Sa panahon ng Enero, maraming mga Kristiyano ang nag-iisip tungkol sa
kanilang mga espiritwal na buhay at gumagawa ng mga resolusyon na
basahin ng matapat ang Salita ng Diyos bawat araw. Ang ilan sa paraan ng pagbabasa na iyan ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbabasa ng "buong Biblia" sa pamamagitan ng sistematikong plano na basahin ito. Nagbibigay ito sa mambabasa ng malawak na pagtingin sa mensahe ng Biblia. Ang pinakasimpleng paraan upang basahin ang Biblia sa isang taon ay ang pagbabasa ng dalawang kabanata mula sa Lumang Tipan at isang kabanata mula sa Bagong Tipan bawat araw. Sa pagtatapos ng taon, nabasa mo na ang lahat ng animnapu't anim na aklat. Ang isa pang paraan ng pagbabasa ng Bibliya ay "paunti-unti" sa pamamagitan ng paggamit ng isang debosyonal na buklet o tablet app tulad ng Our Daily Bread. Ang maikling plano na ito ay nagbibigay sa atin ng isang napapamahalaang, pang-araw-araw na pagkain ng Salita ng Dios. Parehong mabuti at balanse ang mga plano sa pagbabasa na ito. Binibigyan tayo nito ng araw-araw na pahayag mula sa Biblia, ang Banal na Salita ng Diyos.
Ang resolusyon na hindi natin madalas marinig ay ang plano sa Bagong
Taon na basahin ang Biblia ... nang malakas! Oo! Mayroong kahanga- hangang kahalagahan ang tinatawag na pagbabasa ng malakas ng Biblia. Naranasan ko ito nang personal at nang sama-sama sa loob ng ilang taon na. Sa pribado, nasanay na ako ng pagbabasa ng malakas ng aking lingguhang mensahe at mga aralin sa Sunday School. Sa una, nahihiya ako na marinig ng iba na nagbabasa ako ng malakas kaya binabasa ko ang mga piling teksto para sa linggo sa tahimik na tono at pabulong upang hindi magtaka at magtanong ang aking pamilya sa bahay o mga miyembro sa iglesia na baka mag-usisa tungkol sa akin na nagsasalita ng malakas na wala namang ibang kasama sa silid. Hindi nagtagal ay nakasanayan ko na ito at hindi na ako nako-conscious sa sarili ko tungkol sa pagbabasa ng malakas.
Nakita ko ang pakinabang sa pagbabasa ng Bibliya gamit ang aking tinig.
Nakakatawa kung paano ko "naririnig" ang isang katotohanan na napalampas ko sa simpleng pagbasa nang tahimik. Nagulat ako sa mga pananaw at saloobin na ito at naisip ko na marahil ako ay naging sobrang pabaya sa pagmamadaling suriin ang teksto. Gayunpaman, sa pagpapatuloy ko ng pagsasanay na ito, nakita ko ang isang bagay na mas malalim pa sa pagsasanay na ito. Ito ay parang ang Diyos ay nagsasalita sa akin sa ibang antas ... naririnig.
Ang totoo, hindi ko sinasabi na ang Diyos ay nagsalita sa akin sa
pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang naririnig na tinig na tulad ng sinabi Niya noong nilikha Niya ang mundo o noong Siya ay nakikipag- usap sa mga propeta noong una. Ngunit, habang binabasa ko ang Bibliya sa aking sarili, naririnig, naririnig Ko Siya na "nagsasalita" sa bagong paraan. Ang mga salitang nabasa ko na dati ay nagkaroon ng buhay na may kahulugan, na dati hindi ko "narinig" sa aking tahimik na pagbabasa. Nakakaginhawa at pakinabang ito sa akin habang nagsisimula akong magsanay ng "naririnig" sa panahon ng aking pribadong pag-aaral.
Sinimulan kong pag-aralan sa online ang paksa ng pagbabasa ng Biblia
nang malakas at natuklasan ko na mayroong napakaraming pagsasaliksik na isinagawa sa paksa ng pagbabasa ng malakas. Kapansin-pansin, na ang Biblia mismo ay nagtuturo sa atin na… "gamitin mo ang panahon mo sa pagbabasa ng Kasulatan sa mga tao, sa pangangaral at pagtuturo." (1 Timoteo 4:13). Si Dr. Brian J. Wright, manunulat at blogger, na isang propesor sa Baptist seminary sa New Orleans, ay sumulat nang malawakan kung paano ginagawa ang pagbabasa ng malakas noon pang unang siglo. Sinabi ni Dr. Wright na si Justin Martyr, isang sinaunang pinuno ng iglesia, ay nagtuturo sa mga mananampalataya sa panahong iyon na makibahagi sa pagbabasa ng malakas ng mga talambuhay ng mga apostol at mga sulat ng mga propeta sa Araw ng Panginoon.
Nagsimula akong magpraktis ng pagbabasa ng malakas sa panahon ng
aking pag-aaral ng Bibliya sa tuwing Miyerkules ng gabi sa aming iglesia ilang taon na ang nakararaan. Ang mga regular na dumalo ay tila nadaliang gawin ang pagsasanay at nasiyahan sila. Sa mga nagdaang buwan, pinangungunahan ko ang aming Auditorium Sunday School Class sa parehong pagsasanay. Hindi lahat ay gustong sumama, ngunit ang mga sumama ay mas malakas na nagsalita nang may awtoridad at respeto mula no’ng sumali sila sa pagbabasa. Kumbinsido ako ngayon na higit pa kaysa sa dati na ang simpleng pakikipag-ugnayan na ito sa pamamagitan ng malakas na pagbabasa ng Salita ay pagpapala ganun din sa mga study groups. Isinasali tayo at binibigyang inspirasyon nito na marinig ang Biblia na binasa natin gamit ang ating sariling tinig.
Ngayong Bagong Taon, mayroon akong plano na ipakilala ang
pagbabasa ng malakas sa isang maliit na pangkat ng mga kaibigan kong kapitbahay na parang nagtuturo lang sa kaibigan. Hinihimok ko kayo na magpasiya na basahin ang Bibliya nang mas malakas at subukang isama ang inyong mga kaibigan sa pagsasanay na ito. Sa tingin ko habang ginagawa nyo ito ay matutuklasan nyo ang mga nakatagong katotohanan at pananaw na hindi nyo pa "naririnig" dati.