Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bakit ganito ang mundong ibabaw

Ang dating sigla ay biglang napukaw

Dahil sa prinsipyo iyong pinagtibay

Gagawin ang lahat upang magtagumpay

Digmaan nga ba ang daan

Upang makamit ang pinaglalaban


Mga bansa walang pakialam

Mga militar ay naglaban laban

Putukan dito, putukan doon

Mamamayan di alam kung saan tutungo

Mga terorista walang sinasanto

Gusali’t bahay pinapasabog

Nagdurusa ang taong bayan

Dahilssa isang digmaan

Marami ang nagutom, nagkasakit at namatayan

Di man lang inisip kung ano itong kinahinatnan

Inosenteng sibilyan ay kawawa

Di malaman kung paano magsisimula

Batid ang lungkot sa kanilang mata

May bukas pa kayang pag-asa

You might also like