Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Pampanga
Archdiocese of San Fernando Educational System
St. Nicholas Academy: Center of Catholic Education, Inc.
Macabebe, Pampanga
Government Recognition No. JHS – 022 s. 2019

Modyul sa
Filipino
Baitang 7
(Unang Markahan – Una at Ikalawang Linggo)

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Guro:

PHILOSOPHY OF EDUCATION: Catholic Education is Formation, Mediation and Transformation.


VISION: The St. Nicholas Academy: CCEI is a Catholic Archdiocesan Educational Community
centered in the person and message of Jesus Christ, animated by Gospel Values, and guided by Church
Teachings and Practices.

MISSION: To adopt and implement the Philippine Catholic Schools Standards.


CORE VALUES: Faith, Service, and Excellence
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo
MODYUL SA FILIPINO GRADE 7 – UNA AT IKALAWANG LINGGO
SI USMAN, ANG ALIPIN
ANG KWENTONG BAYAN
LAYUNING NG ARALIN
Sa aralin na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan

 Nasusuri ang mga tauhan ng binasang akda.

 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga pangyayari sa iba pang lugar ng bansa

 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay

PAUNANG PAGTATAYA

GAWAIN:
I. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng kanyang anak na dalaga.
a. pagdadabog c.pagkainis
b. pagmamakaawa d. pagsigaw
2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pansin ng ama.
a. pagsigaw c. panunuyo
b. pag-iyak d. pagkagalit
3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawa ng kanyang anak.
a. nagmamalaki c. galit na galit
b. nanghihina d. nauupos
4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol sa kaharian.
a. nasaktan c. nahirapan
b. nasugatan d. namatay
5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang kanilang bagong sultan.
a. naitanong c. napagpasiyahan
b. nalaman d. napag-usapan
II. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin ayon sa gamit nito sa
pangungusap. Piliin ang sagot mula sa mga salita sa hanay B at isulat sa linya ang titik ng
tamang sagot.
_____1. Matapang, malakas mataas at kayumanggi ang binatang si
Usman.
_____2. Nais ng sultan na maglaho sa kaharian ang lahat ng binatang
a. Makulong
nakahihigit sa kanya ang kakisigan.
_____3. Gumawa ng paraan ang magkasintahan upang makalaya sila b. Malayo
mula sa bilangguan. c. Malupit
_____4. Dahil sa pagkakakulong ay higit na naging malapit sa isa’t isa
d. Mamalagi
ang magkasintahan.
_____5. Nakita ng mga mamamayang mapagmalasakit pala sa mga e. maputi
nangangailangan ang kanilang sultan
III. Isulat sa kahon ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP kung hindi ito
nagsasaad ng patunay.
 1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na nakatawag-
pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago.
 2. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.
“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 2
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

 3. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.


 4. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Reponsibility.
 5. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating
Sligang Batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan
para sa malusog na kapaligiran.
PAGTALAKAY
GAWAIN 1: PAGHIHINUHA SA LARAWAN

Tignan ang larawan na nasa itaas. Ano sa tingin mo ang inilalahad nito? Ano ang
maaaring maging resulta kung mali ang pinunong ating pinili? Paano ba tayo makaiiwas sa
pagpili ng maling pinuno? Tunghayan natin kung ano ba ang kinalaman ng larawan sa akdang
ating tatalakayin.

ALAM MO BA?
Ang mababasa mo ay isang kuwentong-bayan ng Maguindanao na tinatawag ding
Maguindanaon, Maguindanau, o Magindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho ring
katawagan. Ang mga taga-Maguindanao na nangangahulugang mga taong tagakapatagang
bahain o people of the flood plains ay itinuturing na pinakamalaking pangkat-etniko ng mga
Pilipinong Muslim. Matatagpuan sila gitna ng katimugang bahagi ng Mindanao at ang
kanilang rehiyon ay kilala bilang Cotabato, isang lambak na napaliligiran ng matataas na
kabundukan maliban sa bahaging kanluran. Isang ilog, ang Ilog Mindanao ang dumadaloy rito
na nagdadala ng tubig at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan ang malaking bahagi
ng lambak ay nagmimistulang mababaw na lawa.

Basahin at unawaing mabuti ang isang kuwentong-bayan mula sa Mindanao.

SI USMAN, ANG ALIPIN


Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul
Sampilna isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983)
Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang
nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi
si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.
Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng
namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at
pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng
kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at
maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat
“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 3
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa
sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito.
Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

ANG KUWENTONG-BAYAN
Ang mga kuwentong bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula pa
man dumating ang mga Espanyol. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't- ibang heneras-
“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 4
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

yon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong-bayan at

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong
ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-
tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig.
Naririto ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:
 May dokumentaryong ebidensiya – ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring
nakasulat, nakalarawan, o naka-video.
 Kapani-paniwala – ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, at kalakip na
datos ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.
 Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o
impormasyong totoo ang kongklusyon.
 Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebindensiya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 5


Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

 Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.

MGA GAWAIN

GAWAIN 2: KATANGIAN NG MGA TAUHAN


Ilarawan ang mga tauhan sa kuwentong-bayan na nabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
salitang naglalarawan sa mga kahong nakapalibot sa pangalan ng mga tauhan.

USMAN

POTRE
MAASITA

SULTAN
ZACARIA

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 6


Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano-ano ang mga katangian ni Usman? Bakit kahit wala naman siyang nagawang kasalanan ay
ipinabilanggo siya ng sultan?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Paano mo ilalarawan ang sultan bilang isang pinuno? Ano kaya ang mangyayari sa isang
pamayanan kung katulad niya ang magiging lider o pinuno? Ipaliwanag ang iyong sagot.
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Bakit nagmakaawa si Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan, upang pakawalan si Usman?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Sa halip na pagbigyan ang anak, ano ang ginawa ng sultan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Paano mo siya mailalarawan bilang isang ama?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
6. Paano nakaligtas ang magkasintahan sa tiyak na kamatayan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
7. Kung ikaw ang anak ng sultang ito, ano-ano ang mga gagawin mo para mapag-isipan ng iyong
ama ang maling ginagawa niya at baka sakaling magkaroon ng katahimikan hindi lamang sa
inyong tahanan kundi maging sa kahariang kanyang nasasakupan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
8. Paano nagbago ang kaharian nang sina Usman at Potre Maasita na ang naging sultan at
Sultana?
____________________________________________________________________________

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 7


Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

GAWAIN 3: MAGHINUHA SA MGA PANGYAYARI O USAPAN NG MGA


TAUHAN.
Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan
batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan.
Mahihinuhang ang lugar ng sultan ay …
a. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
b. ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
c. katatagpuan ng mga kayamanan at mahahalagang pilak.
d. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.
2. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagpatupad siya ng kautusang ang lahat ng
mga lalaking nakahihigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitilin at maglaho. Sinunod lahat
at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na …
a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
b. kinatatakutan at sinusunod ang makapangyarihang sultan.
c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan.
d. masipag at mapagmalaki ang sultan.
3. ”Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito.
Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay …
a. matigas ang kalooban
b. mapaghiganti
c. mapagtimpi
d. matalino
4. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking
labis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na …
a. matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok
b. mapaghiganti siya at mahigpit kung kinakailangan.
c. mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa mga magulang.
d. malakas ang kanyang loob at hindi siya basta sumusuko.
5. Nang nagkaron ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay hindi nagdalawang isip sina Usman at
Potre Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon
ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. Mahihinuhang ang taumbayan ay …
a. nagagalak sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit ng nagdaang malupit na pinuno.
b. nag-aalala na baka ang susunod na pinuno ay malupit ding tuladng nauna.
c. namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may magagandang itsura.
d. d.nagbabakasakaling makatagpo na sila ng mga pinunong makatutulong upang maging
mayaman ang bawat isa sa kaharian.

GAWAIN 4: PAG-UUGNAY
May ilang pangyayari sa binasang maaaring iugnay sa mga pangyayari sa iba pang lugar sa bansa.

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 8


Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

Mag-isip ng maaaring iugnay sa sumusunod na mga pahayag at isulat sa mga linya.


1. Isang makapangyarihang sultan ang nagpapatupad ng mga kautusang hindi makatarungan at
sinusunod naman ng kanyang mga tauhan.
Maiuugnay ko ito sa sumusunod na pangyayari sa totoong buhay.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Ang kalikasan na ang gumawa ng paraan upang maputol ang kasamaan ng isang
makapangyarihang pinuno o lider.
Maiuugnay ko ito sa sumusunod na pangyayari sa totoong buhay.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

GAWAIN 5: KATANGIAN NG KUWENTONG-BAYAN


Magsaliksik ukol sa mga kuwentong-bayan bilang panitikan at salig ng pag-aaral sa kultura at
kasaysayan ng isang bayan sa Pilipinas. Alamin din ang mga kilalang kuwentong-bayan sa Pilipinas.
Isulat sa grapikong pantulong sa ibaba ang mga nakalap na impormasyon.

KATANGIAN
NG
KUWENTONG
BAYAN

Sagutin ang sumusunod na mga pamprosesong tanong:

1. Paano mo makikilala ang isang bayan sa Mindanao sa pamamagitan ng mga kuwentong-bayan


nito?
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga para sa mga Pilipino na alamin ang mga kuwentong bayan nito partikular sa
Mindanao?
________________________________________________________________________

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 9


Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

GAWAIN 5: Nakikilala kung ang pahayag ay nagbibigay-patunay o hindi

Isulat sa kahon ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP kung hindi ito
nagsasaad ng patunay.

 1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na
nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago.

 2. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.

 3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang patunay rito,
ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo, senate president, at speaker of
the house) ay pawang mga taga-Mindanao.

 4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng


bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.

 5. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.

 6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensiya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa


mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit 7 libong islang lantad sa hangin at ulang
dala ng mga bagyo.

 7. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Responsibility.

 8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo.

 9. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang


minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng
DENR o Department of Environment and Natural Resources.

 10. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating
Saligang Batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating
karapatan para sa malusog na kapaligiran.
PORMATIBONG PAGTATAYA
Sagutin ang sumusunod na mga pamprosesong tanong:

1. Nasubukan mo na bang mawalan ng tiwala sa iyong sarili? Ano ang hindi mabuting naidulot nito
sa iyo at sa iyong kapwa?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others”
10
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

______________________________________________________________________________
2. Bakit kinakailangan ng mga ebidensiya o patunay upang mapatunayang totoo ang inilalahad?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAGOM / PAGTATAPOS NG ARALIN

Bakit mahalagang igalang at bigyang-halaga ang bawat tao, anuman ang katayuan o kalagayan
nito sa lipunan? Ilahad sa pamamagitan ng estratehiyang 3-2-1

Bawat tao ay may iba’t ibang katangian at kaugaliang tinataglay. Bawat isa sa atin ay
nararapat lamang na mabigyan ng halaga o di kaya’y paggalang, anuman ang katayuan nila sa
ating lipunan na ginagalawan. Ang anumang kakulangan o kapintasang taglay mo ay hindi
dapat maging hadlang sa iyong pagiging mabuting tao.

Bilang isang mabuting pinuno, kinakailangan mong bigyan halaga at respeto ang iyong
mga nasasakupan upang maging maayos, payapa, at maunlad ang nasasakupan. Gayundin,
mahalaga ito upang igalang at sundin ka ng iyong nasasakupan.

TAKDANG ARALIN
Tatlong (3) pag-uugali na dapat nating
taglayin upang magkaroon ng mabuting
Sa pagtatapos
relasyonng
sa kabanatang
kapwa. ito, ikaw ay magiging isang batang kinatawan ng turismo na
bubuo ng isang vlog na aakit sa mga turista, dayuhan man o lokal, na dalawin o pasyalan ang
Mindanao. Dito ay magsisimula na ang iyong paghahanda para sa gawaing iyan. Pag-isipan at
paghandaan mo ang mga datos at kagamitang kakailanganin mo para maging epektibo at
Dalawang
makatotohanan ang(2)vlog
pag-uugali na dapat
na bubuoin mo sa pagtatapos ng kabanata. Ilahad sa ibaba ang mga datos o
iwasan sa ating pakikipagkapwa
kagamitang kakailanganin, gayundin ang mga gagawin mong paraan sa pagkuha ng mga datos.

Mga Datos o Kagamitang


Isang (1) mensahe sa sarili na Mga Paraang Gagamitin sa
Kakailanganin sa Pagbuo ng
magpapaalalang laging igalang ang kapwa Pagkuha ng mga Datos na Ito
vlog tungkol ang
tao anuman sa Mindanao
kalagayan nito sa lipunan.

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others”


11
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Una at Ikalawang Linggo

PANAPOS NA PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

___________1. Siya ang alipin na matapang, malakas, mataas at matapat.


___________2. Ano ang pangalan ng sultan na malupit at pangit na hitsura
___________3. Saan nakita ng mga tauhan ng sultan ang binatang alipin?
___________4. Ito ang nadama ng anak ng sultan noong unang makita niya ang binatang alipin.
___________5. Ano ang ibinigay na hatol ng sultan sa binata?
___________6. Siya ang dalagang anak ng sultan.
___________7. Anong sakuna ang nangyari habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na
pagbibitayan sa dalawa?
___________8. Sa paraang ito lumaganap ang mga kuwentong-bayan.
___________9. Nasa anong anyo ang mga kuwentong-bayan?
___________10. Ang akdang “Si Usman, Ang Alipin” ay isang kuwentong-bayan mula sa anong
lugar?
II. Isulat sa kahon ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP kung hindi ito
nagsasaad ng patunay.
 1. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang
minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng
DENR o Department of Environment and Natural Resources.
 2. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo.
 3. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.
 4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng
bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.
 5. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others”


12

You might also like