Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Kingfisher School of Business and Finance

Mac Arthur Highway, Lucao District, Dagupan City

“Potato Pops”

Isang Pamanahong Papel sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan na iniharap kay

Bb. Via Czarina De Vera


Tagapayo

Biala, Vinz Danzel G.

Calaguin, Jolina Rica C.

Chavez, John Carlo J.

De Vera, Iverson T.

Servito, Wenzel Danica D.

Urbano, Ralph Matthew M.

Mga Mananaliksik

Oktubre 2019
Potato-Pops

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makalikha ng isang produktong

garantisadong masustansya, maging tulay sa pagkamit ng mga bata ng kanilang

malulusog na pangangatawan, at higit sa lahat ay ang swak sa badyet ng mga mamimili.

Marami sa atin ang mahilig sa patatas. Lalo na kapag isinama ito sa nilaga o sa

adobo. Ang patatas ay isang karaniwang halaman na tinatanim sa maraming lugar dahil

sa bungang-ugat nito na maaaring kainin. Itinatanim ito sa matataas na lugar, partikular

sa kabundukan ng Cordillera at Mindanao. Napakaraming benepisyo na pwede nating

makuha mula sa pagkain ng patatas. Una na riyan ang pagpapalakas ng ating resistensya.

May taglay itong Vitamin C na siyang kailangan ng ating katawan upang mapanatili ang

lakas ng ating immune system para labanan ang iba't-ibang uri ng sakit. Ang patatas ay

mayaman din sa iron, phosphorus, calcium at magnesium na ilan sa mga mineral na

nakatutulong upang mapanatiling malusog ang ating mga buto. At higit sa lahat,

mayaman ang patatas sa fiber na nakatutulong upang mabawasan ang cholesterol sa ating

katawan na siyang nagiging dahilan upang mabawasan din ang pagkakaroon ng sakit na

may kinalaman sa puso. [ CITATION War17 \l 13321 ]

Ang Potato-Pops o Potato Lollipop ay isang pagkain na kung saan ito ay

naglalaman ng purong gulay tulad na lamang ng mga spicy vegetable kebab, sweet potato

balls, at macaroni cheese rolls. Ang lollipop na ito ay naglalaman ng patatas, kaunting

asin, paminta, dilaw ng itlog, at kintsay na siyang magbibigay ng aroma sa lollipop. Ang

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

2
Potato-Pops

pinaghalong mga sangkap ay huhubugin sa anyong pabilog, babalutan ng bread crumbs,

at ipiprito gamit ang olive oil/vegetable oil. Ito ay inihahain kasama ng mga toothpicks na

siyang magbibigay anyo bilang lollipop at mangeengganyo sa mga bata na kumain nito.

Ito ay inihahain bilang appetizer o di kaya nama’y meryenda para sa mga bata.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga mamimili

ukol sa produktong Potato-Pops at mabigyang kasagutan ang mga katanungang:

1. Tatanggapin ba ng mga mamimili lalo na ng mga kabilang sa target market ng

pananaliksik na ito, ang produktong Potato Pops?

2. Nakakaapekto ba ang pagkakaroon ng iba’t ibang palaman at sawsawan sa

pagtangkilik ng mga mamimili sa produktong ito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Napili ng mga mananaliksik ang produktong ito sapagkat ayon kay Fernandez

(2017), malaki ang demand sa pinaka-sangkap nito, na ang patatas. Kaya’t kinuha ng mga

mananaliksik ang oportunidad upang makabuo ng ganitong produkto at makapagdulot ng

maraming benepisyo sa mga sumusunod: [CITATION Agr171 \l 13321 ]

Mga Magsasaka. Kakailanganin ang organiko at sariwang patatas sa produkto

kaya’t malaking tulong ito sa mga magsasakang may mga pananim na patatas sapagkat

matutulungan ng mga mananaliksik ang mga ito upang sila ay kumita.

Mga Tagatustos. Sila ang maghahatid sa mga mananaliksik ng mga

kakailanganing sangkap sa paggawa ng produktong ito, kung kaya’t matutulungan silang

kumita.

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

3
Potato-Pops

Mga May-ari ng Negosyong Potato-Pops. Ang mga ito ay matutulungan ng

pananaliksik na ito sapagkat mapagkakakitaan nila ang produktong ito at higit sa lahat ay

makapagbibigay sila ng masusustansyang pagkain para sa mga mamimili.

Mga Mamimili. Ang produktong ito ay gawa sa masusustansyang mga sangkap

kaya’t ito ay makatutulong sa mga mamimili lalo na sa mga magulang na naghahangad

ng malulusog na pangangatawan para sa kanilang mga anak.

Susunod pang Henerasyon. Ang pananaliksik na ito ay pwede nilang balikan

para sa pagpapalawak pa ng pananaliksik ukol dito at para na rin sa pagbibigay nito ng

mga ideya tungkol sa produktong ito.

Saklaw at Limitasyon

Ang produktong Potato-Pops ay maaaring kainin ng bawat isa, bata man o

matanda. Ngunit ang mga mananaliksik ay magbibigay tuon lamang sa mga magulang ng

mga batang may edad labing-isa (11) pababa at mga estudyanteng may edad labing-

dalawa hanggang labing-walo (12-18) sapagkat ang pinaka-layunin nito ay mang-

engganyo ng mga bata at mga estudyante na kumain ng masustansyang pagkain sa

halagang sampung piso kada piraso. Ang pananaliksik na ito ay magtutuon sa isang daan

at limampung (150) respondente sa Tapuac District, Dagupan City, Pangasinan, sapagkat

ayon sa obserbasyon ng mga mananaliksik, ang partikular na lugar na ito sa Dagupan

City ay ang sentro ng mga paaralan tulad ng Dominican School, Mother Goose Special

Schools System, Ednas School, La Sallete School, Carthel Science Educational

Foundation, Dagupan City National High School, at Lyceum-Northwestern University.

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

4
Potato-Pops

SWOT Analysis

 Pabago-bagong presyo  Nabubulok


 A n Kalakasan
Kalamidad g k a l a
Kahinaank a s a
 Pangkalusugang benepisyo
 Tulay upang
Marami ang mapagkukuhanan
magkaroon ng malulusog na
 Presyong
pangangatawan ang mga
swakbata
sa bulsa sa halagang
 Ang mgasampung
taong maasikaso
piso kadasapiraso
kanilang
kalusugan
Oportunidad Banta

mamimili dahil sa ito ay gawa sa mga masusustansyang sangkap tulad ng patatas na siyang

pinaka-sangkap nito, ang patatas ay madalas na nakikita sa palengke at mga taniman lalo na dito

sa Pangasinan kung kaya’t hindi mauubusan ng supply nito kung tumaas man ang demand ng

produkto, at ang presyo ng produktong ito ay abot-kaya at swak sa bulsa sa halagang P10 kada

piraso. Subalit, ang pagkawala ng MSG na siyang responsible sa preserbasyon ng produkto ay

magdudulot ng madaling pagkabulok ng produkto, ang siyang kahinaan ng pananaliksik na ito.

Ang oportunidad naman ng pananaliksik na ito ay maaaring maging paraan upang maengganyo

ang mga bata na kumain ng mga masustansyang pagkain at para na rin sa mga taong lubos na

nangangalaga sa kanilang kalusugan at pangangatawan. Samantala, ang pabago-bagong presyo

ng ibang sangkap na gamit sa produktong ito at ang hindi mahulaang pagdating ng kalamidad

ang mga banta ng pananaliksik na ito.

Porter’s Five Forces Model

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

5
Potato-Pops

Threat of New Entrants (Mababa)

Mababa ang banta ng mga bagong kakompetensya sapagkat ang

produktong ito ay bago pa lamang sa paningin ng iba at hindi pa ito gaanong

kilala. Kung kaya’t mas gugustuhin pa nilang bumili at subukan ang produktong

ito.

Threat of Substitute Products (Mababa)

Mababa ang banta ng mga produktong pwedeng pamalit sa produktong ito

sapagkat hindi tulad ng iba pang mga produkto ng patatas kagaya ng Fries,

Mashed Potato, atbp., ang produktong Potato-Pops ay mas masustansya dahil na

rin sa ito ay hindi gagamitan ng ordinaryong mantika at higit sa lahat “No MSG

added”, ang MSG o Monosodium Glutamate ay isang kemikal na responsible sa

pagpapasarap at pagpreserba ng pagkain. Ngunit habang tumatagal ang pagkain sa

mga ito, naaapektuhan ang ating kalusugan.

Bargaining Power of Buyers (Katamtaman)

Mababa ang kakayahan ng mga mamimili sa pagkontrol ng presyo ng

produktong ito sapagkat hindi na mababago ang presyo nito na sampung piso

kada piraso. Subalit, magkakaroon lamang ng pagtaas o pagbaba ang presyo sa

tuwing ang mga mamimili ay bibili ng maramihan o bultuhan na kung saan

maaaring mabawasan ang presyo kada piraso.

Bargaining Power of Suppliers (Mataas)

Mataas ang pagtustos ng mga suppliers sa mga sangkap ng produktong ito

sapagkat dito sa mga ito kukuha ang mga mananaliksik ng kanilang kakailanganin

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

6
Potato-Pops

para sa produktong Potato Pop. Makakaapekto rin sa presyo ng produkto ang

patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado kung kaya’t kung magtaas man ang

mga tagatustos ng presyo ay maaapektuhan din pati na ang presyo ng Potato

Pops.

Rivalry Among Competitors (Katamtaman)

Katamtaman sapagkat gusto ng mga magulang na maging malusog ang

kanilang mga anak subalit bago pa lamang ang produktong at hindi pa rin

nawawala sa mga tao ang pagtangkilik nila sa mga fastfood chains at food stalls

na nagbebenta ng mga prosesong patatas.

Depinisiyon ng mga Terminolohiya

Mananaliksik. Ito ay ang mga taong nagsasagawa ng isang pananaliksik.

Lollipop. Ito ay isang bilugang kendi sa dulo ng isang stick na siyang nagbibigay

sa mga mamimili lalo na ang mga bata ng engganyo at ligaya sa pagkain nila nito.

Patatas. Ito ay isang karaniwang halaman na tinatanim sa mga taniman sa

maraming lugar dahil sa bungang-ugat nito na maaaring kainin.

Pananaliksik. Ito ay isinasagawa ng mga siyentipiko at maging ng mga

estudyante upang pag-aralan ang iba’t ibang mga paksa.

Potato-Pops. Ito ay isang masustansyang pagkain na gawa sa organikong patatas

at iba pang mga pampalasa na naglalayong magkaroon ng malulusog na

pangangatawan ang mga bata na nasa edad sampu pababa.

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

7
Potato-Pops

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay magiging gabay

ng mga mananaliksik upang makakuha ng mga impormasyon epektibo at maasahan para

sa negosyo ng mga mananaliksik na Potato-Pops.

Dayuhang Pag-aaral

Ayon kay Ware (2017), ang mga patatas ay lumalaki sa ilalim ng lupa at ito ay

mabibili saan mang dako ng mundo na tumatagal ng ilang taon. Ang patatas ay madali

lamang payabungin, mayaman ito sa nutrisyon at pwede itong makalikha ng masasarap

na putahe. Ang patatas ay talaga namang sikat na sikat lalo na sa panahon ngayon dahil

ito ay mababa sa carbohydrates. Gayunpaman, ang patatas ay naglalaman din ng fiber,

vitamins, minerals, at phytochemicals na siyang responsable sa pagiwas sa anumang

sakit. Ang patatas ay maituturing na pinakamalaking pananim ng gulay sa Amerika at

nagsisilbing staple food sa maraming bansa. Ang mga patatas ay may napakaraming

benipisyo para sa ating kalusugan dahil naglalaman ito ng mga minerals tulad ng iron,

phosphorous, calcium, magnesium, at zinc. [ CITATION War17 \l 13321 ]

Ang patatas ay mura at importanteng pananim na makikita sa buong mundo at

may malalaking produksyon, konsumo, at nasa abot kayang presyo. Ang patatas ay

nagbibigay ng pangunahing sustansya tulad na lamang ng carbohydrates, dietary fiber,

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

8
Potato-Pops

and minerals na gaya ng potassium, magnesium, and iron. Sa pagkababad at paglapit ng

ating katawan sa mga hilaw at lutong patatas ay nagbibigay ito ng mga komlikasyon sa

ating balat at nagkakaroon ang ating katawan ng mga allergic reactions. Ito rin ay

maaaring makatulong sa paghadlang ng mga chronic at acute diseases. Gayunpaman, ang

pagpapanatili ng sustansya ng patatas ay naaapektuhan sa pagpoproseso at pagluluto ng

mga ito. Ang pagluto ng patatas sa mataas na temperatura ay nakalilikha ng acrylamide

na pinaghihinalaang nagdudulot ng cancer. [ CITATION Akh14 \l 13321 ]

Ayon kay Mara (n.d.), sa kaniyang artikulo na may pamagat na History of the

Lollipop, ang pinakamatandang tagapagpauna hanggang sa kasalukuyang mga lollipop ay

nagmula sa sinaunang kabihasnan ng Afrika at Asya. Pinaniniwalaan ng arkeologo na

ang sinaunang mga Intsik, Arabo at mga Ehipto ay gumagawa ng kendi mula sa prutas,

mani at ang nagsisilbing preserbatibo nito ay ang pulot o honey, at tinusukan ng stick

upang mas madaling kainin. Sa panahon ng Middle Ages, ang mga maharlika ay

kadalasang kumakain ng pinakuluang asukal sa tulong ng stick o hawakan. Sa ika-17

siglo, bilang mas nagagamit na ang asukal sa Europa, ang mga tao dito'y nawili din sa

pagkain ng pinakuluang asukal na may stick dahil madali itong kainin. [CITATION His19 \l

13321 ]

Sa Amerika naman, ang kasaysayan ng sinaunang lollipop ay hindi gaanong

naging maganda sa paglipas ng panahon. May mga haka-haka na ang mga ito raw ay

naimbento sa panahon ng American Civil War. Naniniwala ang iba na ang ibang bersyon

ng lollipop ay nasa America mula pa noong 1800s. Si George Smith ng New Haven,

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

9
Potato-Pops

Connecticut ang nasabing unang imbentor ng modernong estilo ng lollipop noong 1908.

Ginamit niya ang ideya ng paglalagay ng kendi sa stick upang mas madali makain at ang

lollipop ay malambot, kumpara sa matigas na kendi. [CITATION His19 \l 13321 ]

Sa pagsikat ng mga makabagong teknolohiya sa ika-20 siglo, una nating nakita

ang paglitaw ng lollipop sa anyo nito ngayon. Ang Racine Confectionary Machine

Company ang nagpakilala sa kauna-unahang produksyon ng lollipop gamit ang mga

makina na naglalagay ng matigas na kendi sa dulo ng isang stick sa tinatayang 2,400 na

piraso sa loob ng isang oras. Noong 1912, isang imigranteng roso na si Sammuel Born

ang nag-imbento sa isang makina na nagpapasok ng stick sa kendi, tinawag itong Born

Sucker Machine. Sa sobrang makabago ng imbensyong ito ay kinilala ito ng lungsod ng

San Francisco at naparangalan pa noong 1916. [CITATION His19 \l 13321 ]

Sinabi ng mga dalubhasa sa wika na ang salitang lollipop ay nangangahulugang

tongue slap sa wikang Ingles, at pinaniniwalaan na ginamit ng mga nagbebenta sa

lansangan ng London ang salitang lollipop habang inaalok ang mga ito. Sabi naman ng

iba na maaari ring ang salitang lollipop ay salitang Romany katulad ng pinagmulan ng

tradisyon ng pagtitinda ng toffee apple na nasa stick sa Roma. Ang tawag sa red apple sa

lenggwaheng Romanya ay lolli phaba. Samantalang sa Amerika noong 1931, tinatakan

ito ni George Smith at ipinangalan sa sikat na kabayo pang-karera, si Lolly Pop. Ngayon

ang salitang lollipop ay kilala na ng publiko. [CITATION His19 \l 13321 ]

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

10
Potato-Pops

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral nina Wustman, et. al. (2010) na may pamagat na Final Report

on Philippine Potato Project 2009-2010, ang takbo ng industriya ng puting patatas sa

Pilipinas ay hindi naging makabuluhan kahit na ipinaalam na sa kanila ang katangian ng

pinakamainam na binhi ng patatas at mga mabisang pamamaraan ng pagsasaka nito, kahit

na sinanay ang mga magsasaka at koordinasyon ng mga pangunahing institusyon (viz,

academic, NGOs, Cooperatives, potato liaison centers) na nakikipag-ugnayan sa patatas,

na sa lumipas na mga taon ay namigay ang mga eksperto ng kalakal ng payo ukol sa

kontrol ng sakit at pag-optimize sa ani. [ CITATION Wus10 \l 13321 ]

Noong 2007, Ang Pilipinas ay nag-ani ng umabot sa 110,752 metric tons na

lumaganap sa 4 na lugar dito sa Pilipinas, Cordillera Autonomous Region (85%), Davao

(8.3%), Northern Mindanao (5.7%), at Soccsksargen (0.48%). Sa taon din na ito,

kinailangan ng Pilipinas na maka-angkat ng patatas sa halagang USD 26.3 milyon na

katumbas ng 46,887 MT (30% ng kabuuan ng demand) karamihan sa Canada, USA at

Australia, China, maliban sa ibang mga proseso at serbisyong industriya (viz, fries, chips,

starch, atbp.). (Wustman, et. al., 2010)

Gamit ang suportang teknolohikal na galing sa Netherlands, kayang mabawasan

ng Pilipinas ang pagdepende sa mga imported na produkto. Ang lokal na produksyon ay

may kakayahang magkaloob ng masustansyang pangangailangan at may kakayahang

sanayin ang mga magsasaka ng patatas sa paraang pagtaas ng sahod at upang maging

matatag ito. Ang pagbabawas ng pagdedepende ng Pilipinas sa mga import products ay

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

11
Potato-Pops

tungkulin ng Department of Agriculture na ang siyang nagtakda ng pananaw na

mapakinabangan ang angkop at mabuting teknolohiya pati na rin ang praktikal na

kakayahan na iangat ang industriya. (Wustman, et. al., 2010)

Kung meron mang gusto ang mga Pilipino na karaniwan, ito ay ang takam na

takam na sikmura sa mga pagkain. Ang pagkain ay paborito ng mga Pilipino na

nagbibigay ng lakas, kaginhawaan at komportable ng buhay. Kapag maayos ang nagawa

mong trabaho ay may katumbas na masarap na pagkain at kung merienda ang

paguusapan ay walang makakatalo sa pandesal, spaghetti at hindi matanggihang

matatamis na panghimagas. Ang mga ibang pagkain naman ay may ibang paraan ng

pagluluto tulad ng paghuhurno, pagpapasingaw, minatamis, maalat o ano pa mang

ginamitan ng pagaaral sa kimika. Ngunit may isang bagay na kailangan upang makagawa

ng ibat ibang pagkain, isang puting malapulnos na tinatawag na harina. Mayroong

malaking industriya ng harina dito sa ating bansa. Nung nakaraan ay may mga lumabas

na usap-usapan patungkol sa harina ng taga turkey na ipinakilala sa Philippine market at

nagdulot ng pangamba sa mga pinoy flour manufacturers. Ang proyektong ito ay

patungkol sa pagprosesa ng minatamis na patatas upang maging harina bilang pamalit sa

harina na ginagamit ngayon sa industriya ng pagkain. Ito rin ay inihanda upang buuin ang

proyekto sa Dulag, leyte na kung saan ang mga materyales na kailangan ay mahahanap sa

lugar. [CITATION Abo15 \l 13321 ]

[CITATION Wus10 \l 13321 ]

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

12
Potato-Pops

Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga paraang

ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa lasa at kalidad ng produktong Potato

Pops. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik o Descriptive Survey Research Design, na kung saan ito ay binubuo ng mga

close-ended questions upang makalikom ng opinyon mula sa mga respondente na siyang

magiging datos ng pananaliksik.

Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pananaliksik na ito ay ang mga magulang ng mga

batang nasa edad labing-isa (11) pababa at mga estudyante na may edad labing-dalawa

hanggang labing-walo (12-18) sa Tapuac District, Dagupan City. Gumamit ang mga

mananaliksik ng Simple Random Sampling na kung saan isang daan at limampung (150)

respondente ang kailangang tumugon sa talatanungan upang magkaroon ng pantay at

tiyak representasyon ng mga datos.

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

13
Potato-Pops

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang

instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit para sa pananaliksik na ito. Ang

talatanungan ay binubuo ng profayl ng mga respondente at ang mga talatanungan na kung

saan ang mga mananaliksik ay naghanda ng sampung mga katanungan ukol sa

produktong Potato Pops. Personal na ipamimigay at ipasasagot ng mga mananaliksik ang

mga talatanungang ito sa mga napiling respondante nang sa ganoon ay magkaroon ng

tiyak na datos ang pananaliksik. Narito ang sipi ng talatanungang inihanda ng mga

mananaliksik:

Biala, V.D.G., Calaguin, J.R.C., Chavez, J.C.J., De Vera, I.T., Servito, W.D.D., Urbano, R.M.M

14
Kingfisher School of Business and Finance
Mac Arthur Highway, Lucao District, Dagupan City

Potato Pops
Talatanungan (Survey Form)
Pangalan
(Opsyonal):_________________________________________________ Edad: _____
Kasarian: _______ Baitang (Anak): ______ □ Nanay □ Tatay □ Tagapag-alaga
PANUTO: Lagyan ng tsek (√) ang kahon sa bawat napiling sagot.
1. Kumakain ba ng gulay o prutas ang iyong anak/alaga? □ Oo □ Hindi
2. Kumakain ba ng patatas ang iyong anak/alaga? □ Oo □ Hindi
3. Iranggo sa 10 bilang pinakamataas at 1 bilang pinakamababa kung gaano kagusto ng
iyong anak/alaga ang patatas.
□ 10 □9 □8 □7 □6
□5 □4 □3 □2 □1
4. Gusto mo bang subukang pakainin ng Potato Pops ang iyong anak/alaga?
□ Oo □ Hindi
5. Iranggo sa 10 bilang pinakamataas at 1 bilang pinakamababa, Gaano kasarap ang Potato
Pops?
□ 10 □9 □8 □7 □6
□5 □4 □3 □2 □1
6. Gusto mo bang magkaroon ng iba’t ibang palaman ang Potato Pops?
□ Oo □ Hindi
7. Kung Oo, Anong palaman ang iyong gustong mailagay sa Potato Pops?
□ Tsokolate □ Strawberry □ Keso □ Iba pa: _______________
8. Sa iyong palagay, naging maganda ba ang kombinasyon ng sawsawan at ng Potato
Pops?
□ Oo □ Hindi
9. Kung Hindi, ano pang ibang sawsawan ang nais mong maging sawsawan ng Potato
Pops?
□ Suka □ Sweet Sauce □ Sour Cream
10. Sa iyong palagay, sa magkanong halaga mo kayang bilhin ang isang piraso ng Potato
Pops?
Potato-Pops

□ 3-5 Php □ 6-8 Php □ 9 pataas


MARAMING SALAMAT PO!
Tritment ng Datos

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondante na

tumugon sa talatanungan ay ipinagsama-sama upang maiorganisa ang mga ito nang

naaayon sa kanilang mga tugon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga

katanungang inilahad sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Ang pagkukumpara ng mga

datos ay isasalarawan gamit ang pie chart at bar graph upang mas maayos na mailahad

ang mga resulta. Ang pormulasyong gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa

bawat tanong ay:

Bilang ng Tugon
Porsyento= × 100
Kabuuang bilangng Respondante
Potato-Pops

Pagkain ng Prutas o Gulay


ng mga Mamimili Kabanata IV
6%
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON
Oo
Hind NG MGA DATOS
i

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng


94%
presentasyon, analisis, at interpretasyon ng mga

nakalap na datos mula sa mga kasagutan ng mga

estudyante at magulang sa mga talatanungan na ipinamahagi ng mga mananaliksik sa

kanila.

Ang mga datos ay buong husay na isinuri at isinaayos sa pamamagitan ng mga

talahanayan upang mabigyan ng mas malinaw na interpretasyon ng resulta. Ito ay

nahahati sa apat na bahagi. Unang bahagi ay ang kagustuhan ng mga mamimiling kumain

ng patatas. Ikalawang bahagi naman ay ang kagustuhan ng mga mamimili na subukan

ang produktong Potato Pops. Ikatlong bahagi ay ang kagustuhan ng mga mamimili na

magkaroon ng iba’t ibang palaman at sawsawan ang produktong Potato Pops. Samantala,

ang ika-apat na bahagi naman ay ang pulso ng mga mamimili ukol sa presyo ng

produktong Potato Pops.

Unang Bahagi. Kagustuhan ng mga Mamimiling Kumain ng Patatas

Ang datos sa unang talahanayan ay ang kagustuhan ng mga mamimili na kumain

ng patatas. Isinama ng mga mananaliksik ang patungkol sa mga katanungang ito upang

magkaroon ang mga ito ng ideya at basehan sa kung gaano karami ang tumatangkilik sa
Potato-Pops

prutas at gulay. Lumalabas sa datos na ito na halos lahat ng mga mamimili ay gustong

kumain ng prutas at gulay.

140
Oo= ×100=93 %
150
10
Hindi= ×100=7 %
Ang datos sa150
ikalawa at ikatlong talahanayan ay ang kagustuhan ng mga

mamimili na kumain ng patatas. Isinama ng mga mananaliksik ang patungkol sa mga

katanungang ito upang magkaroon ang mga ito ng ideya at basehan sa kung gaano karami

ang tumatangkilik sa patatas. Lumalabas sa mga datos na ito na halos lahat ng mga

mamimili ay gustong kumain ng patatas.


Potato-Pops

Ikalawang Bahagi. Kagustuhan ng mga


Kagustuhan
Iba'tRanggo
Pagkain
Kagustuhan
Kagustuhanng ng
ibang samga
Lasa
Patatas mamimili
Palaman
ng
ng mga
mgang ng
mga
na magkaroon
ng
Mamimili Potato
Potato Pops
mamimili ang ng
Pops
palaman
na subukan
Pagkainang
ng Mamimiling kumain ng Potato Pops
70 66
ang Potato
Patatas
Potato PopsPops
60 10% 6%
7%
50 56
60 3% Kagustuhan ng
42 Lasa33%
mga Mamimili
ng Potato
50
40 ang
PopsPagkain
Oo ng
Tsokolate
Oo
40 31
36 Patatas
30 29 Hindi
Hind
Strawberry
30 i
Ang datos sa bahaging ito ay ang
20 Keso
20 51%
10
10
10 7 10
54 At iba pa kagustuhan ng mga mamimili na subukang
01 01 01 01 0
10%
00 90% 93%
97%
109 9 8 87 76 65 54 43 32 21 1
10 kumain ng produktong Potato Pops. Isinama ng

mga mananaliksik ang patungkol sa mga katanungang ito upang masagot ang ika-unang

layunin sa pag-aaral na ito na nakasaad sa unang kabanata. Lumalabas sa mga datos na


146
Oo= × 100=97 %
150
ito na sa isang daan at limampung mga respondente (150), isang daan at apatnapu’t anim
4
Hindi=
(146) ang nagustuhan ang produktong ini-alok ng mga ×100=3
mananaliksik, %
ang Potato Pops.
150

Ikatlong Bahagi. Kagustuhan ng mga Mamimili na Magkaroon ng Iba’t Ibang

Palaman at Sawsawan ang Produktong Potato Pops

135 45 69
Oo= ×100=90 % Tsokolate= × 100=33 % Keso= ×100=51 %
150 135 135
15 13 8
Hindi= Strawberry=
×100=10 % ×100=10 %At iba pa= ×100=6 %
150 135 135
Potato-Pops

Ang datos sa ika-anim at ika-pitong


Kagustuhan
Iba't ibangng mga mamimili ng
sawsawan na
magkaroon pa ng ibang sawsawan talahanayan ay ang kagustuhan ng mga
Potato
ang PotatoPops
Pops
9% 8% mamimili na magkaroon ng iba’t ibang palaman

Suka Oo
ang produktong Potato Pops upang mas
Hindi
46% Sweet
Sauce
maengganyo pa ang ibang mamimili na subukan
46%
Sour Cream ang produktong ito. Isinama ng mga
91%
mananaliksik ang patungkol sa katanungang ito

upang masagot ang ikalawang layunin sa pag-aaral na ito na nakasaad sa unang kabanata.

Lumalabas sa mga datos na ito na sa isang daan at limampung mga respondente (150),

isang daan at tatlumpu’t lima (135) ang gustong may palaman ang produktong ito, at sa

isang daan at tatlumpu’t limang may gusto ng may palaman, animnapu’t siyam (69) sa

kanila ang may gusto ng keso na siyang nagresulta sa limampu’t isang bahagdan (51%) at

siyang pinakamataas sa mga ibinigay na ideyang palaman ng mga mananaliksik.

Samantala, ang tatlumpu’t tatlong bahagdan (33%) ang may gusto ng tsokolateng

palaman, sampung bahagdan (10%) ay napunta sa mga may gusto ng strawberry, at anim

na bahagdan (6%) ang nabibilang sa sagot na at iba pa.


Potato-Pops

Pulso ng mga Mamimili sa


Presyo ng Potato Pops
90 1 137 6
80 Suka= × 100=8Oo=
% × 100=91 % Sweet Sauce= ×100=46 %
80 13 150 13
70 Presyong kayang
60 bilhin ng mga 6 13
50 42 Mamimili sa Sour Cream= ×Hindi=
100=46 % ×100=9 %
Potato Pops 13 150
40
30
28 Ang datos sa ika-walo at ika-siyam na
20
10 talahanayan ay ang kagustuhan ng mga
0
Php 3-5 Php 6-8 Php 9
pataas mamimili na magkaroon ng iba’t ibang

sawsawan ang produktong Potato Pops upang

mas maengganyo pa ang ibang mamimili na subukan ang produktong ito. Isinama ng mga

mananaliksik ang patungkol sa mga katanungang ito upang masagot ang ikalawang

layunin sa pag-aaral na ito na nakasaad sa unang kabanata. Lumalabas sa mga datos na

ito na sa isang daan at limampung mga respondente (150), isang daan at tatlumpu’t pito

(137) ang pumiling sapat na ang sawsawan ng produktong ito na siyang nagreresulta sa

siyamnapu’t isang bahagdan (91%) ng datos. Samantala, ang natitirang labing tatlong

(13) pumili ng hindi ay pinapili pa ng mga mananaliksik kung ano pang ibang sawsawan

ang pwedeng maging sawsawan ng Potato Pops. Sa labing tatlong mga ito, lumalabas na

pantay ang bahagdan ng Sour Cream at Sweet Sauce sa apatnapu’t anim na bahagdan

(46%) at ang natitirang walong bahagdan (8%) ang nabibilang sa Suka.

Ika-apat na bahagi. Pulso ng mga mamimili sa presyo ng Potato Pops


Potato-Pops

Ang datos sa bahaging ito ay ang pulso ng mga mamimili sa presyo ng

produktong Potato Pops. Isinama ng mga mananaliksik ang patungkol sa katanungang ito

upang makuha ang opinyon ng mga mamimili at magkaroon din ng ideya ang mga

mananaliksik sa kung magkano nila ito maibebenta. Lumalabas sa mga datos na ito na

karamihan sa mga ito ay pinili ang Php 3-5 bilang presyo ng produkto sapagkat ibinase

nila ito sa kung gaano kalaki ang ipinamigay namin. Ngunit, ang mga mananaliksik ay

susundin pa rin ang kanilang planong Php 10 kada piraso sapagkat kapag ito na ay

ibinenta ng mga ito, magiging kasing laki na ng mga ibinebentang graham balls ang kada

piraso ng Potato Pops.


Potato-Pops

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod, konklusyon, at rekomendasyon ng

pananaliksik na kung saan ito ay naglalaman ng kasagutan sa mga katanungan sa layunin

ng pag-aaral.

Lagom

Ang Potato Pops ay isang pamanahong papel na isinagawa ng mga estudyanteng

nabibilang sa ika-12 na baitang sa Kingfisher School of Business and Finance. Ang

pananaliksik na ito ay tungkol sa pagtanggap ng mga mamimili sa merkado ng

produktong Potato Pops.


Potato-Pops

Pinatunayan ng mga mananaliksik ang pagtanggap na ito sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng mga talatanungan na siyang ipinasagot sa mga mamimili lalo na ng mga

kasapi sa target market, ang mga magulang ng mga batang nasa edad labing-isa pababa

(11 below) at mga estudyanteng may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo (11-

18). Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay isinuri at inilahad ng maayos

upang matukoy na ang mga kasagutan sa pananaliksik na ito.

Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos na nakalap ng mga mananaliksik sa kanilang

isinagawang talatanungan, ang mga kasagutan sa Layunin ng Pag-aaral ay ang mga

sumusunod:

1. Tatanggapin ng mga mamimili ang produktong Potato Pops sa merkado

sapagkat karamihan sa mga ito ang nagbigay ng mga positibong komento

at opinyon patungkol sa katanungang ito;

2. Ang mga mamimili ay mas naeeenganyong bumili ng produktong Potato

Pops lalo na kapag may pagkakaiba ito sa mga karaniwang pagkain. Ito ay

dahil sa lumabas na resulta na karamihan sa mga mamimili ang gustong

may palaman na keso o tsokolate ang Potato Pops.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga konklusyon ay ang lubos na pagpapakumbaba na mabigyang

pansin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:


Potato-Pops

1. Sa mga Mamimili. Hinihiling ng mga mananaliksik na tangkilikin ang

mga produktong katulad ng Potato Pops na siyang nagbibigay sustansya at

malusog na pangangatawan sa mga ito.

2. Sa mga mananaliksik sa susunod na henerasyon. Hinihiling ng mga

mananaliksik ipagpatuloy at palawakin pa ang ideyang ito nang sa ganoon

ay magkaroon ng pagbabago sa pagkain ng mga Pilipino sa mga fast food

products at higit sa lahat, magkaroon ng mas organisadong paraan ng

pagsasagawa ng talatanungan sa mga mamimili upang magkaroon ng mas

organisado at mas relebant na resulta.

TALASANGGUNIAN

INTERNET
Abobo, M., Gerones, R., & Sabulao, N. (2009). A PROJECT FEASIBILITY STUDY ON SWEET

POTATO FLOUR MILL. Retrieved February 15, 2015, from Academia:

https://www.academia.edu/9901932/A_PROJECT_FEASIBILITY_STUDY_ON_SWEE

T_POTATO_FLOUR_MILL?

fbclid=IwAR2VdHUiAZyZIjC_K6dUfGG5BfS82BA9y9oxnQleFjwPcdh_bzSzaFBBMz

Akhtar, M., & Zaheer, K. (2014, June 12). Potato Production, Usage, and Nutrition—A Review.

doi:https://doi.org/10.1080/10408398.2012.724479
Potato-Pops

Fernandez, R. (2017, July 8). Agriculture: Commercializing Potato Varieties. Retrieved

December 7, 2018, from PhilStar.com:

https://www.philstar.com/business/agriculture/2017/07/08/1717663/commercializing-

potato-varieties

Mara, N. (n.d.). History of Lollipop. Retrieved March 3, 2019, from Groovy Candies:

https://www.groovycandies.com/history-of-lollipops/

Ware, M. (2017, October 13). How Can Potatoes Benefit my Health? (N. Butler, Editor)

Retrieved March 3, 2019, from Medical News Today:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/280579.php?

fbclid=IwAR0QTrBQdB8DoWViXX-

eM8MILDP2ylKfOLJM_RQhfnpF2T4FZmmQ5nN5ePc

Wustman, R., Franke, L., Haverkort, A., & Koesveld, F. (2010, December). Final Report on

Philippine Potato Project 2009-2010. Retrieved March 3, 2019, from

https://www.wur.nl/upload_mm/d/7/5/d4ad447-a4b7-4cdb-8696-a4b43d5bbddc_4-Final

%20report%20Philippine%20potato%20project%202009%20-%202010.pdf
Potato-Pops

APENDIKS A

DOKUMENTASYONG SUMUSUPORTA SA PAGSASAGAWA NG SURVEY NG

MGA MANANALIKSIK
Potato-Pops

Pigura 1.1: Pagsasagawa ng produkto

Pigura 1.2:

Potato Pops
Potato-Pops

Pigura 2.1: Pagsasagawa ng Survey sa mga Estudyante

Pigura 2.2:

Pagsasagawa ng Survey sa mga Estudyante


Potato-Pops

Pigura 2.3: Pagsasagawa ng Survey sa mga Estudyante

Pigura 3.1: Pagsasagawa ng Survey sa mga Magulang


Potato-Pops

Pigura 3.2: Pagsasagawa ng Survey sa mga Magulang

Pigura 3.3: Pagsasagawa ng Survey


Potato-Pops

Pigura 3.4: Pagsasagawa ng Survey sa mga Magulang

Pigura 3.5: Pagsasagawa ng Survey sa mga Magulang


Potato-Pops

Pigura 3.6: Pagsasagawa ng Survey sa mga Magulang

Pigura 3.7: Pagsasagawa ng Survey

You might also like