipikong pamagat (ng
palabras, ng awitin, ng babasahin, atbp.) ng media na pag-
aaralan.
 Ang pagkakagamit ng salitang epekto ay hindi rin malinaw
dahil hindi tinukoy kung anong uri ito ng epekto (sikolohikal
ba? pinansyal? pisikal? espiritwal? pisyolohikal? O iba pa?)
at kung ano o sino ang direktang maaapektuhan nito
(akademik performans, pakikipag-kapwa, kultura, atbp.).
 Kung irerebisa ang pamagat ng paksa, mas mainam kung
papalitan ang terminong kabataan ng terminong mag-aaral.
Sa gayon ay mas limitado ang paksa. Banggitin din ang uri
ng media at kung sa anong perspektibo sa panig ng mga
mag-aaral ang epektong nais pag-aralan.
 Ang pamagat ay magiging: Sikolohikal na Epekto ng mga
Koreanovela sa Pasulat at Pasalitang Performans ng mga
Mag-aaral ng Kursong Sikolohiya, Seksiyon 1A at 1B sa
Kolehiyo ng San Louis, sa Taong Akademiko 2018-2019.
 Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa (Bernales, et al.,
2012): panahon, edad, kasarian, perspektibo, lugar,
propesyon o grupong kinabibilangan, anyo o uri, particular
21

na halimbawa o kaso, at kumbinasyon ng dalawa o higit


pang paksa.
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 Ang Katangian ng Pamagat (Bernales, et al., 2012). Ang


pamagat ng isang papel na pananaliksik ay karaniwang
naglalaman ng 10 hanggang 20 salita.
 Tandaan: Hindi kasamang bibilangin ang mga salitang
pagkayarian---
 1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - ito ay mga salitang nag-
uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.
b. Pang-angkop (ligature) - ito ay mga katagang nag-
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
c. Pang-ukol (preposition) - ito ay mga salitang nag-
uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
 2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/ determiner) - ito ay mga salitang
laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - ito ay
mga salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at
panaguri.
 Ang pamagat ay kailangang nagtataglay ng pangunahing
kaalaman hinggil sa paksang pag-aaralan at nilimitahan ang
saklaw nito.
 Tandaan din na iba ang katangian ng pamagat ng mga
pelikula, awitin, at mga akdang pampanitikan sa pamagat ng
papel- pananaliksik.
 Pamagat ng papel- pananaliksik
*** Pagdalumat sa mga Simbolikong Interpretasyon sa
Diskurso ng mga Kontemporaryong Teleserye sa Filipinas
*** Paghahambing at Pagkokotrast sa mga Estratehiya ng
mga Babae at Lalakeng Guro sa Pagtataya sa Loob
*** Pag-aaral sa Kasanayan ng Paggamit ng Kompyuter ng
mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Kolehiyo ng San Luis sa
Kursong Information Technology
 Pamagat ng pelikula (pelikula o teleserye), akdang
pampanitikan
*** Walang Kapalit… (teleserye)
*** El Filibusterismo (nobela)
*** Pacquiao vs. Bradley (The Battle)
*** Pilipino, Isang Depinisyon (tula)
*** Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (libro)
*** Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo (pelikula)
*** Ang Facebook (sanaysay)
*** Ang Kalupi (maikling kuwento)
*** Pansamantagal (awit)
 Tandaan: Ang pamagat ng papel- pananaliksik ay hindi
dapat na masining, mabulaklak at/o masaklaw. Ito ay dapat
malinaw, tuwiran at tiyak: taglay ang sapat na kaisipang
naglalaman ng kabuuan ng pag-aaral.
4.1.1.2.4 Siguraduhing may sapat na materyales na mapagkukunan
(Kasapatan ng Sanggunian). Kung may sapat na referens
kaugnay ng paksang pag-aaralan, magiging mas episyente at
mas madali ang pagsasagawa ng pananaliksik. Bakit? Ito ay
dahil magkakaroon ng mas malawak na kaalaman ang
21

mananaliksik hinggil sa paksa. Kaya mainam na bumisita


muna sa library o mag-surf sa internet upang malaman ang
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

kasapatan (kakaunti ba o maraming- marami) ng sorses


kaugnay ng paksa.
4.1.1.2.5 Napapanahon/ mahalaga/ kapakipakinabang.
4.1.1.2.6 Pinansyal na kakayahan. Magastos ang pagsasagawa ng
pananaliksik kaya piliin lamang ang paksang wika nga ay hindi
masyadong mabigat sa bulsa. Magtanong- tanong sa mga
kakilalang mag-aaral na dumaan na rito. Ang kanilang opinion
ay mahalaga upang mataya, humigit- kumulang, kung
magkano ang pagugulungin (budget) sa iniisip na paksa.
4.1.1.2.7 Saklaw na oras/ panahon ng pagsasagawa ng pananaliksik.
Tandaan na ang Filipino 02 (Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina),
ang kurso kung saan pangunahing pangangailangan ang
pananaliksik, ay isang semestre lamang. Kung gayon, piliin ag
paksa na kayang tapusin sa loob ng isang semester. (Batay sa
karanasan: hindi na iilan lamang ang nagkamali ng
kalkulasyon hinggil sa bagay na ito).
4.1.1.2.8 Pumili ng paksang maaaring lapatan ng sariling palagay o
pasya sa halip na ito’y maging pagsasama-sama lamang ng
mga tala.

4.1.2 Pagpapahayag ng Layunin


 Kailangang makagawa ng isang paunang pahayag na layunin ng papel.
 Tinutukoy ng layunin ang pakay o gustong matamo sa pananaliksik ng napiling
paksa.
 Ang layunin ay maaaring pangkalahatan o tiyak.
 Pangkalahatan ito kung ipinapahayag nito ang kabuuang layon, gustong
gawin, mangyari o matamo.
 Tiyak ito kung ipinapahayag nito ang mga ispesipikong pakay sa paksa.

Halimbawa:

Paksa: Mga Positibo at Negatibong Epekto ng Tradisyunal at Makabagong Pamamaraan


ng Pagtuturo ng Asignaturang Ingles sa Akademikong Performans ng mga Mag-aaral ng
Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos- Kolehiyo ng Sining at Agham
(MMSU-CAS)

Pangkalahatang Layunin:

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na matalakay at masuri ang mga


epekto ng tradisyunal at makabagong pamamaraan ng pagtuturo ng asignaturang Ingles
sa akademikong performans ng mga mag-aaral ng MMSU-CAS.

Mga Tiyak na Layunin:

Tiyakan ding sasagutin sa pananaliksik na ito ang sumusunod na katanungan:

1. Ano- ano ang mga tradisyunal na at makabagong pamamaraan ng pagtuturo ng


asignaturang Ingles ang karaniwang ginagamit ng mga guro?
2. Ano- ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang uri ng pagtuturong ito?
3. Paano nakatutulong at nakahahadlang ang mga tradisyunal at makabagong
21

pamamaraang ito sa akademikong performans ng mga mag-aaral?


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

4.1.3 Inisyal na paghahanda at paghahanap ng tentatibong bibliograpi


4.1.3.1 Bibliograpi - listahan ng mga aklat at iba pang materyales na
masasangguni sa pagsulat. Para mapadali ang paghahanap ay gamitin ang
mga kard catalog.

4.1.3.2 Mga Uri ng Kard Katalog


4.1.3.2.1 Kard ng Awtor – gamitin kung tiyak ang karaniwang paksa ng
mga kilalang awtor kung hindi ay sangguniin ang kard ng paksa.
4.1.3.2.2 Kard ng Paksa – tinutukoy o naglalarawan sa nilalaman ng
aklat.
4.1.3.2.3 Kard ng Pamagat – maaaring sangguniin kung pamilyar sa
mga pamagat na dapat saliksikin.

4.1.3.3 Taglay ng bawat kard ang sumusunod:


4.1.3.3.1 pangalan ng awtor
4.1.3.3.2 pamagat ng libro
4.1.3.3.3 lugar ng pinaglimbagan, palimbagan at petsa ng pagkalimbag
4.1.3.3.4 ilang pahayag tungkol sa nilalaman (sa isang libro)

Isulat sa indeks kard (3”x 5”) ang bawat aklat o artikulong magagamit sa pagsulat. Sa
bawat kard, ilista ang mga: a) awtor b) taon ng pagkakalimbag c) pamagat d) mga tala ukol
sa paglilimbag (pook at pabliser)

4.1.3.4 Pagsulat ng Bibliograpi (Gabay sa APA 6th Style Referencing)

4.1.3.4.1 Aklat na may isang awtor


4.1.3.4.1.1 Simulan sa apelyido ng awtor, sundan ng kuwit at inisyal ng awtor at tuldukan.
4.1.3.4.1.2 Isunod ang taon ng publikasyon at ikulong sa panaklong. Tuldukan.
4.1.3.4.1.3 Isunod ang pamagat ng aklat. Gawing italisado. Tanging ang unang salita ang
nagsisimula sa malaking titik at ang mga pangngalang pantangi at subtitle na
karaniwang sumusunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng pamagat.
4.1.3.4.1.4 Isunod ang lugar ng publikasyon at ang publisher. Paghiwalayin ang dalawa ng
tutuldok. Tapusin ang entri sa isang tuldok.

Halimbawa:

Aquino, B. (1990). The taming of the millionaire. New York: Random House.

Bernales, R. A. (2005). Bukal 3: Pagbasa. San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House,
Inc.

4.1.3.4.2 Aklat na may dalawa o higit pang awtor

4.1.3.4.2.1 Simulan sa apelyido ng unang awtor, kuwit at inisyal ng pangalan. Huwag


babaguhin ang pagkakasunud- sunod ng mga awtor na nakatala sa aklat.
4.1.3.4.2.2 Isunod ang apelyido ng (mga) ko- awtor. Tularan ang format ng unang awtor.
Paghiwalayin ang mga pangalan ng awtor ng kuwit, maliban kung dalawa
lamang ang awtor at bago ang huling awtor na ginagamitan ng ampersand (&).
4.1.3.4.2.3 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.2; 4.1.3.4.1.3; at 4.1.3.4.1.4.

Halimbawa:

Davis, K. & Newstorm, J. (1989). Human behavior in organization. New York: Mc


21

Graw- Hill.
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

Tumangan, A. P., Bernales, R. A., Lim, D. C. & Mangonon, I. A. (2000). Sining ng


pakikipagtalastasan: Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya Publishing House.

4.1.3.4.3 Inedit na volyum ng isang aklat

4.1.3.4.3.1 Simulan sa apelyido ng editor ng volyum. Bantasan katulad ng sa awtor o mga


awtor ng isang aklat. Kung dalawa o higit pa ang editor, gumamit ng ampersand
sa pagitan ng dalawang editor, ang huling editor kung tatlo o higit pa.
4.1.3.4.3.2 Isunod ang Ed. (nag- iisang editor) o Eds. (dalawa o higit pa) na nakapaloob sa
parenthesis. Tuldukan.
4.1.3.4.3.3 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.2; 4.1.3.4.1.3; at 4.1.3.4.1.4.

Halimbawa:

Almario, V. S. (Ed.). (1996). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng


pagtulang Tagalog. Lungsod ng Quezon: UP Diliman.

Darling, C.W., Shields, J. & Villa, V.B. (Eds.). (1998). Chronological looping in
political novels. Hartford: Capitol Press.

Halos ganito rin ang mga tuntunin sa mga isinalin at kinumpayl na akda. Palitan lamang
ang Ed. o Eds. ng Tran. o Trans. para sa translator/s at Comp. o Comps. para sa compiler/s. Kung
konsultant naman ang given, gamitin ang Con. o Cons. sa halip.

4.1.3.4.4 Mga hanguang walang awtor o editor

4.1.3.4.4.1 Simulan sa pamagat ng akda (nakaitalisado) at tuldukan.


4.1.3.4.4.2 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.2 at 4.1.3.4.1.4.

Halimbawa:

Webster’s new collegiate dictionary. (1961). Springfield, MA: G and G Merriam.

The personal promise pocketbook. (1987). Makati: Alliance Publishers, Inc.

4.1.3.4.5 Multi- volyum, inedit na akda

4.1.3.4.5.1 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.3.1 at 4.1.3.4.3.2.


4.1.3.4.5.2 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.3.
4.1.3.4.5.3 Isunod ang bilang ng volyum na nakapaloob sa parenthesis. Tuldukan.
4.1.3.4.5.4 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.4.

Halimbawa:

Nadeau, B.M. (Ed.). (1994). Studies in the history of cutlery. (Vol. 4). Lincoln:
University of Nebraska Press.

Kung ang multi- volyum na akda ay hindi inedit at sa halip ay isinulat ng isang awtor,
sundin lang ang tuntunin 4.1.3.4.1.1; 4.1.3.4.1.2; 4.1.3.4.1.3; 4.1.3.4.5.4; at 4.1.3.4.1.4. Kung
dalawa o higit pa ang awtor, sundin ang tuntunin 4.1.3.4.2.1; 4.1.3.4.2.2; 4.1.3.4.1.2; 4.1.3.4.5.4;
at 4.1.3.4.1.4.
21

4.1.3.4.6 Di- nalathalang disertasyon, tisis, pamanahong- papel


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

4.1.3.4.6.1 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.1; at 4.1.3.4.1.2.


4.1.3.4.6.2 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.3.
4.1.3.4.6.3 Isunod ang salitang di- nalathalang disertasyon/ tisis/pamanahong- papel (o ano
mang anyo ng papel- pampananaliksik o akademikong- papel) at ikulong sa
panaklong.
4.1.3.4.6.4 Sundan ng kuwit, ng pangalan ng kolehiyo o unibersidad, lugar ng kolehiyo o
unibersidad, at tuldukan.

Halimbawa:

De Jesus, A. F. (2000). Institutional research capability and performance at the


University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private HEIs
(Di- nalathalang disertasyon), UST.

Grospe, A. A. (1999). Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa


pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare (Di- nalathalang tisis), UP
Diliman.

4.1.3.4.7 Mga artikulo mula sa jornal, magazine, dyaryo, newsletter

4.1.3.4.7.1 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.1 kung nag- iisa ang awtor; 4.1.3.4.2.1 at
4.1.3.4.2.2 kung dalawa o higit pa.
4.1.3.4.7.2 Isunod ang taon, buwan (kung aveylabol ang petsa, idagdag din ito) na
pinaghihiwalay ng kuwit. Ikulong sa panaklong. Tuldukan matapos.
4.1.3.4.7.3 Isunod ang pamagat ng artikulo, tulad ng sa 4.1.3.4.1.2. Tuldukan.
4.1.3.4.7.4 Isunod ang pangalan ng jornal, magazine, dyaryo, o newsletter. Gawing italisado.
Sundan ng kuwit.
4.1.3.4.7.5 Isunod ang bolyum (nakaitalisado).
4.1.3.4.7.6 Isunod ang issue number (hindi nakaitalisado ngunit nakakulong sa panaklong).
Sundan ng kuwit.
4.1.3.4.7.7 Isunod ang bilang ng pahina (huwag gagamit ng p. o pp.) at tuldukan.

Halimbawa:

Dauz, F. (2003, Agosto 10). Ang bayan ng Gapan. Kabayan, 4.

Maddux, K. (1997, March). True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine,
28(2),88-98.

Nolasco, M. (1998, Hunyo). Ang linggwistika sa pagsasalin sa wikang pambansa. Lagda,


11(5),12-20.

4.1.3.4.8 Pelikula, kaset, cd, vcd

4.1.3.4.8.1 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.1. Palitan lamang ang awtor ng director kung
pelikula at artist/ speaker/ lecturer kung kaset, vcd o cd.
4.1.3.4.8.2 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.2.
4.1.3.4.8.3 Kung di given ang mga pangalan sa 4.1.3.4.8.1, magsimula na agad sa
4.1.3.4.8.4, tuldukan, isunod ang taon ng inang distribusyon at tuldok muli.
4.1.3.4.8.4 Sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.3 ngunit bago tuldukan, isingit ang salitang
“Pelikula, Kaset, VCD” o “CD” sa loob ng braket.
4.1.3.4.8.5 Isunod ang lugar kung saan prinodyus (kung given) sundan ng tutuldok, isunod
ang prodyuser at tuldukan. Kung di given ang lugar, isunod agad ang prodyuser
at tuldukan.
21
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

Halimbawa:

Leonardo: The inventor [VCD]. (1994). Future Vision Multimedia Inc.

Redford, R. (1980). Ordinary people [Pelikula]. Paramount.

Sound effects [CD]. (1999). Network Music Inc.

Villaluz, E. & Reyes, L. (1990). Sing!sing!sing!: A vocal course for pop singers [kaset].
Ivory Records.

4.1.3.4.9 Mga dokumento mula sa mga tanggapan ng gobyerno

4.1.3.4.9.1 Simulan sa pangalan ng ahensyang pinagmulan ng dokumento at tuldukan.


4.1.3.4.9.2 Isunod ang taon ng publikasyon at tuldukan.
4.1.3.4.9.3 Isunod ang pamagat ng dokumento (nakaitalisado), ang bilang ng publikasyon
(kung mayroon) sa loob ng parenthesis at tuldukan.
4.1.3.4.9.4 Isunod ang lugar ng publikasyon, tutuldok at publisher.

Halimbawa:

National Institute of Mental Health. (1982). Television and behavior: Ten years of
scientific progress (DHHS Publication No. A82-1195). Washington, DC: US
Government Printing Office.

3.1.3.4.10 Mga hanguang elektroniko

3.1.3.4.10.1 Kung nakapost sa internet ang pangalan ng awtor o kontribyutor, taon at pamagat
(nakaitalisado), sundin ang tuntunin 4.1.3.4.1.1; 4.1.3.4.1.2; at 4.1.3.4.1.3.
3.1.3.4.10.2 Isunod ang salitang “Retrieved”. Sundan ng petsa, kuwitan, at ang salitang
“from” at isunod ang website o path. Tapusin sa tuldok.
3.1.3.4.10.3 Kung pamagat lamang ang aveylabol, simulan sa pamagat, tuldukan at sundin
ang tuntunin 4.1.3.4.10.2.
3.1.3.4.10.4 Kung hindi aveylabol ang datos sa 4.1.3.4.10.1 at 4.1.3.4.10.3, sundin na lang
ang tuntunin 4.1.3.4.10.2.

Halimbawa:

Burgess, P. (1995). A guide for research paper: APA style. Retrieved February 5, 2020,
from http://webster. commet. edu/apa/apa_intro.htm#content2.

Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’ a Love in Time of Cholera.


Retrieved January 26, 2020, from http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph.

Retrieved January 29, 2020, from http://atin-americanliterature.edu.ph.


21

4.1.3.4 Paggawa ng Tentatibo o Pansamantalang Balangkas


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 maipapakita ang kahalagahan sa pagkakasunud- sunod.


 ito ay makatutulong para mabigyang gabay at direksyon ang paksang nililinaw sa
simula pa lamang.
 nagsisilbing patnubay sa pagkuha ng mga tala.
 sa pagbabalangkas, unahin ang pangunahing ideya pagkatapos ang panlaman nito
o pantulong na ideya.

Mga Uri ng Balangkas

1. balangkas sa paksa
2. balangkas sa pangungusap
3. balangkas na patalata

Mga Prinsipyo ng Pagbabalangkas:

1. Iwasang gumamit ng simula, katawan, wakas bilang mga pangunahing bahagi ng


balangkas, sa halip, mga ideya na mismo ang ilagay sa mga bahaging ito.
2. Tiyakin na ang mga ideyang nasa I, II, III ay talagang mga pangunahin at hindi
sumusuporta lang o bise- bersa.
Romanong Numero (I, II, III…) pangunahing ideya
(A,B,C…) suportang ideya
Tambilang Arabiko (1,2,3,4…) detalye
 Indesyon- para sa ikalilinaw ng isang balangkas, bawat lebel ay
magkakatugma ng indensyon.
3. Ang parallel na pagsasaayos ng mga ideya ay tumutulong sa ikalilinaw hindi lang
ng balangkas, kundi pati ng ideya at nilalaman nito.
4. Kapag balangkas sa paksa ang pinili, walang bahagi dito na buong pangungusap
at bise- bersa.
5. Gumamit ng payak/ tuwirang pananalita.

Pagbabalangkas

Ang pagbabalangkas ay pagsasaayos ng mga ideyang nakalap mula sa inisyal na


paghahanap ng datos. Sa simpleng pagpapakahulugan, ang balangkas ay larawan ng
pangkalahatang hakbang.
Ang mga pangunahing kategorya ng impormasyon ay ipinakikilala ng mga tambilang
na Romano, tulad ng I, II, III, atbp.
Ang mga maynor na kategorya ay ipinakikilala naman ng mga malalaking titik, gaya
ng A, B, C, atbp.
Ang mga detalyeng sumusuporta sa mga maynor na kategorya ay ipinakikilala ng
mga tambilang na arabik (1, 2, 3, atbp.)
Ang mga halimbawang detalye sa ilalim nito ay ipinakikilala ng mga maliliit na letra
(a, b, c, atbp.)
Ang mga maynor na halimbawang detalye sa ilalim nito ay ipinakikilala ng mga
tambilang na arabik na nakapaloob sa mga panaklong [(1), (2), (3), atbp.]

Nasa ibaba ang anyo ng balangkas:

I. Pangunahing paksa
A. Maynor na paksa
1. Pansuportang detalye
a. Halimbawang detalye
b. Halimbawang detalye
(1) Maynor na halimbawang detalye
(2) Maynor na halimbawang detalye
21

B. Maynor na paksa
1. Pansuportang detalye
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

2. Pansuportang detalye
II. Pangunahing paksa
A. Maynor na paksa
1. Pansuportang detalye
2. Pansuportang detalye
a. Halimbawang detalye
(1) Maynor na halimbawang detalye
(2) Maynor na halimbawang detalye

Mga Pamantayan sa Pagbuo ng Balangkas

1. Bagamat hindi naman sapilitan, mabuti ring ilagay sa bahaging itaas ng


balangkas ang tesis ng pananaliksik o pamanahong- papel.
2. Ilinya ang bawat pamagat ng paksa sa kapareho nitong antas sa parehong
indensyon. Ipakilala ito sa pamamagitan ng paglilinya sa mga tuldok kasunod ng
mga tambilang o mga letra na nagpapakilala sa bawat pamagat ng paksa.

I. ______________________
A. ______________________
1. _______________________
2. _______________________
a. ________________________
b. ________________________
(1) ________________________
(2) ________________________
B. _______________________
1. _______________________
2. _______________________
II. ______________________
A. ______________________

3. Gawing konsistent o parallel ang paglalahad ng mga ideya ng balangkas. Ito’y


nangangahulugan na kapag ginamit ang pariralang pangngalan sa unang pamagat
ng ideya, ang lahat na ng bahagi ng balangkas ay ilahad sa pariralang
pangngalan.

Hindi Parallel o Konsistent

I. Ano ang pagkakalbo?


II. Uri at sanhi
A. Pagkakalbo sa kalalakihan
B. Pagkakalbo sa kababaihan
C. Pagkakalbong toxic
D. Alopecia Areata
E. Hinihila ang buhok
F. Scarring alopecia
III. Paano ang pangangalaga sa buhok?

Konsistent o Parallel

I. Depinisyon
II. Uri at Sanhi
A. Pagkakalbo sa kalalakihan
B. Pagkakalbo sa kababaihan
C. Pagkakalbong toxic
D. Alopecia Areata
21

E. Paghila ng buhok
F. Scarring alopecia
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

III. Pangangalaga sa Buhok

Mga Uri ng Balangkas

1. Pamaksang Balangkas o Balangkas sa Paksa. Sa uring ito, ang bawat paksa ng


balangkas ay inilahad bilang pangngalan o pariralang pangngalan at sa paraang
maikli lamang.

Halimbawa:

Halitosis: Sanhi at Lunas

Tesis: Ang pang- araw- araw na buhay ng isang taong may mabahong hininga o
halitosis ay posibleng maapektuhan dahil sa pangingimi sa kanya ng mga taong
kanyang nilalapitan at kinakausap.

I. Katuturan ng halitosis
II. Uri ng halitosis
A. Transcient bad breath
B. Chronic bad breath
III. Sanhi ng halitosis
A. Pagkaing kinakain
B. Kakulangan sa maayos na pangangalaga sa mga ngipin
C. Tuyong bunganga
D. Sakit na malubha
1. Impeksyon sa baga
2. Sakit sa bato
3. Diabetes
4. Gastroesophageal reflux disease o GERD
E. Kondisyon ng bunganga, ilong at lalamunan
1. Impeksyon sa sinus
2. Baradong ilong
3. Strep throat, tonsillitis at mononucleusis
F. Paninigarilyo o pananabako
G. Pagdidiyeta nang labis
IV. Lunas o solusyon sa halitosis
A. Pag- iwas sa mga pagkaing nagdudulot ng masamang amoy sa bunganga
B. Wastong pangangalaga sa mga ngipin
C. Madalas na pagmumumog ng bunganga
D. Regular na pagbisita sa dentist
E. Pagkonsulta sa espesyalista

2. Pangungusap na balangkas. Ang paksa ay inilalahad sa buong pangungusap. Dahil


buo ang diwa ng isang pangungusap kung kayat higit na maraming impormasyong
makukuha rito.

Halimbawa:

Mga Payong Pangkaligtasan sa Panahon ng Bagyo at Baha

I. Mahalaga ang buhay ng tao kayat dapat na mag- ingat lalo na sa panahon ng
bagyo.
A. Maging mahinahon sa lahat ng oras.
B. Makinig sa radio o manood ng telebisyon para sa mga babala.
C. Iwasan ang paglabas ng bahay o pamamasyal sa ilog, dalampasigan o
baybaying dagat.
D. Tanggalin sa mga saksakan ang mga dekoryenteng kasangkapan.

II. Maiiwasan ang pagkakasakit kung iiwasan ang baha.


A. Sa paglikas o pag- alis mula sa baha ay mag- ingat sa mga bukas na kanal.
21

B. Iwasan ang paglusong sa baha dahil ito’y maraming dalang sakit.


C. Gumamit ng bota.
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

D. Ang bahagi ng katawang nabasa ay hugasan ng malinis na tubig at sabunin ng


germinal soap.
E. Pahiran ng alcohol
F. Ang mga bukas na sugat ay pahiran ng antiseptiko o antibayotiko.

3. Patalatang Balangkas. Sa uring ito ay may pinakabuod na pangungusap na nagsasaad


ng diwa ng sinusulat. Walang paghahati- hating nagaganap sa uring ito.

Halimbawa:

I. Nagkakaroon ng pagpapakahulugan ang salitang “íntelektwalisasyon” sa isip ng


mga taong may iba’t ibang oryentasyon, karanasan at paniniwala tungkol sa
kahulugan ng wika sa isang bansa.

A. Ayon sa isang iskolar ng wika, ang íntelektwalisasyon” ay may hated na


konotasyong naglalagay sa ating wikang pambansa na mababa at hamak na
kalagayan at naglalagay naman sa mataas na kalagayan ang Ingles.

B. Nadarama ng ilang maka- wika na naikakapit ang “intelektwalisasyon”


bilang galamay ng imperyalismo, ang patuloy na pananakop at pang- aapi sa
mga Pilipino sa pamamagitan ng wika.

II. May isang pangkat ng mga tagapagtaguyod ng wika ang nagsasabing hindi na
kailangan ng Filipino ang “intelekwalisasyon” sapagkat ito’y intelektwalisado na.
A. Ayon sa kanila, ang mga nagsasabi na hindi pa “intelektwalisado” ang
Filipino ay yaong hindi nakapagsasalita ng Filipino nang maayos.
B. Ang wika, ayon pa sa kanila ang dapat sisihin sa kanilang kawalan ng
kakayahan sa pagsasalita.

Jocson, M.O., Villafuerte, P.V. & Alcaraz, C.V. (2005). Filipino 2 Pagbasa at pagsulat
tungo sa pananaliksik. Quezon City: Adriana Printing Co., Inc.
Ulit, P. G. (2008). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik (Filipino 2). Manila:
Grandbook Publishing, Inc.

4.1.3.5 Pangangalap ng Datos

Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagkuha ng Tala:

1. Gumamit ng indeks kard


2. Kailangang isang ideya lang ang isusulat sa bawat kard
3. Maging maingat sa pagbubuod sa sinasabi ng awtor. Kailangang hindi mawala
ang tunay na kahulugan.
- isaalang- alang ang awtor at petsa ng pagkalimbag.
- pag-isipan kung ano ang pamagat ng notkard, isulat ang apelyido ng awtor sa
ibaba, pamagat at bilang ng pahina.

Mga Hanguan ng Impormasyon at Datos (Mosura, et.al)

1. Hanguang Primarya (Primary Sources)


a. Mga indibidwal o awtoridad
b. Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, union,
fraternity, katutubo, o mga minorya, bisnes, samahan, simbahan at
gobyerno.
c. Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang
legal at ekonomik at iba pa, at
d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-
kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa
21

korte, sulat, jornal at talaarawan o dayari.


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

2. Hanguang Sekundarya (Secondary Sources)


a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, taunang aklat o
yearbook, almanac at atlas
b. Mga nalathalang artikulo sa jornal, magasin, pahayagan at newsletter
c. Mga tisis, disertasyon at pag- aaral ng fisibiliti, nailathala man ang mga
ito o hindi; at
d. Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

3. Hanguang Elektroniko
 mas kilala sa tawag na internet.
 isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o
datos.

Mga Klase/ Anyo ng Tala

1. Buod ng tala

Sa buod ng tala tinutukoy ang pinakamahalagang ideya ng isang talata o pahina.

Halimbawa:

(Orihinal)

Dahil nasa tapat lamang ng bahay at mga lutong bahay na ito, kahit sino pwedeng
magluto at magtinda. Bagamat mayroon talagang mga nakilala sa kanilang pagluluto,
kung mapapansin, kahit matagal ng bahagi ng pagkain ng mga tao ang mga lutuing ito,
walang isang malawakang industriyang nabuo para sa mga nabanggit na mga pagkain.
Oo, ginawa itong hanapbuhay ngunit tradisyon din ang pagluluto ng mga ito. Gawain
itong ipinasa’t minana ng mga magluluto sa kanilang pamilya. Ibinebenta ito para sa
isang kaanak. Sa mahabang panahon, ang diwa ng pagbebenta ay di para sa kumpetisyon
at tubo. Kung meron man ito, sekundaryang konsiderasyon na lamang ito. Ang diwa ng
pagbabahagi ang siya pang nagbigay- daan upang paglapitin at pagtagpuin ang mga tao.
Hindi lamang panlaman sikmura ang niluluto’t kinakain ng mga taga- Angono.
Nalalaman din nito ang diwa’t pagpapahalaga sa pamilya, kapwa, pakikipagkapwa- tao at
pagkakaisa na nagpapatibay sa kultura ng bayan. (Paz, Vina P. “Pagkaing Angono:
Pamana ng Panahon at Kalikasan.” Nasa (Es) Kultura ng Bayan: Angono, Rizal nina
Tiamson- Rubin, Ligaya, et. al. 1999, pp 195-204).

F1 Paz, V.
p.204 “Pagkaing Angono”

Pagluluto Bilang Tradisyon

Bagamat hanapbuhay, ang pagluluto ng pagkaing Angono ay isa ring tradisyong


ipinasa’t minana sa pamilya. Sekundarya lamang ang kumpetisyon at tubo. Ang
diwa ng pagbabahagi, pagpapahalaga sa pamilya, kapwa, pakikipagkapwa at
pagkakaisa na nagpapatibay sa kultura ang mas nangingibabaw sa tradisyong ito.
21

2. Lagom (Presi)
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

Ito ang pinakakatas o buod ng isang talata o artikulo. Pinapanatili dito ang
orihinal na ayos ng ideya. Mainam ding gamitin ang orihinal na susing salita ng awtor
hangga’t maaari. Pero pwede ring gumamit ng sariling salita na hindi gaanong lalayo sa
orihinal na teksto. Ang haba ng presi ay humigit- kumulang sa 1/3 ng orihinal. Narito ang
isang halimbawa:

F1 Paz, V.
p.204 “Pagkaing Angono”

Pagluluto Bilang Tradisyon

Ang pagluluto ng pagkaing Angono ay isang hanapbuhay ngunit isa ring


pamanang tradisyon kung saan higit na nangingibabaw ang mga diwang
nagpapatibay sa kanilang kultura.

3. Hawig (Paraphrase)

Pinapanatili rito ang buong orihinal na kaisipan ng tala. Ginagamit ito ng


mananaliksik pero batay ito sa hinihingi ng orihinal. Halimbawa:

F1 Paz, V.
p.204 “Pagkaing Angono”

Pagluluto Bilang Tradisyon

Ang pagluluto ay hindi lamang isang pinagkakaitan ng mga taga- Angono. Isa rin
itong mahalagang elementong pangkultura na ipinamana sa mga nagdaang
henerasyon. Ang mga diwang nangingibabaw at pinahahalagahan sa tradisyon ang
higit na nagpapalabas at nagpapatibay sa malakas at matibay nang kultura ng mga
taga- Angono.
4. Direktang Sipi

Tiyakan na hindi sobra ang haba ng sisipiin na halos buong parte na ng papel ay
galing sa ideya ng iba. Lagyan ng panipi (“ ”) ang mga tala para makilala bilang
direktang sipi. Halimbawa:

A3 Zafra, G.
p.4 Balagtasan

Pagsasapopular ng Balagtasan

“Hindi nakapagtataka na ang balagtasan, bagaman anyong pabigkas, ay


makararating din sa mga magasin at pahayagan. Marami sa mga mambabalagtas
ay mga makatang nagsusulat din sa iba’t ibang publikasyon at may kani- kaniyang
kolum.”

Lagyan ng markang elipsis (…) ang sipi kung may bahagi na sisipiin pero nasa
gitna ng talata. Mapapansin ito sa halimbawa sa ibaba.

B4 Fairclough, Norman
p.4 Media Discourse

Media Language

“In the discourse perspective on media language, the analysis of texts is not
treated in isolation from the analysis of discourse practices and socio- cultural
21

practices… between the texts that are in focus and other dimensions of the
framework.”
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

O kaya nama’y sa hindi na tinapos na talata o pangungusap.

C5 Escobar, IA
p.3 “The Challenge of Peace”

Struggle for Muslim Autonomy

“As it is with them, the last 28 years of struggle for Muslim autonomy have
ravaged Mindanao and its people, and no one could say how and when it would
end…”
Maging sa pangungusap na hindi siniping buo sa simula at gitna:

D6 Garcellano, E.
p.23 “Reading the Masses”

Philippine Crisis

“…this country is a territory virtually written off the international psyche, and
whatever passes for its existence is…” the actuality of our geography.

Mga dapat isaalang- alang sa pagsisipi:

 Kailangang lagyan ng dobleng panandang panipi ang buong sipi kung di


lumalampas ng tatlong (3) linya na kasama ito sa buong talata.

 Kapag ang sipi ay higit sa tatlong (3) linya, kailangang ibukod ito sa
talata. Nakamakinilya sa isahang espasyo at may indensyong pitong (7)
espasyo sa kaliwa at apat (4) sa kanan (batay sa dati nang indensyon).
Ang pagsisimula ng talata ay mayroon ding apat na dimensyon.

 Kung may bahaging kakaltasin sa sipi, ipaalam sa pamamagitan ng


elipsis (…) at kung sa dakong huli ay idagdag ang tuldok sa elipsis kaya
nagiging apat na tuldok (….)

 Ang isang sipi sa loob ng sipi ay nangangailangan ng isang panipi (‘’).

Dito, sinisipi ang bahagi ng teksto na sipi rin mula sa ibang teksto.
Kung ganito ang siniping bahagi ng sipi ay ipinapaloob sa isang panipi
(‘’) lang. Narito ang isang ilustrasyon.

E1 Tiamson, E.
p.163 “Ang Fiesta sa Angono”

Fiesta Bilang Kulturang- bayan sa Angono

“…Sa isang sama- samang pagpapatibay ng pagiging malapit ng kanilang


damdamin sa ‘sansinukob’ (ang lupa at ang lawa), at ng magandang karanasang
21

magmumula sa gayong pagiging malapit, nakabuo ang mga taga- Angono ng isang
kulturang- bayan na tinatampukan ng isang maringal na pagdiriwang ng
kapistahan ng paborito nilang tagapamagitan sa Maykapal.
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 Kapag may isisingit na pagbabago, pagwawasto o anumang paliwanag,


ilagay ito sa loob ng braket.

 Kung may mapunang pagkakamali sa baybay, salita, grammar o


kaisipan, ipaalam sa pamamagitan ng salitang [sic] (walang tuldok at
ipaalam sa dalawang braket).

 Kapag ang panghuling panipi at iba pang pananda ay magsasama, ang


sumusunod na tuntunin ang dapat sundin:

a. Lahat ng tuldok at kuwit ay dapat nasa loob ng panipi.


b. Lahat ng tutuldok at tuldukuwit ay ilagay sa labas ng panipi.
c. Ang tandang pananong at padamdam ay depende sa
pagkakagamit. Kung bahagi ng sipi, ilagay sa loob ng panipi;
kung hindi bahagi, ilagay sa labas ng panipi.

5. Salin/ Sariling Salin

 ang pagsasalin ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa isa pang
wika.
 mahalagang mabigyan ng masusing pansin ang ilang bagay ukol sa pagsasalin
dahil makatutulong na ang mga siniping tala ay maisalin.

Konsiderasyon sa Pagsasalin:

a. Alamin ang konteksto ng bahaging isasalin.


Halimbawa:

Orihinal: He was given a blanket by the old man.


Salin: Binigyan siya ng kumot ng matandang lalaki.

b. Tiyakin ang kahulugan ng mga idyoma at matalinghagang pahayag.


Halimbawa:

Orihinal: On the other hand


Salin: sa kabilang dako, sa kabilang banda, gayunman

c. Iwasang maging literal.


Halimbawa:

Orihinal: It’s raining cats and dogs.


Salin: malakas ang buhos ng ulan (hindi umuulan ng pusa’t aso)

d. Huwag ng isalin ang mga salitang teknikal at siyentipiko kung walang


angkop, tiyak, tama at tapat na katumbas nito.

SARVEY KWESTYONEYR

Sarvey

 isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga datos o impormasyon sa isang


21

deskriptibong pananaliksik.
 madalas itong gamitin sa pagsusuri ng kalagayan ng lipunan, pulitika, at edukasyon.
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 gamitin ito sa pagkuha ng preferensya, pananaw, opinyon, damdamin, paniniwala ng


isang partikular na sampol ng mga respondente na kumakatawan sa kabuuang populasyon
ng isang pangkat.
 maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga respondente ng mga
inihandang kwestyoneyr o di kaya’y sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o personal
na pakikipag- usap sa mga taong kaugnay sa nasabing pananaliksik.

Kwestyoneyr (Talatanungan)

 listahan ng mga planado at pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa.


 naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondente (Good, 1963).
 isang set ng mga tanong na kapag nasagutan nang maayos ng kailangang bilang ng
piniling respondente ay magbibigay ng mga impormasyong kailangan upang makumpleto
ang isang pananaliksik (Calderon at Gonzales, 1993).
 pinakamabisa at pinakamadaling instrumento ng sarvey.

Mga Adventahe ng Kwestyoneyr

1. Ang kwestyoneyr ay madaling gawin.


2. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos.
3. Ang mga sagot ng mga respondente ay madaling itabyuleyt.
4. Ang mga sagot ng mga respondente ay malaya.
5. Maaaring magbigay ng mga kunfidensyal na impormasyon ang mga respondente.
6. Maaaring sagutan ng mga respondente ang kwestyoneyr sa oras na gusto nila.
7. Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondente.

Mga Disadventahe ng Kwestyoneyr

1. Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat o mga ilitereyt.
2. Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang respondente ang
kwestyoneyr. Mangangailangan pa ito ng pagpapaalala o follow- up ng mananaliksik.
3. Maaaring magbigay ng mga maling impormasyon ang respondente, sinasadya man o
hindi.
4. Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem sa kwestyoneyr.
5. Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang ilang katanungan sa kwestyoneyr.
6. Maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliang- sagot ng mga respondente at ang
kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian.

Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr

1. Simulan ito sa isang talataang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng pagsasarvey,


kahalagahan ng matapat at akyureyt na sagot ng mga respondente, takdang- araw na
inaasahang maibabalik sa mananaliksik ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng
anonimiti, pagpapasalamat at iba pang makatutulong sa paghikayat sa respondente ng
kooperasyon.
2. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
3. Tiyaking tama ang grammar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.
4. Iwasan ang may- pagkiling na katanungan.
5. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
6. Tiyaking nauugnay ang lahat ng mga tanong sa paksa ng pananaliksik.
7. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunud- sunod.
8. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kunfidensyal na sagot o mga
nakahihiyang impormasyon.
9. Ipaliwanag at bigyang- halimbawa ang mga mahihirap na tanong.
10. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing ilagay
iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian.
11. Panatilihing anonimus ang mga respondente.
21

6. Pagpapahalaga sa mga nakalap na materyales


FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

Gabay:

1. Isaalang- alang ang kadalubhasaan ng awtor


2. Petsa ng pagkakalimbag ng aklat
3. Uri ng magasin o babasahin
4. Mahalaga ang totoong tala kaysa sa mga pangyayari at opinyon
5. May pangunahin at sekundaryang sanggunian;
Pangunahing sanggunian:
a. liham
b. talaarawan
c. talumpati
d. sariling talambuhay
e. panayam

Sekundaryang sanggunian:
a. nalimbag na mga kathang bunga ng mga pangunahing mapagkukunan.
6. Higit na mahalaga ang orihinal na artikulo kaysa sa mga halaw.

Pagsasaayos ng mga nakalap na tala:

1. basahing isa- isa ang mga note card


2. ayusin ang mga note card batay sa kabuluhan at pagsama- samahin ang magkakaugnay na
tala, gumawa ng sariling pagbubukod sa mga talang hindi maisama sa anumang tala,
isaayos na rin ang mga tala ayon sa kung alin ang magagamit sa introduksyon, sa
katawan at sa kongklusyon.
3. alamin kung sapat na ang mga impormasyong nakalap o nangangailangan pa ng
karagdagang pananaliksik.
4. buuin ang pangunahing ideya at pagsasaayos ng mga note card.

7. Pagsulat ng pagwakas na balangkas

- karaniwang ginagamit ang balangkas na pangungusap


- sa tulong nito’y mayroon nang direksyon para sa pagbuo ng burador o rough draft
- tandaan:
 Iwasan ang paggamit ng “simula”, “katawan”, “kongklusyon” bilang heading
 Tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin at pansuportang ideya
 Gumamit ng parall na konstruksyon ng mga ideya
 Gumamit ng konsistent na anyo ng balangkas

8. Pagsulat ng burador

Ang burador ay:

 Tentatibong kabuuan ng papel


 Nabubuo sa pagsasama- sama at pag- uugnay- ugnay ng mga talang nakalap.
 Ibinabatay sa pinal na balangkas
 Sinusulat ng mabilisan upang tuluy-tuloy ang daloy ng mga ideya.
 Pinapasukan na rin ng mga komentaryo, pagpapaliwanag, interpretasyon ng datos at
kabatiran tungkol sa mga datos o tala.

Mga materyales na kailangan para sa nilalaman ng burador.


21

 Pinal na balangkas
 Mga note card
FIL 02: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis)
AY 2019-2020 Second Semester

 Sangguniang ginamit sa pagbubuo ng mga note card (pansamantalang bibliograpi)

Pangkalahatang gabay sa pagsulat ng burador:

 Pag-aralang mabuti ang nabuong balangkas


 Importante ang tuluy- tuloy na pagsusulat
 Higit na pagtuunan ang lohika at linaw ng pagpapahayag ng mga ideya
 Alalahanin lagi ang pangunahing ideya ng papel
 Mahalagang markahan agad ang hiram na ideya

9. Pagrerebisa sa burador

Isaalang- alang ang sumusunod:

1. Ang nilalaman

- kaisahan, may pagkakaugnay- uganay, kalinawan

2. Paraan ng pagkakasulat

- nakakatawag- pansin ba ang panimula? Naipapakita ba ang paksa, may


pagkakaugnay ba? May angkop na bantas ba? May tamang baybay kaya?

3. Ang dokumentasyon

- ang matapat na pagsulat na magbigay- galang ang manunulat sa pinagkunang


akda sa pamamagitan ng pagbanggit dito sa kanyang sinulat.

Mga Sanggunian:

Bernales, R. A. et al. (2007). Batayan at sanayang aklat sa pananaliksik at pagsulat ng


pamanahong- papel sa Filipino. Manila: Mutya Publishing House.

Jocson, M. O., & Alcaraz, C. V. (2005). Filipino 2. Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.
Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc.

Martinez, M. C., Villanueva, E. L., Lim, C. G. S., Dela Cruz, R. M., Doria, E. S. & Lopez, M. E.
S. (2019). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Plaridel, Bulacan: St. Andrew Publishing
House.

Ulit, P. G. (2008). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik (Filipino 2). Manila: Grandwater
Publications.
21

You might also like