Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Evangelista, Francis Andre D.

Oktubre 14, 2019


11 – Perspicacity

Buhay OFW: Ang pagbubuklod

Ang aking nakapanayam ay ang aking tito na si Alvin A. De Guzman, edad 35, at pangatlong

kapatid ng aking nanay na nagtrabaho sa bansang Saudi Arabia noong taong 2011 bilang isang

registered nurse sa isang ospital, ngunit ay bumalik na sa Pilipinas noong nakaraang taon dahil sa isyu

sa bansang kaniyang pinagtatrabahuhan, at upang dito na rin magtrabaho.

Pangasinense ang kaniyang nakalakihang wika kaya’t ito ang pangunahing wikang ginagamit niya

sa pakikipag-usap sa aking mga tito at tita (kaniyang mga kapatid) at lola (kaniyang ina), ngunit

Filipino naman sa aming mga pamangkin niya, sapagkat hindi namin natutuhan ang wikang

Pangasinense, at sa kaniyang mga Pilipinong katrabaho sa ibang bansa. At dahil sa Saudi Arabia siya

nagtrabaho, kinailangan niyang matuto ng wikang Arabic, kung saan ay ginagamit sa bansang kaniyang

pinagtatrabahuhan, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal ng bansa, o minsan naman ay Ingles, kung

nakaiintindi sila. Mayroon na siyang mahigit kumulang limampung (50) Pilipino na nakilala sa Saudi,

kung saan sila ay mga katrabaho niya, o kaya naman ay nakilala niya sa kaniyang tinitirhan.

Para sa kaniya, nakatutulong ang pagbubuklod ng mga Pilipino tulad ng aking tito, sa bansang

hindi naman nila nakagisnan, sapagkat ito ay nakawawala ng homesick, at nakakakain rin siya ng mga

lutong Pilipino.

You might also like