Sanaysay - Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng direkta at pagtula na nag-uugnay sa

isang tao. Malaki ang pinagkaiba nito sa mga walang saysay na basahin o patalastas
lamang. Sapagkat ang panitikan ay may payak na anyo, pananaw, at diwang
nagbibigay ng pang matagalang pagkawili at gana sa mga mambabasa.

Nakatutulong ang panitikan sa pag-unlad ng pagkatao ng isang nilalang dahil


lumalawak ang kaniyang ulirat at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa
lupang kaniyang ginagalawan. Hinihikayat ang pagkakaroon ng malalim na pag-iisip sa
pagbabasa ng panitikan dahil sa natatangi nitong anyo ng karunungang may mataas na
antas ng kaisipan at damdamin na matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan.
Halimbawa ng tekstong pampanitikan ay mga sinaunang anyo ng kwento (mito, alamat,
salaysayin at pabula), tula, dula, maikling kwento, sanaysay, talumpati, at anekdota sa
piling lathalain man-sa pasalita o pagsulat na paraan.

Sa kabilang banda, ang drama, balagtasan at pelikula ay isa ring anyo ng panitikan.
Noong unang panahon pa man ay mahilig na sa panitikan ang ating mga ninuno na
namana pa rin natin sa kasalukuyan. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay
matutunghayan na rin natin ang panitikan sa makabagong pamamaraan. Halimbawa,
ang mga awit na naitatala sa tape recorder at compact disc (CD). Ang mga maikling
kwento na ating napakikinggan sa radyo, mga dula na napapanood natin sa telebisyon
at ang mga nobela na naisasapelikula.

Ang mga paglalahad na nakapaloob sa sanaysay na ito ay mabisang magagamit ng


mga mag-aaral, bawat pamilya at maging ng iba pa para sa talakayan at pagpapahayag
ng kanilang sariling saloobin at pagsusuri. Maaaninag sa mga nabanggit ang mga uri ng
panitikan na nagbigay sa atin ng karunungan at kamalayan sa paligid na tiyak ay
hinding hindi malilimutan ng sinumang Pilipino.

You might also like