Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
DIVISION OF PAMPANGA
ARAYAT WEST DISTRICT
SAN ANTONIO ELEMENTARY SCHOOL
Arayat, Pampanga

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

I. Layunin
a. Nabibigyang-kahulugan ang salitang pamilya
b. Nakikilala ang mga kasapi ng pamilya
c. Nababatid ang halaga ng bawat miyembro ng pamilya

II. Paksang-Aralin
A. Paksa
 Ang Bumubuo sa Pamilya

B. Sanggunian
 Araling Panlipunan Curriculum Guide p. 7
 Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral p.68-73

C. Kagamitan
 Powerpoint Presentation
 Larawan ng Pamilya
 Carton
 Pandikit
 Popsicle stick
 Gunting

D. Integrasyong ng aralin sa Art at Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
1. Balitaan: (Mga napapanahong balita)

2. Pagsasanay: Kaya Mo ba ito?


Ipinagmamalaki ang taglay na katangian.
Nag-eensayo para umunlad.
Iginagalang ang pisikal na katangian ng iba.
Nagagamit ang kasanayan sa sining.
Natutukoy ang mga bagay na gusto.
3. Pagtsetsek ng Kasunduan
Pagdadala ng larawan ng sariling pamilya at mga kagamitan sa paggawa ng stick puppet.

4. Pagganyak
Awit Himig:
Where’s Thumbkin?
Nasaan si tatay? (2x)
Heto ako. (2x)
Kamusta ka na? (2x)
Mabuti.(2x)

b. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya
Itanong:
Ano ang pamilya?
Sinu-sino ang mga kasapi ng pamilya?

2. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng isang mag-anak na Pilipino. Ipakilala ang bawat kasapi ng mag-anak.
Iparinig ang tula sa mga bata. Tapos ipabigkas din sa kanila pagkatapos bigkasin ng guro.
Ing Kakung Pamilya
Ing kakung pamliya lagi yang masaya.
Tune ke masuelu di ating ampong koya.
Kaluguran dakengan di tatang ampong inang.
Ing kekong pamilya antini ya naman?

King obrang marakal, katawan mapagal.


Ing saup nang tatang lagi yang makaabang.
Problema nang ating, paralan atin ngan.
Ing saup nang inang makayantabe mu naman.

3. Pagtalakay:
Ano ang pangalan ng iyong tatay / nanay? Ate? kuya?, at bunsong kapatid?
Gamitin ang larawan ng sariling mag-anak sa pagpapakilala ng mga kasapi nito.

4. Gawain:
Sabihin: Ngayon ay gagawa tayo ng stick puppet ng isang mag-anak.
Narito ang mga hakbang na ating susundin sa ating paggawa:
a. Kulayan ng tamang kulay ang larawan ng ama, ina, kuya, ate, at bunso na ibibigay ng guro.
b. Matapos itong kulayan ay gupitin ang bawat larawan.
c. Idikit ito sa matigas na carton.
d. Matapos idikit sa matigas na karton, muli itong gupitin.
e. Pagkatapos gupitin ay idikit sa likod ng larawan ang isang popsicle stick sa tulong ng scotch tape.
f. Lagyan ng popsicle stick ang lahat ng larawan.

5. Paglalahat:
Sinu-sino ang bumubuo sa mag-anak? Mahalaga ba ang mga miyembro ng inyong pamilya?

Tandaan:
Ang mag-anak ay binubuo ng tatay, nanay, ate, kuya, at bunso. Bawat miyembro ng pamilya ay
mahalaga.

IV. Pagtataya:
Pitugma ing letratu keng miyembru ning pamilya.
Hanay A Hanay B

ate

bunsu

inang

tatang

koya

V. Kasunduan
Gumawa ng inyong family tree sa bondpaper.

Inihanda ni:

Jemima Joy S. Antonio


Teacher I

You might also like