Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Ang Kasaysayan sa Panitikan ng Pilipinas

Ang Panitikan

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga


damdamin, mga karanasan,hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak
na paglalarawan lalo na sa pagsulat ngtuwiran o tuluyan at patula.Ang salitang
panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping"pang"
ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman aynangunguhulugang
literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na
litterananangunguhulugang titik.Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at
mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ngpag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Ang Anyo ng mga Panitikan

Ang dalawang uri o anyo ng Panitikan ay ang tinatawag na Tuluyan at Prosa.


Ang uri o anyong Tuluyan ay ang mas natural na pagkakasulat. Tuloy-tuloy at
gumagamitng mga pangungusap at talata. Walang binibilang na mga salita o tunog
na kinakailangangitugma sa iba pang salita. Naglalayon itong makapagpahayag sa
mas malayangpamamaraan. Nakadepende ang kagandahan nito sa kung paano
bubuuin ng manunulatang pagkakasunod-sunod na mga pangyayari. Halimbawa nito
ay ang mga maiiklingkwento at mga alamat.

Sa kabilang banda, ang Prosa naman ay pagpapahayag ng isang manunulat


sapamamagitan ng mga may sukat, bilang, at espesyal na pagkakaayos upang sa
malikhaingparaan ay makapagpadala ng mensahe o ng emosyon sa mga
mambabasa. Halimbawa nitoay ang mga tula.

Kahalagahan ng panitikan

 Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang
atingpinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
 Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at
marangal natradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng
ibang kulturang nakarating saating bansa.
 Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan
atmakapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
 Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at
magsikap naito'y malinang at mapaunlad.
 Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangangmaipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan
 

Ang Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila

Ang panitikan ay maiuugnay sa kasaysayan. Kung ang


kasaysayan aynagpapahayag ng tiyak na panahon at
p a n g y a y a r i , a n g p a n i t i k a n n a m a n a y naglalarawan ng buhay, kultura,
tradisyon, kaugalian at karanasan. Ang panitikan ayna gpap aha yag ng
da mda min ng bawa t i sang indibi dwal gaya ng pag -ibi g,
tuwa , kalungkutan, kabiguan, tagumpay, at iba pang mukha ng buhay. Ang
panitikan ay sinasabing salamin ng buhay pagkat mula sa panitikan
aynapapaksa at nalalaman natin ang mga bagay-bagay na ating pinagmulan.Bago
pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang
siningatpanitikan ang mga sinaunang Pilipino na nagpapatunay lamang na
mayroon ngsibilisasyon ang Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.

Karamihan sa mgapanitikan nila ay mga pasalin-dila gaya ng mga


alamat, bulong, kwentong-bayan, awiting bayan, epiko bugtong,
salawikain,sawikain at kasabihan.Ang ating mga ninuno ay gumamit ng
kawayan, talukap ng niyog, dahon, at balat ng punongkahoy bilang kanilang
sulatan. Ang ginamit nilang panulat ay ang mgamatutulis na mga bagay na
kanilang natatagpuan sa kapaligiran gaya ng matulis na kahoy, bato o bakal.
Kaligirang Pangkasaysayan Noon pa mang 1300 AD ang ating mga ninuno,
na kilala sa katawagang Ita,Ae ta s, N eg ri to o Ba l u ga ay ma y sa ri l i ng
mg a karunungang-bayan, kabilang angalamat. Ayon sa mga geologists,
nakuha o nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilangp a n d a r a y u h a n s a i b a ' t
i b a n g l u p a i n s a A s y a . D a h i l s a w a l a s i l a n g s i s t e m a n g pamahalaan,
panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay nagpapasaling-dila o lipat-dilalamang.
Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mga Indones..

Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay. Sila ang


nagturo sa atingmga ninuno ng alpabeto na tinatawag na Alifbata o Alibata.
Nandayuhan din sa atingkapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at
Persyano. Ang mga Intsik ay nagdala ngwika kung kayat mahigit 600 salitang
Intsik ay bahagi ng wikang Pilipino. Ang salitanggusi,susi,kawali,talyasi,
mangkok, kawa, bakya, tingi, Ingkong, bayaw, Inso,Diko, Sangko at iba pa ay
nanggaling sa Intsik. Sumunod naman ang mga Bumbay. Nagdalarin sila ng wika
sa Pilipinas gaya ng mga salitang guro,bansa,mukha,likha, hukom, dukha at
iba pa. Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na
maylayuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng
pananampalatayangKristyanismo. Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang
mga naisulat na panitikan ngating mga ninuno. Ang iba'y ipinaanod sa ilog
sapagkat ayon sa kanila ang mga iyonraw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang
mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga
taong-bayan ay hindi nila nasira.

ANO ANG?

ALAMAT

- karaniwnag pumapaksa ng isang bagay, pook, kalagayan o


katawagan. Ito ay likhang isip lamang kaya’t salat sa katotohanan at di
kapani-paniwala.

EPIKO

- ito ay kwento ng kabayanihan punong-puno ito ng mga kagilagilalas


na pangyayari.

KWEBTONG BAYAN

- ito ay nagpapasalin-salin sa bibig ng tao. Madalas itong nangyayari


sapaligid-ligid lamang ng ating lugar. And kwentong ito ay nauukol sa
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan. Nakatutulong ang mga
kwentong ito upang mapahalagahan natin ang kapaligiran, makilala and
ating katauhan at maiayos an fating pananaw sa buhay.

BUGTONG

- uri ng panitikan na kawili-wili. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak


ng talasalitaan at pagsasanay sa mabilis nap ag-iisip na nagpapasalin-salin
sa bibig ng mga ninuno. Ito ay may tugma at talinghaga at kapupulutan ng
mahalagang butyl ng karunungan.

SALAWIKAIN

- ay maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga


tatayang tuntunin, o mga alintuntunin ng kaasalan. Ito ay maaring matunton
at ang mga ito ay pasalin-salin sa mga lahi. Tumutukoy sa kasikhayan,
kasipagan, kaagapan at katipiran.

KASABIHAN

- ginagamit sa pagpuna sa isang gawi o kilos ng isang tao.


Halimbawa ng?

2- Halimbawa ng Alamat
1- Epiko
1- Kwentong bayan
5- Bugtong
5- Salawikain
5- Kasabihan
ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon ay may isang


napakagandang prinsesa, kaya siya ay
tinawag na Mariang Maganda. Ang
kanilang kaharian ay malapit sa isang maliit
na gubat na kung saan ay malayang
nakakapamasyal ang mayuming
kagandahan. Ang gubat ay puno ng iba't
ibang magaganda, makukulay, at
mababangong mga halamang
namumulaklak. Nakagawian na ng
prinsesang mamitas at mamasyal sa tila
bang perpekting hardin para lamang sa
isang prinsesang katulad niya.
Isang araw sa kanyang pamamasyal ay may nakilala siyang isang bagong mukha. Isang
makisig na binata na halos kaedad din ng magandang prinsesa. May kakaibang
naramdaman ang prinsesa sa makisig na binata na iyon. Lingid sa kaalaman ng
prinsesa gayundin ang nararamdaman ng bagong kakilala sa kanya.

Nagpakilala ang binata bilang isang prinsipe ng isang malayo at kaibang kaharian.
Araw-araw nagkita at nagkasama ang dalawa sa kagubatan hanggang sa magtapat ang
prinsipe sa dalaga ng kanyang pag-ibig na malugod namang tinanggap ng prinsesa
dahil sa parehas nitong nararamdaman.
Habang sila ay magkasamang namamsyal sa kagubatan ay nagpasya silang
magulayaw sa ilalim ng mabangong halaman na madalas ipagmalaaki ng prinsesa.

"Hindi maipagkakailang maganda ang bulaklak ng halamang ito Mariang Maganda,


ngunit higit na mas maganda at mabango ang mga halaman at bulaklak sa aming
kaharian." sambit ng prinsipe habang hinahaplos ang pisngi ng iniirog.

"Bakit, saan ba ang iyong kaharian?" malambing na tugon ng prinsesa. "Ang aming
kaharian ay hindi kayang marating ng taong may katawang lupa." ang mahiwagang
pagsagot ng prinsipeng tila ba mag agam-agam.

"Bakit hindi?" ang natigilang pagtatanong ni Mariang Maganda habang pinagmamasdan


ang malungkot na mukha ng prinsipeng kanyang iniibig.
"Kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian dahil kung hindi ay hindi na tayo muling
magkikita pa. Nais sana kitang isama subalit hindi talaga maari ang mga kagaya ninyo
sa aming kaharian. Paalam na irog."

"Nais ko sanang magkita tayong muli dito sa halamanang ito mamayang gabi. Hihintayin
kita." pagtangis ng prinsesang nalulungkot sa paglisan ng kanyang minamahal.

"Sisikapin ko, irog." pangako ng prinsipe kay Mariang maganda. Nang gabi ngang iyon
ay hinintay ni Mariang Maganda ang kanyang iniirog. Bago pa man maghatinggabi ay
dumating nga ang prinsipe at lubos na nalugod ang nag-aalalang prinsesa.
Magkahawak kamay silang namasyal sa gubat ng magagandang halaman na ang
buwan at mga bituin ang tumatanglaw sa kanilang dinadaanan. Kung anu ano ang
kanilang pinag-usapan hanggang sa bigla na lang napabalikwas ang prinsipe na tila ba
may ttumawag sa kanya.

"Kailangan ko ng lumisan mahal ko. Hindi ako maaring abutan ng hatinggabi, kapag
hindi ako umalis ngayon ay hindi na ako makakabalik pa sa amin. Iyong pakakatandaan
na ikaw lamang ang aking iniibig." at ginawaran ng isang matamis na halik ang labi ng
naguguluhang si Mariang Maganda.

Hindi matanggap na malisan sa kanyang iniibig ay mahigpit nyang hinawakan ang


kamay ng prinsipe. Pilt mang hinila ng prinsipe ang kamay ay di nito magawang
makawala sa pagkakahawak ng prinsesa. Sa kanilang paghihilahan ay bigla na lamang
naglaho na parang bula ang prinsipe ngunit naiwan sa kamay ng prinsesa ang dalawang
putol na kamay ng prinsipe. Sa takot ay napabalikwas ang prinsesa at tinungo ang isang
malapit na hukay. Doon itinapon at ibinaon ni Mariang Maganda ang mahiwagang
kamay ng kanyang tinawag na irog.

Muling nagbalik ang prinsesa sa kagubatan matapos ng ilang araw para makita lamang
na may kakibang halaman na tumubo kung saan niya ibinaon ang mahiwagang kamay
ng prinsipe. Malalapad ang mga dahon ng halaman na ito at walng mga sanga. Matapos
ng ilang araw ito ay namulaklak. Araw-araw na bumalik ang prinsesa sa kagubatan
hanggang ang bulaklak ay napalitang ng bynga. Ang bunga ng kakaibang halaman at
tila ba kamay na nag-iimbita. Ito na ang kauna-unahang saging.

ANG ALAMAT NG PINYA


Noong unang panahon may
nakatirang mag-ina sa isang
malayong pook. Ang ina ay si Aling
Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal
na mahal ni Aling Rosa ang kanyang
bugtong na anak. Kaya lumaki si
Pinang sa layaw. Gusto ng ina na
matuto si Pinang ng mga gawaing
bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni
Pinang na alam na niyang gawin ang
mga itinuturo ng ina. Kaya't
pinabayaan na lang niya ang kanyang
anak. Isang araw nagkasakit si Aling
Rosa.

Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si


Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan
dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na
lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak. Nagtagal ang
sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw,
sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina
kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng
ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang
kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: "
Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat
ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin. Dahil alam niyang galit na ang
kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na
hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at
naghanda ng pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling
Rosa. Hinanap niya si Pinang.

Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak.
Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya
alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y
magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito.
Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata. Biglang naalaala ni Aling Rosa ang
huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita
ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil
tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at
tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging
pinya.
Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may
mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.
Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot
ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan.  Sa laki ng galit, nilusob
naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya.
Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon.  Ang naging balita, siya ay
pinugutan ng ulo ng mga Igorot. Isinilang ni Namongan ang kanyang anak.  Ang
sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin
ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama,


sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito.  Sa gulang na siyam na buwan pa lamang,
ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya.  Ayaw man siyang payagan ng
kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-
ang na makaalis. Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang
mahiwagang tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso.  Baon rin niya ang
kanyang talisman mula sa punong saging.  Sa tulong ng kanyang talisman ay madali
niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan.  Sa laki ng pagod ni Lam-
ang, siya ay nakatulog.  Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang
ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama.
Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot.  Nakita
niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan. Hinamon ni
Lam-ang ang mga Igorot.  Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang
matulad sa ginawa nila kay Don Juan.  Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at
nayanig ang mga kabundukan.  Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami
kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga
sibat.  Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang.  Nang maubusan ng sibat ang mga
Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos.  Hinugot niya ang mahaba niyang itak at
para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga
nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan.  Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng


mga dalaga ng tribu.  Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang
mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang
manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan.  Kasama ni Lam-ang
ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Sa daan patungo sa
Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang.  Pinahipan ni Lam-ang sa
hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok. Sa tahanan
nina Ines ay maraming tao.  Hindi napansin si Lam-ang.  Tumahol ang mahiwagang
aso ni Lam-ang.  Nabuwal ang bahay.  Tumilaok ang mahiwagang tandang.  Muling
tumayo ang bahay.  Napansin si Lam-ang. Ipinagtapat ng tandang at aso ang
kanilang layunin.  Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines.  Hindi naman tumutol ang mga
magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na
kapantay ng kayamanan nina Ines. Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong
puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan.


Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian,
kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang.  Nakikinikinita ni Lam-ang
na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan.
Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito. Si Lam-ang ay
sumisid na sa dagat.  Nakain siya ng berkahan.  Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-
ang.  Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang.  Tinipon ito at tinakpan ng saya
ni Ines.  Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso.  Tumilaok ang
tandang at tumahol ang aso. Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip
na saya.  Nagbangon si Lam-ang na parang
bagong gising sa mahimbing na
pagkakatulog. Nagyakap si Lam-ang at
si Ines.  Kanilang niyakap din ang aso at
tandang.  At namuhay silang maligaya sa
mahabang panahon.

SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya
at masigla.  Masaya at matalino rin siya.
Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang
siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang
gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.  Hindi naman
nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa
pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng
iisang manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga
manok niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka niya at
pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw
na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga
inahing manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-kita
ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito
sa limang dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.
Sunong niya ang limang dosenang itlog.  Habang nasa daan ay nangangarap nang
gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.  Pagkatapos, bibili
siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad
siya ng pakendeng-kendeng.  Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang
pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.


Saka siya umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay


maisakatuparan.

BUGTONG
SALAWIKAIN
KASABIHAN

REFLECTION

You might also like