Buhay, Kulay, at Bahaghari

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Minsan mo na bang naisip kung bakit minsan ang ating mga plano ay hindi natutupad

ayon sa ating kagustuhan. Minsan napagtatanto natin na kalimitan sa ating mga plano
ay nawawala o nagiging mali. May mas magandang plano ang Diyos para sa atin na
minsan hindi natin inaakala. Lagi tayong magtiwala sa proseso sapagkat lahat ng bagay
ay matagal ng nakaplano. Hayaan natin na umayon tayo sa proseso. Proseso na
magbibigay sa atin ng paliwanag sa mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari.
Bigyan natin ng mas magandang importansiya ang mas mahahalagang mga bagay.
Lahat ng bgaay sa ating paligid ay may mga dahilan. Ang buhay ay isang malaking
gulong, minsan tayo ay nasa itaas minsan nasa ibaba. Bigyang panahon ang mas
mahahalagang mga bagay. Hindi ganun kadali ang ating mga inaakala, may proseso
itong kailangang pagdaanan. Ang ulan ang siyang elemento na maghuhugas ng
maruming nakaraan na meron ka. Ito ang magsisilbing paraan upang hubarin mo ang
mapait mong nakaraan at magsimula muli sa paghakbang patungo sa inaasam mong
buhay. Mahirap ang magpakatotoo at ito’y masakit. Ngunit ito ang magsiislbing tulay
upang magpatuloy . Kalimitan sa atin ay mahilig sa mga bagong bagay, ngunit kahit
kailan hinding hindi mo matatakasan ang nakaraan na nagkatali sa iyo. May mga bagay
na hindi natin nagagawang takbuhan sapagkat ito ay patuloy na babalik sa iyo at
magbibigay dahilan upang hindi ka makausad. Huwag mong gawing dahilan ang mga
bagay na ito upang tumugil at mapagod. Lagi mong tatandaan na maari kang mapagod
at magpahinga muna ngunit hindi mo pwedeng itaas ang puting bandana at sumuko.
Sapagkat wala sa bokabularyo ng mga matatatag ang salitang pagsuko. Ang mga bagay
na ito ang magsisilbing paraan upang mas patatagin ka ng panahon. Oras na para
ayusin ang mga bagay na pilit nating tinatakasan. Sapagkat sa huli hindi mo pwedeng
baliwalain ang mga bagay sa iyong nakaraan. Ako at ikaw ay halimbawa ng katatagan,
kasipagan at malasakit. Malasakit na siyang kailangang bigyang pansin upang sa ganun
ay masubaybayan ang mga panahon na kailangan mong aysuin ang iyong sraili.

You might also like