Professional Documents
Culture Documents
Awtput Sa Pag-Uulat-Josephine T.agocoy@kimberley Rosios
Awtput Sa Pag-Uulat-Josephine T.agocoy@kimberley Rosios
Department of Education
CARAGA Administrative Region
SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY
College of Teacher Education
FIL 215
(PAGLINANG NG FILIPINO AT PAGHAMBING NA PAG-AARAL NG MGA PRINSIPAL NA WIKA SA
PILIPINAS)
AWTPUT SA PAG-UULAT:
NILALAMAN:
Kinukonekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang kultura
at mga tradisyon. Maaring mawala ang matatandang henerasyon subalit sa pamamagitan ng wika ay
naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga
plano o adhikain sa hinaharap.
Masasabi kung gayun na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelekwal,
sikolohikal at kultural. - Barker,Barker(1993)
Mahigit sa 7,000 mga isla ang bumubuo sa Pilipinas na may iba’t ibang wika na may bilang na 109.
Binubuo ito ng iba’t ibang grupong etnolinggwistiko na pinangungunahan ng Cebuano, Tagalog,
Ilokano, Hiligaynon, Bicolano, Samar-Leyte Waray, Kapangpangan at Pangasinense na sumasakop sa
90 % ng bansa. - McFarland(1992)
May higit na 500 mga wika at dayalekto ang bansa batay na rin sa pagkakaroon ng iba’t ibang etnikong
grupong nakatira sa bawat rehiyon na may kani-kanilang wikang sinasalita. - Consatantino(1992)
. “…Education in its true sense was open only to the child of the Spaniards, mestizos, and affluent natives
among whom the Spanish language was used as a medium of instruction. The few institutions of higher learning
received the greatest attention since they were established to meet the demand for the proper schooling of the
children of the Spaniards.” -Bernabe(1987)
Sa panahon ng mga Kastila lalong nagkawatakwatak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at
nasakop ng mga dayuhan at mga katutubo.
Ang mga prayle ang nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo; ang naturang wika ang
ginamit ng mga prayleng kastila sa pakikipag ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong
Pilipino - Magracia at Santos(1988)
Makamasa naman ang edukasyon sa panahon pananakop ng mga Amerikano. Dahilan ito para maging
lubhang popular ang wikang Ingles kaysa sa wikang kastila.
“In less than three weeks after the American forces the had occupied Manila… seven schools had
already reopened with American soldiers to teach English…” -Bernabe(1987)
Pinalawak nila ang pagpapagamit ng wikang Ingles sa larangan ng edukasyon na labis namang
ikinasiya ng mga pilipino.
Subalit ang mga paksang pinag aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano-ang kanilang
kasaysayan, literatura, kultura, ekonomiya at politika. Ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na
mentalidad ng mga katutubong mamamayan na namana at itinaguyod ng mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyang henerasyon.
1973 KONSTITUSYON
1935 Konstitusyon, Art.XIV, Sek.3: -“Ang Konggreso ay gagawa ng hakbang tungosa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na wikang katutubo…”
Bilang pagsunod sa probisyong nabanggit ay pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng
Surian ng Wikang Pambansa (SWP na ngayoy Komisyon sa Wikang Filipino o KWF)
Ang mga naging tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang mga sumusunod:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang;
2. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a)
pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming
Pilipino.
1. Jaime C. de Veyra Bilang Chairman ng Surian ng Wikang Pambansa mula Samar, Leyte
2. Filimon Sotto – Cebu
3. Casimiro F. Perfecto – Bicol
4. Hadji Butu – Muslim
5. Cecilio Lopez – Tagalog
6. Santiago Fonacier – Ilocano
7. Felix S. Sales Rodriguez – Panay
- Lumabas sa pag- aaral na ang wikang Tagalog ang nakatugon sa karayteryang nabuo.
- Tinanggap at ginamit ng mga pilipino ang Tagalog bilang sapagkat ito ang wika na gamit sa Maynila
na sentro ng gobyerno.
Sa final na draft ng Konstitusyon, lumabas ang Ingles at Filipino bilang mga wikang Opisyal. Ganito
ang isinaad sa probisyong pangwika sa 1973 Konstitusyon;
Art. XIV, Sek. 3 “Ang pambansang asembleya ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging
FILIPINO.”
1987 KONSTITUSYON
Naganap sa Pilipnas ang isang pagbabagong historikal na resulta ng Rebulosyong EDSA noong
Pebrero, 1986.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wika sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na
mga wikang panturo roon.” Ipinapakita lang nito na ang pambansang wika ay nagdaan sa tatlong
ebolusyon.
Pagkaka-iba ng “P” at “F” “Ang Filipino ay liberalized variety of Pilipino. Liberal ang pagtanggap nito
ng mga salitang katutubo o dayuhan man para ganap itong maging buhay at dinamikong wika na
natural na ginagamit sa pag- uusap at maging sa pagsulat. Hindi lamang ito linggwa franka sa ka-
Maynilaan kundi sa buong Pilipinas.” -Penida(1996)
WIKANG PAMBANSA
Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang
bansa.
OPISYAL NA WIKA
Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung
ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili
ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalangalang
ng ibat' ibang salik.
Manuel L. Quezon
Ama ng Wikang Filipino
Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas
“Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng
bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang
panlahat” – halaw mula sa kanyang talumpati sa Malakanyang.
PROSESO NG PAGPILI
Bilang pagsunod sa probisyong nabanggit ay pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na
nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP na ngayoy Komisyon sa Wikang Filipino o
KWF)
Pambansa (SWP) • itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng
Saligang Batas Pambansang Asamblea)
Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga paguusap ng mga Pilipino at marami din sa
bansa ang nakakaintindi ng wikang ito.
Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwahiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinaka mayaman at ang pinaka maunlad at malawak
(sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa
Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
Ito ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa buong bansa.
Mas madaling matutuhan ang Tagalog, sapagkat sa diyalektong ito kung ano ang bigkas siya
ring sulat.
At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero
kung saan ang dalawang salik na ito ay mahalagang elemento sa kasaysayan ng Pilipinas.
1) Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 • Ipinagtibay ni Manuel L. Quezon ang pasya ng SWP na wikang
tagalog ang batayan ng magiging Wikang Pambansa.
4) Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) • “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang
Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.
5) Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7) • “Ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles…”
6) Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988) • Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto kada taon.
7) Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957) idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong
buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika.
Marami nang paraan ang ginagawa upang madevelop ang wikang pambansa.
Ang ilan sa mga ito ay;
Pagsasabatas at Pagsunod sa Batas Tungkol sa Wika -ang pormal na mga hakbang sa pagdevelop ng
wikang pangbansa ay nagsimula ng isaad sa 1935 Konstitusyon.
–ang Konggreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pangbansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.
2) Tulong ng ibat’-ibang organisasyon pangwika sa pangunguna ng KWF sa pamamagitan ng ibat’- ibang wika
sa pamamagitan ng mga seminar at mga konferensyang pangwika lalong nadedevelop ang
Filipino sa tulong ng mga bagong kaalaman na nagpapalawak sa pag-unawa ng mga kalahok sa
kanilang tungkulin.
B. Pagreforma sa Alfabeto
ang pagbabago at pagreforma ay nakabatay sa pangangailangan ng lipunan at sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa lipunan. Makatutulong ito sa istandardisasyon ng Wikang Filipino.