Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

July 16, 2021

Brgy. San Andres, Cainta, Rizal

Magandang araw!

Napakahirap ng buhay sa ngayon. Lalo pa itong pinatindi ng pandemyang dulot ng COVID-19. Marami ang nawalan ng trabaho. Ang
iba naman ay nahawa, at namatay pa nga ang ilan. Isa ka ba sa mga naapektuhan ng pandemya? Ano kaya ang makakatulong sa atin
na harapin ang sitwasyong ito?

Sinasabi ng Bibliya na makakatulong sa atin ang pagkakaroon ng pananampalataya o faith. Pero baka sabihin ng isa, mahirap
manampalataya sa mga bagay na di-nakikita. Ang totoo, ang tunay na pananampalataya ay nakasalig sa mga bagay na napatunayan,
realidad, at katotohanan.

Para itong pagtawag gamit ang cellphone. Wala naman itong mga wire o connectors. Pero nakakatawag tayo, nasaan man sa mundo
ang kausap natin. Paano ito naging posible? Naging posible ito gamit ang radio waves. Bagaman hindi natin nakikita ang radio waves,
kumbinsido tayo na totoo ito, sa tuwing tumatawag tayo gamit ang ating cellphone.

Ganyan din ang pananampalataya. Kapag mayroon tayo nito, pinapatibay, pinapalakas, at tinutulungan tayo nitong magtiis. Kapag
mahirap ang buhay, nagbibigay ito ng kapanatagan, ipinapaalala nito ang layunin ng ating buhay, at nagbibigay ito sa atin ng tunay na
kagalakan. Pero paano tayo magkakaroon, at paano natin mapapalakas ang ating pananampalataya?

Sinasagot iyan ng 2021 Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehovah, PINAPALAKAS NG PANANAMPALATAYA. Wala itong bayad
o koleksiyon at maa-access ninyo ito sa sarili niyong mga tahanan, sa kumbinyente ninyong panahon. Panatag ninyong
magagamit ang inyong sariling gadget, Wi-Fi connection, o data para mapanuod ang mga session, dahil hindi kailangan
mag log in o mag register ng inyong mga personal na detalye. Maaari mo rin akong kontakin sa mga sumusunod na
impormasyon para sa anumang katanungan:

Lubos na Gumagalang,
Dianne Garas

Facebook and Messenger: Dianne Garas


Email Address: dianneggaras@gmail.com
Contact No.: 0933-127-1521 / (02) 774-76-299

You might also like