Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Modyul sa Filipino 102 Week

GENSANTOS FOUNDATION, INC.

Modyul sa Filipino 102


Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina
Bb. Angel Gene E. Figura
Week 3

Ang Filipino 102 ay isang asignatura sa antas tersyarya na nagbibigay-fokus sa pagbasa at pagsulat bilang
kasangkapan sa pagkatuto. Layunin nitong ituro ang mga estratehiya sa pagbasa ng iba’t ibang genre ng
mga tekstong nakasulat. Nililinang din dito ang mga kasanayan sa pag-unawa lalo na ang kritikal na pag-
unawa, gayundin ang mga kasanayan sa pagsulat sa iba’t-ibang sulating akademiko. Upang matamo ito,
ginagamit na batayang paksa sa pag-aaral nito ang mga nauukol sa humanidades, agham panlipunan,,
agham, teknolohiya at iba pang mga ispesyaliadong disiplina.

1
Modyul sa Filipino 102 Week
3

Pagpalawak ng Vokabularyo

Nilalaman:
A. Formulasyon ng Salita
B. Panghihiram
C. Paggamit ng Diksyunaryo

2
Modyul sa Filipino 102 Week
3

A. Formulasyon ng Salita
1. Paglalapi – sa pamamagitan ng pagkakabit o pagsasama ng panlapi sa
mga salitang ugat, dumarami ang salitang nabubuo ng tao.
a. Unlapi – ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.
Halimbawa: magbasa, nagsulat, umawit
b. Gitlapi – isinisingit sa unang katinig kasunod nitong patinig.
Halimbawa: bumasa, sinulat, kumanta
c. Hulapi – inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa: basahin, sulatan, kantahan

Iba’t ibang paraan ng paglalapi


1. Pag-uunlapi
2. Paggigitlapi
3. Paghuhulapi
4. Pag-uunlapi at paggigitlapi
5. Pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan
6. Paggitlapi at paghuhulapi
7. Pag-unlapi, paggigitlapi at paghuhulapi o laguhan

2. Pag-uulit – may tatlong paraang maggamit upang makalikha tayo ng mga


salitang pag-uulit hindi lamang ang isa/ilang pantig ng salitang ugat kundi ng
buong salitang-ugat mismo.
Narito ang mga paraan:
a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig lamang ng salitang-ugat ang
inulit.
Hal.: babasa, susulat, await, iisa, dadalawa
b. Ganap na pag-uulit – buong salitang ugat ang inuulit.
Hal.: araw-araw, gabi-gabi, linggu-linggo
c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit
Hal.: tutulog-tulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis

3
Modyul sa Filipino 102 Week
3

3. Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang salitang


pinagtambal para makabuo ng isa lamang salita.
a. Tambalang di-ganap o malatambalan – kung ang kahulugan ng pinagtambal
na salita ay nananatili.
Hal.: tsaang-gubat, bahay-ampunan, silid-aklatan
b. Tambalang ganap – kung ang kahulugan ng pinagtambal na salita ay
nawawala at nagkakaroon ng isang bagong kahulugan ang mga ito.
Hal.: bahag + hari = rainbow
balat + sibuyas = maramdamin/iyakin
hampas + lupa = mahirap

4. Paglikha ng mga salita – sumasaklaw ito sa mga salitang binuo ng mga


dalubwika, grupo ng mga kabataan (e.g. sosyales, kanto boy) at mga bakla.
Hal.: Yosi = sigarilyo
Sipnayan = matematika
Dalubwika = dalubhasa sa wika
Chaka = pangit
Etching = kunwari

B. Panghihiram
1. Baybayin muna sa Kastila ang hiniam na salitang Ingles at saka isalin sa
palabaybayang Filipino (S1)
Hal. Ingles > Kastila > Filipino
Population pupulacion populasyon
Ceremony ceremonia seremonya

2. Baybayin ang hiniram na Ingles sa palabaybayang Filipino nang din a


dumadaan sa palabaybayang Kastila. Angkop ito kung hindi maaari ang unang

4
Modyul sa Filipino 102 Week
3

paraan at walang katutubong salita na maaaring magagamit bilang salin o


katumbas ng salitang Ingles. (E1)
Hal.: Ingles > Filipino
Nurse nars
Scholar iskolar
Chritmas tree krismas tri

3. Panghihiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago sa baybay.


Ginagamit ang paraang ito kung hindi praktikal na gamitin ang una at
pangalawang paraan. Angkop ito sa mga salitang teknikal, salitang pang-
agham at mga pangngalang pantangi. (E2)
Hal.: coke, visa, Nueva Ecija, cell, xylem, cellphone

4. Samantala may mga salitang nagmula sa iba pang wikang dayuhan ang
makabubuti nang hiramin na rin nang walang pagbabago. (F)
Hal.: Videoke (Nihonggo)
Tsunami (Nihonggo)
Bon voyage (Pranses)
Papier mache (Pranses)
Modus operandi (Latin)
Aquarium (Latin)
Mahjong (Intsik)

C. Paggamit ng Diksyunaryo
A. Ispeling o baybay
B. Silabikasyon o pagpapantig
C. Aksentwasyon o diin
D. Kapitalisasyon
E. Wastong bigkas (Pronounciation)
F. Bahagi ng Pananalita

5
Modyul sa Filipino 102 Week
3

G. Erimolohiya (Pinanggalingan)
H. Definisyon o Kahulugan
I. Sinonim at antonym
J. Mga dayuhang salita at parirala
K. Mitolohikal o kilalang mga tao
L. Ilustrasyon at iba pang materyal

You might also like