Fil 111 Takdang Aralin Prelim

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MOLINA REYJENIE D.

AUGUST 24 2021

FIL 111 10:00-11:00 MWF

TAKDANG ARALIN:

1. Magsaliksik tungkol sa wika iba't ibang kahulugan

- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at
mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

- Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng
karanasan ng tao sa tiyakna lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika
makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

- Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay


biyayang galing saDiyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at
nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa
pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

- Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at


isinasaayos sa paraangarbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry
Gleason).

- Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang
wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito paramagkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela
Constantino at Galileo Zafra)

- Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt naanyo ng simbolikong gawaing pantao.


(Archibald Hill,What islanguage)

- Ang wika ay isang masistemang balangkas ngsinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa


paraangarbitraryoupang magamit ng mga taong kabilang saisang kultura. (Henry Gleason)
- Ayon sa pagpapahayag niConstantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo
ngpagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan.

- Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang


nagpapakilos satao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating
kinabibilangan.

- Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII Bilang 1-
2 journalng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng
larangan ang wika.

- Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan
ng lipunanglumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing
lumikha nito. Ito raw aysalamin ng lahi at kanyang katauhan.

- Sa depinisyon ni GleasonAng wika ay masistemang balangkas. Lahatng wika ay nakabatay sa


tunog nakung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na
ponolohiya.

2. Saliksikin ang kahulugan ng panitikan

- Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na
sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

- Ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Kabilang na dito ang mga libro,
nobela, tula at iba pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan. Ang kahulugan ng
panitikan ay ang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao.
- Ang Panitikan ay “bungang isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha
na tumutulong sa wastongikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa.

- Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ngsangkatauhan na nasusulat sa


masinining at makahulugang mga pahayag. (Rufino Alejandro at Julian Pineda)

- Isinaad ni W.J Long na ang panitikan ay nasusulat ng mga tala ng “pinakamabuting kaisipan
at damdamin ng tao.”

- Para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang
tao ng mga bagay na kaugnay ngnapupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang
daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan.

- Batay naman sa Webster Dictionary ito ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo mang
patula/tuluyan sa isang particular na panahon.

- Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay isang paraan ng
pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa
ang kaisipan at damdamin ng manunulat.

- Ayon naman kay Salazar, ito ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring
magpalaya ng isang ideya nagpupumiglas makawala.

- Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na
kinasasalaminan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang
ginagalawan.

- Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at
kalinangan.
- Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol
sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan
ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.

3. Ano ang ugnayan ng dalawa?

- Ang kaugnayan ng wika sa panitikan ay nagbibigay ito ng mga kaalaman tungkol sa sining at
malikhaing pagsulat. Makakatulong din ang dalawang ito ng lubos sa magaaral at sa mga
guro. Ang wika at panitikan ang nagiging daan sa pakikipag-usap o talastasan. Dahil sa
dalawang ito naipahahayag natin ang ating mga opinyon at kuro-kuro.

- Ang wika rin ang siyang nagppayabong ng panitikan sa anumang panig ng mundo. Ang
panitikan ang sumasalamin sa wika at kultura ng isang bansa.

- Ang wika at panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin sa pag-aaral ng asignaturang Filipino

You might also like