Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit
kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng
negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sa daigdig. Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng klima.Tayong mga mamamayan at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang pagbabagong ito.
Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat
dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.
Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na
lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. Isagawa: 1. Nababahala ako sa patuloy na pagkasira ng daigdig at kalikasan. 2. Sumasali ako sa mga organisasyon na nagkakampanya para proteksyon ng kapaligiran. 3. Hindi importante ang pagpapahalaga sa kalikasan. 4. Nakapagtanim na ako ng kahit isang puno lamang. 5. Inirereport ko agad sa kinauukulan kapag may sirang tubo ng tubig. 6. Sinusuportahan ko na dapat maipatupad ang "total log ban". 7. May malasakit ako para sa daigdig at kalikasan subalit wala akong magawa. 8. Naniniwala ako na ang tao ay may moral na pananagutan sa daigdig na kanyang tinitirahan. 9. Hindi ko iniintindi ang malakas na konsumo sa kuryente hangga't may pambayad. 10.Hindi ako naglalakad kahit malapit lamang ang aking pupuntahan upang madali akong makarating.
Batay sa aking mga kasagutan,Naniniwala akong makakatulong ako sa
pangangalaga sa aking kapaligiran.Sa pamamagitan ng maliit na hakbang tungo sa kaunlaran ng ating kapaligiran.Pagiging Disiplinado at responsible kung ano ang tama para sa ating kapaligiran.
Karagdagang Gawain: Kailan Didilat ang Mata?
Anim na araw ang iginugol ng Diyos sa paglikha ng mundo
Ginawa niya ang buong kalupaan at katubigan Lumikha siya ng puno at halaman, pati mga hayop na titira sa lupa, Mula sa alabok nilikha niya ang isang espesyal na nilalang; ito ay ang tao.
Siya ang inatasang mangalaga sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos.
Siya ang tagapangalaga ng mundo. Ngunit ngayon, ang tanong na naghahari ay nasaan na ang dating paraiso? Maitim na tubig sa ilog, basura sa dagat at kalbong gubat
‘Pag mata’y mulat, ‘pag puso’y nagliliyab
Maraming senyales ang mailalahad Oras ay patuloy na kumakaripas Ngunit mata’y pikit at siya’y nanunumbat
Ang langit ay patuloy sa pagdidilim
Ngunit ang mga mata ay nakapiring Kahit yata’y Diyos ay ‘di mapipigil Ating pagsira sa kalikasang gili
Bakit konsiyensiya’y ‘di sumasakop?
Kahit kitang-kita ang maruming ilog Ilang mga hayop na naghihikahos Mga inosenteng punong nasasangkot
Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman
Pahalagahan natin ito tulad ng iyong pag-ibig Ito ay mawawala kapag pinabayaan Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.
Simulan sa maliit na hakbang
Pagiging Disiplinado at Responsable Sa lahat ng bagay ng ating kalikasan Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kailan gigising sa katotohanang
Tayo-tayo lang ang magkakaagapay Habang oras ay ‘di pa namamaalam Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.