Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Navarro, Kristian Skyzer B. BSED FIL.

– 2B

Module 3
Pag-unawa sa Paksa
1. Bakit mahalagang may batayan ang pagpili ng persona sa loob ng tula?
- Ang pagkaangkop ng persona sa sinasabi nito sa loob ng tula ay dapat may batayan.
Kailangang ipadama ng persona ng tula ang tagpuan ng kaniyang tula sa pamamagitan ng
maingat na pagpili ng mga gagamiting salita. Ibig sabihin, mahalaga para sa isang makata ang
pagsasaliksik ng kaniyang persona. Kailangang may batayan at lohika ang pagpili ng persona na
angkop para sa kaniya. Hindi dapat sumulat ng isang persona na hindi naman napaghandaan ng
makata ang karakterisasyon nito.
2. Maaari kayang ang personang bubuuin ng makata ay isang personang namayapa na? May
batayan ba o lohika na ang magsalita sa unang mga taludtod ay isang taong naghihingalo at
nang mamatay na ang persona ay siya pa rin ang magsalita?
- Maaring may buhay o wala ang personang nilikha ng makata. Maaring makapagsalita ang
bagay o taong may buhay. Kailangan lamang seguraduhin ng makata na malinaw sa isip ng
nagbabasa ang nais ipahiwatig o sabihin ng persona na kanyang pinili kung bakit iyon ang
kaniyang nais sabihin upang maging mahusay ang pagkatha ng tula.
3. Ano ang pagkakaiba ng literal na imahen at ng imaheng ginagamit sa tayutay? Magbigay ng
halimbawa. Ano sa iyong palagay ang higit na epektibo?
-Ang literal na imahen ay ang paggamit ng pandamang nararamdaman ng mga mambabasa
kinakailangang Makita ng detalyado ang mga bagay na nakikita. Halimbawa. kapag tumingin ka
sa salamin, ang nakikita mo sa salamin ay ang mismong tinutukoy na imahe. Ang imaheng
ginagamit naman sa tayutay ay ang matalinghaga o masining na paggamuit ng wika uoang
makabuo ng mas malinaw na imahen sa kaisipan, mapalalim ang kahulugan ng pahayag.
Halimbawa. Ang ina ni Stefano ay ang bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.
4. Maaari bang gumamit ng iba't ibang uri ng tono sa loob ng isang tula? Bakit? Paano
nakatutulong ang tono sa pagpapatingkad ng tema ng tula?
- Oo,Maaring gumamit ng ibat ibang uri ng tono sa loob ng isang tula. Ang tono ng tula ang
siyang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula kung ito’y malungkut maaaring
gumamit ang makata ng mga salitang may kinalaman sa kalungkutan kung ito naman ay masaya
maari ring gumamit ang makata ng mga salitang may kinalaman sa masayang emotion. Ngunit
bilang bahagi rin naman ng teknik ng makata, maaaring sa mga umpisa ng taludtod ng tula,
hindi ipakikita ang tonong masaya at maaaring malungkot ang ipakikitang imahen at diksiyon.
Nakakatulong ang tono upang magandang pakinggan ang binibigkas na tula at nakakatulong
ang damdamin upang maayos maipapahayag ang nararamdaman at patingkarin ito.
Paglinang sa Pagkamalikhain
1. Anu-ano ang mga paborito mong kanta? Magtala ng sampu. Sabihin kung sinu-sino ang
mga persona sa kanta at ang kausap ng persona.

Paboritong kanta Persona sa kanta Kausap na persona

1. Ikaw at ako Babaeng umiibig lalaking iniibig


2. Dance with my father Batang nangulila sa Ama na namayapa na
Kanyang ama
3. Pusong Bato Lalaking bigo sa Babaeng manhid ang damdamin
Pag – ibig
4. Buloy Taong nangulila sa Kaibigang namayapa na
Kaibigan
5. Tagpuan Babaeng pungo ng Lalaking sagot sa kanyang
mga tanong mga tanong
6. Akala ko ng una Lalaking sawi sa Babaeng mapanlinlang
Pag – ibig
7. Take her to the moon Babaeng nakipaghiwalay Ang kanyang dating kasintahan
sa kanyang kasintahan
8. You are not alone Lalaking umiibig Babaeng iniibig
9. When I was your man Taong nangulila Kasintahan
10. Ako muna Taong nais unahin Ang kaniyang sarili
ang sarili

2. Mag-isip at lumikha ng isang personang walang buhay tulad ng walis, agiw, pader,
dingding, basurahan. Kung sila'y makapagsasalita, ano ang kanilang sasabihin, paano nila ito
sasabihin at kanino nila ito sasabihin? Buuin ito sa loob ng iyong tula na mahigit sa dalawang
saknong.

CELPON
Noon ako’y iyo lamang tinitingnan,
Tuwing ika’y mapapadaan sa mga tindahan,
Laking tuwa ko ng ako’y iyong nahawakan,
Ginagamit, at habang tumatagal pinapahalagahan.
Sa panahon ng pandemya, ako ay iyong kasama,
Sa pag – aaral mo, ako’y naging abala,
Sa ganitong paraan, ako’y tuwang tuwa naman,
Dahil ikaw ay aking natutulungan.
Ang masasabi ko lamang sa iyo aking kaibigan,
Huwag kang magsawa ako’y alagaan,
Na kagaya din ng iyong mahal na katawan.
Dahil si celpon ay mayroon ding kapaguran.

3. Maraming tao sa lipunan ang hindi nabibigyan ng pansin at tinig. Sinu-sino sila? Kumatha
ng isang tula tungkol sa isang persona na walang tinig sa ating lipunan. Ano ang sasabihin
niya at kanino niya ito sasabihin? Buuin ang tula sa loob ng dalawang saknong o mahigit pa.
Driver
Kalsada ang aming tambayan
Kaligtasan ay walang kasiguraduhan
Sa ulan man o arawan
Kami ay laging maaasahan.
Kaya sana hinaing namin ay mapansin
Maayos na daan at maluwag na pamamahala para sa amin
Maliit na kita kailangang pagtiyagaan
Para mabigay lang ang pangangailangan.
Ngunit Kahit kaylan ay hindi panghihinaan
Marangal ang trabaho namin
At taas noo mong sasabihin
Driver, yan ang itawag mo sa Amin.

4. Kung may sasabihin sa iyo ang iyong salamin na laging nakakikita sa iyo araw-araw, ano
ang maaari nitong ipaalala sa iyo na maaaring matagal mo nang nakalimutan? Buuin ito sa
loob ng tula.
Kamusta na?
Matagal tagal na din ng ako’y iyong nasilayan,
Sa ibang bagay ay masyado kang abala
At tila ba ako’y napapabayaan mo na.

Gamit ba ako o kamukha?


Kapag pinagmasdan mo ako, ika’y hahanga
Ako na isang salamin ay iyong nanaisin.
Na makasama upang sarili’y mapansin.

Repleksyon ng magsasabing, ikaw ba ay may babaguhin


Mukha man o katawan, damit mo man o ibang kasuotan
Ako’y nagsisilbing repleksyon sa iyong katauhan
Para lang hindi ikaw mapagtawanan, ng karamihan.

5. Kung makapagsasalita ang isang bahagi ng iyong katawan, at kakausapin ang isa pang
bahagi ng iyong katawan, ano ang sasabihin nito? Halimbawa, ano ang sasabihin ng puso sa
baga? Ano ang sasabihin ng sikmura sa utak? Ano ang sasabihin ng utak sa puso? Ano ang
sasabihin ng kuko sa buhok: Buuin ito sa loob ng isang tula. Lagyan ito ng angkop o may
talinghagang pamagat.

KATAKAMAN
Utak dapat mong isipin masustansyang pagkain,
Ikaw naman kamay, iyon lamang ang damputin,
Para si bunganga makasubo ng di masama,
At si panlasa ay di na hahanap ng iba pa.
Bunganga ang pagkain nguyain ng mabuti,
Para si tiyan ay di masaktan,
Katakaman ay dapat iwasan,
Para sa kalusugan ni katawan.

6. llarawan ang karanasang lubhang nagpasaya sa iyo. Ano ang iyong pakiramdam? Ilarawan
ito nang detalyado at ipadama sa mambabasa nang tila isinasama mo siya sa kasiyahang
iyong nadama.
- Ang karanasang lubhang nagpasaya sa akin ay Ang Pagsalubong sa Bagong taon na isa sa
pinakamasayang celebration dahil isang taon lang ito maganap. Dahil ito ang pinakamasaya sa
akin dahil sama-sama kame mag papapamilya at Salo-salo sa Handang hinaahin nang Buong
Pamilya, Masaya ako dahil Makikita ko ulet ang aking mga Kamag-anak at mga Pinsan na isang
taon mo lang makita. Masaya kame dahil nagkita kame ulet Sama sama at Masaya kwentuhan
kahit Ilang araw lang sila dito. at Pinakamasayang Parte nang Bagong Taon Marami kame napag
Kwentuhan at Masasayang Alaala na Nabuo Samahang Sasama sama sa pagdiriwang nang
Bagong taon Bagong Buhay Bagong Kaibigan at Bagong Pamilya na Makakasama mo. Masaya
kame dahil Sabay-sabay kame na na nonood at nakatingala sa taas nang kalangitan habang
pinag mamasdan ang Magagandang Kulay na Sumasabog sa Kalangitan. Bagong taon Bagong
Kapamilya ang Dumarating kasi sabi nga Mas-Masaya kapag Maraming Pamilya Masaya dahil
nadadagdagan na lahi namin Ang higit sa Lahat kahit na isang beses lang sa isang taon ang
pagdiriwang nang Bagong taon. Sama-sama kame sa Pagsisimba at Sama-sama nag
Papasalamat sa Panginoong Diyos sa Biyaya na natatamo naming mag Papamilya sa Araw-araw.
masaya ako kahit na sa Sandaling nagkasama-sama kame may mga alala na dapat hindi mo
makakalimutan at hindi mo Maranasan ang Bagong Taon, Sapagkat ang espiritu ng tunay na
pag-ibig at pagbibigayan ay sa mga pamilyang Pilipino lamang mararanasan. Kaya Masaya ang
pag diriwang nang bagong taon Sama-sama ang Buong Pamilya na kame kahit hindi gaano
karami ang Handa o Masasarap man na Handa basta Buo kame mag papamilya wala nang
Sasarap pa sa Pagkain nakahahin sa Habang kainan kung buo Ang pamilya.

7. Bigyan ng kakayahang makapagsalita ang alagang hayop. Sa panahon ng kaligayahan, o


kalungkutan, o galit, ano ang sasabihin ng alaga? Tiyakin ang diksiyong gagamitin ng alaga.
- Awwwww, Awwwww! Aking mahal na amo ako’y sabik na sabik na ika’y makita. Alam mo ba
sa tuwing ikaw ay aalis sa umaga ako ay lubos na nalulungkot at sa pag sapit ng hapon ako ay
nag aabang sa iyong pag dating. Hindi ko alam kung saan kaman nanggaling ngunit bilang aso
ika’y makakasigurado sa seguridad ng iyong bahay. Kahit sa ganoong paraan man lamang ay
masuklian ko ang pagmamahal na iyong ipinaramdam sa akin.

Module 4
Pag-unawa sa Paksa
1. Gaano kahalaga ang pagkatha ng tulang may sukat at tugma?
- Napaka importanteng bahagi ng ritmo ng tula ang sukat. Tulad ng tugma, Nakakatulong ang
sukat sa pag-alala o pagmemorya ng mga taludtod at nakakapukaw ng atensiyon sa unti-unting
pamukadkad ng naratibo o pangyayari sa loob ng isang tula o awit. Magandang basahin ang
mga tulang may sukat at tugma dahil nakakapagbigay ito ng magandang ritmo na masarap sa
pandinig ng mga mambabasa.
2. Maaari kayang gumawa ng tula ang isang nagsisimulang makata nang hindi isinasaalang-
alang ang pagkatuto sa mga tradisyonal na anyo (sukat at tugma)?
- Oo, dahil meron tayung tinatawag na malayang taludturan o verse libre, ditto tinatalikuran ng
isang makata ang tradisyunal na paraan ng pagtula na may sukat at tugma. At dahil rin sa
pandaigdigang digmaan, nagbago ang mga pagpapahalagang pagtula. Isa sa mga pagbabago ay
ang pagpapakilala sa paaralan sa malayang taludturan. Hindi nangangahulugang kapag walang
tugma o sukat ay wala nang tula. Maganda rin ang pagbabagong makikita sa panulaan.
3. Sa iyong palagay, gaano kahalaga para sa mga taong tumuligsa sa kumbensiyonal na
taludturan ang pagkatha ng tulang may naiibang paksa?
- Sa aking palagay, mahalaga ang pagtuligsa nila sa kumbensiyonal na taludturan dahil para sa
kanila, ang pagiging modern ng mundo ay nakakaapekto sa mga tulang naisasagawa. Dahil sa
modernong panahon, kinakailangan rin na nasa makabagong anyo na ang mga tula na pasok sa
pandinig ng mga makabagong henerasyon ngayon. Bagamat moderno na sinisiguro pa rin
naman ng mga tagakatha na naroroon pa rin ang tradisyunal na anyo, ngunit mas binigyan
lamang nila ng bagong anyo na pasok sa modernong panahon ang kanilang ginagawa.

Paglinang sa Pagkamalikhain
1. Gumawa ng tatlong bugtong tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kasalukuyang
pandemya (Covid-19) tulad ng facemask, faceshield, covid vaccine, at iba pa.
- Hindi mo sya makikitang dumating - Namumukod tangin korona na ayaw
Pero randam mo siya habang kumakain Mapanalunan ng sini man
Sagot: COVID-19 Sagot: CORONAVIRUS

- Sa kanyang pagdating,
Daan ay biglang pumatag
Sagot: PANDEMYA
2. Mag-isip ng isang larawan o imahen tungkol sa kalikasan. Halimbawa, larawan ng iisang
pakpak ng mariposa, at panatilihin ito sa isipan. lto ang ilarawan at gawan ng tulang haiku.

- Dagat na asul (5)


At hindi yung maitim (7)
Para sa bayan (5)
3. Bumuo ng isang maikling tulang nagsasaad ng iyong nais ipahayag sa isang taong gusto
mong pagukulan ng pansin; maaaring ito ay pasasalamat/ pagpaparangal/ paghingi ng tawad
o anumang damdamin o kaisipang ibig mong ipabatid. Lapatan ito ng mga talinghaga at
bumanggit ng mga kongkretong bagay na maaari mong maihambing sa kanyang katauhan
ayon sa iyong pagkakakilala sa kanya. Malaya kang pumili kong aling anyo ng tula ang iyong
gagamitin (may sukat man o malayang taludturan). Pagkatapos ay i-post ito sa iyong
facebook at i-tag sa taong iyong napili at sa akin (ang iyong guro bilang patunay). Gawan ng
pamagat at sa ilalim nito ay isulat ang iyong kumpletong pangalan bilang may-akda. Ang tula
ay hindi kukulangin ng tatlong saknong at hindi lalagpas sa sampung saknong.
Kanlungan
Paano ko nga ba makalilimutan
Ang napakainit na bisig ng aking mga magulang
Na siyang aking naging kanlungan
magmula ng ako ay isinilang
Tuwing ikinukwento ng aking mahal na ina
Ang mga panahon na ako ay kanyang inaaruga
Pawang ngiti lamang ang nakikita sa labi niya
At maging sa kanyang mga mata
Akin ding inaaalala kung paano ako alagaan ni ama.
Na walang kasing higpit at bibihirang tumawa
Tuwing ako’y umiiyak dahil sa mga kalaro
Nandoon siya upang akoy’ patawanin gamit ang kanyang mga biro.
Ngayon ako’y malaki na at ang aking magulang ay matatanda na,
Ako naman ang magsisilbing kanlungan nila.
Dahan-dahang susuklian ang mga kabutihan,
At di magsasawang sila ay pagsilbihan.

You might also like