DLP 16

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY Kalinisan: 2

Kompleto: 3
Jose Abad Santos Campus Malikhain: 2
Basic Education Department – Senior High School Nilalaman: 8
3058 Taft Avenue Pasay City Kabuuan 15

Pangalan: _____________________________________________________
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa Piling Larangan
Paksa: Posisyong Papel Uri ng Gawain: Concept Notes/Posisyong Papel
- Batayang Konsepto Gawain Bilang: 16
- Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Layunin:
: Nauunawaan ang katuturan at kahalagahan ng isang posisyong papel
: Nahuhubog ang kasanayan sa paninindigan sa pinanghahawakang katotohanan o prinsipyo.
: Naiisa-isa ang mga hakabang sa pagsulat ng posisyong papel.
: Nakasusulat ng isang posisyong papel.

Panimula
Ang pangangatwiran ay isang uri ng diskursong naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng
ipinahahayag, pinaniniwalaan at ipatanggap sa tagapakinig o bumabasa ang katotohanang iyon.
Ang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at
karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Ito ay ang
pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon. Nailalathala ang posisyong papel sa akademya, sa
pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahing ideya ng
posisyong papel.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon. Kailangang mabatid
ang mga posibleng hamon na maaring harapin sa gagawing pagdepensa sa iyong napiling posisyon
hinggil sa isyu. Ilatag din ang mga kahinaan upang mapagtibay ang kakulangan nito.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya. Maaaring gumamit ng mga
katibayan o facts mula sa mga ideyang tinanggap na totoo. At mga opinyon na tumutukoy sa pananaw ng
mga tao o ipinapalagay lamang na totoo.
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel.
Balangkas ng Posisyong Papel
I – Panimula
a. Ilahad ang paksa
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-
usapan.
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong posisyon / stand tungkol sa isyu.
II – Paglalahad ng Counterargument o Mga Argumentong Tumututol o Kumukontra sa
Iyong Posisyon
a. Ilahad ang argumentong tutol sa iyong tesis.
b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na
counterargument
c. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa.
III – Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
a. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon at ipaliwanag.\
b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon at ipaliwanag.
c. Ipahayag o ilahad ang ikaltong punto ng iyong posisyon at ipaliwanag.

PAALALA!: Sikaping maglahad ng tatlo o higit pang punto tungkol sa isyu upang higit na maging
matibay ang iyong pananaw o posisyon.
IV – Konklusyon
a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis statement
b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o
isyu.

Gawain bilang 1
Isa-isahin ang balangkas sa Pagsulat ng posisyong papel gamit ang concept map sa ibaba. Lagyan ng
maikling paliwanag sa bawat bahagi

Gawain bilang 2
Ipahayag mo ng buong-buo ang iyong paninindigan sa isa sa mga isyu. Sumulat ka ng isang posisyong
papel upang maipakita ang katotohanan at katibayan ng iyong pagmamatuwid at mahikayat ang mga
kabataang tulad mo na maganda at tama ang iyong paniniwalang panig. Pumili ng paksang malapit sa
iyong pusong alam mong malaking kaugnayanan sa buhay ng mga kabataang gaya mo sa kasalukuyan
nang may pahintulot ng iyong guro.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel 25
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na posisyong papel 25
Nakasusulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika 25
Nakabatay sa pananaliksik at matibay ang ebedinsya ng posisyong papel na nabuo 25
Kabuoang Puntos 100

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang layunin ng pagsulat ng posisyong papel?

2. Magsaliksik ng isang kilalang tao sa internet o google na nagbigay pagpapakahulugan sa


posisyong papel at ipaliwanag.

3. Ano ang kaugnayan ng Pagsulat ng posisyong papel sa pangangatwiran?

4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang para sa mabisang pangangatwiran

5. Bakit mahalaga na may balangkas sa isang posisyong papel?

You might also like