“Komunikasyon at pananaiksik ng wika, karugtong ng
kultura ng bansa”
Carl Hernandez Stem c
Personal ang aking nakikitang kahalagahan at
kabuluhan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Ano nga ba ang mangyayari kung ito ay tuluyan ng kalilimutan? Magpapatuloy pa rin naman ang buhay gaya ng dati.
Ang patuloy na pag-alala sa ating wika at kultura ay
ang pagpapanatili ng ating pagkatao na tila nga nalilimutan na sa panahon ng globalisasyon. Para sa akin, hindi madaling bitawan ang sariling kultura na tunay namang maganda at kakaiba maging dito sa Asya. Bagama’t hindi perpekto, nararapat nating ikarangal ang ating kultura at wika upang hindi mawala ang ating lugar sa Mundo. Mahalaga ito upang makabawas sa laganap na colonial mentality. Ang pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ay mahalaga upang maunawaan Ang kasaysayan at pagbabago nito.Marami Ang nakimpluwensya sa wika at kulturang Pilipino dahil sa pagsakop sa ating Bansa sa matagal na panahon.Tayo ay may mga nahiram na salita at kultura sa mga Kastila,Americano,Hapon, at patuloy itong nagbabago hanggang sa panahon ng rebolusyon at pagsasarili.Maging hanggang sa kasalukuyan,patuloy na nagbabago Ang wika.