Professional Documents
Culture Documents
Filipino Lesson 2 Notes
Filipino Lesson 2 Notes
Ang pananaliksik ay ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa
paglutas ng suliranin at nangangailangan ng bigyan ng kalutasan.
Ito ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga
bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ang Pananaliksik ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa
.
Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad mg ating komunidad,
kalakalan, edukasyon, pulitika at iba pa.
Nangangailangan ito ng mahabang panahon at paghahanda sa pagsulat.
May proseso / hakbang na dapat sundin upang maging maayos at maganda ang
kahinatnan ng gawaing pananaliksik. (Alejo,et al.2008)
Kahalagahan at Layunin ng Pananaliksik
Para sa pangkabuuhan, ang Pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong
proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng
mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa
imbensyong nagawa ng tao. (Alejo et al.,2008)
1. Kwantitatibong Pananaliksik (Quantitative Research)
Sa pananaliksik na ito ay gumagamit ng estadistika upang suriin ang
datos na nakalap at malaman ang tiyak na resulta nang sa gayon ay
makapagbigay ng mahalagang impormasyon para sa suliraning
hinaharap. Ginagamit ang ganitong uri ng pananaliksik kung may mga pag-
aaral na ibig paghambingin o kung nais na ipakita ang ugnayan ng
sanhi at bunga.
3. 2. Pampanitikan o Literari
1. Descriptive research
2. Correlation o Association research
3. Experimental o intervention research
Ang “Descriptive Research” ay naghahanap ng kasagutan sa mga
katanungang, sino, ano, saan at paano. Ang pananaliksik na ito ay
naglalarawan ng sitwasyon o itinakdang kalagayan ng tiyak na aspeto o
salik.
Ang “Correlation Research” ay sumasagot sa mga katanungang bakit at
paano. Sa pamamagitan na ito ang may kaugnayan sa suliranin ay hindi
nakikita bilang tunay na sanhi ng suliranin subalit mga salik na may
kaugnayan o nakaambag sa pagkakaroon ng suliranin. Ito ay nag-
iimbistiga ng kaugnayan ng mga salik o “variables”.
Ang “Experimental o Intervention Research” nagtataya ng epekto o
kinalabasan ng particular na intervention o treatment. Ito ay nag-aaral ng
sanhi at epekto na kaugnayan sa pagitan ng mga salik sa isang
penomenong under controlled conditions.
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK (BSA-2A)
Mga Hakbang at Kasanayan sa Pagsulat ng Sulating Pananaliksik (week 3)
PreviousContinue
2. Paghahanda ng balangkas
Dito ay inihahanda ang estruktura ng buong organisasyon ng gagawing pananaliksik.
3. Paghahanda ng bibliyograpiya
Dito ay masusing isinasagawa ng mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat,
magasin, journal at iba pang mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing
pananaliksik.
6. Pagsulat ng Pananaliksik
Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat batay sa mga naunang ginawang
preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit pang lingo
depende sa uri ng pananaliksik na isinasagawa.
7. Pagrereserba ng papel
Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing editing ipang matiyak na may
kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo.