Panalangin Sa de Lamerced

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN NG MAHAL NA BIRHEN

DE LA MERCED

O Mahal na Birhen Ina ng Awa, Reyna ng langit at lupa,


mapagbiyaya sa tanang nangangailangan, isinasamo namin sa Iyo
na ipagkamit Mo sa amin sa pamamagitan ng Iyong mahal na
Anak ang grasyang ninanasa namin. Patibayin ang lahat na mga
binyagan, bigyan ng biyaya ang lahat ng mamamayan, at tunay na
kapayapaan ang aming sambayanan.

Bilang isang parokya, kami ay dumudulog sa Iyo na


yayamang nanaog ka sa lupa mula sa langit at iyong ipinahayag na
Ikaw nga ang ina ng biyaya't kaawaan, ay dinggin mo nga itong
iyong mga abang lingkod, sapagkat Ikaw nga ang gabay ng mga
nagsisising makasalanan. Mahal naming Ina, kami ay iyong
turuan, patnubayan at ampunin upang matutong maglingkod sa
Iyo, at makamtan ang aming mga hinihingi at ninanasa kung
siyang iibigin ng Iyong mahal na anak na si Hesus, at nararapat sa
aming kaluluwa.

Nuestra Senora de la Merced,


Ipanalangin mo kami...

You might also like