Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

IL N

Department of Education Region III

IB A
I
B LA
G HA
A A
N AM
PI G P
IN
R
A
II
-A
D
G
PA
IN
H

Kuwento ni:

EMIE C. MAGLALANG
Guhit at lay-out ni:
EMIL V. SINDAC
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Aurora
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
LRMDS
Copyright 2016

Engr. EDGARD C, DOMINGO , Ph.D.,CESO VI


Schools Division Superintendent

EMELYN DT. MACARAEG


OIC Assistant Schools Division Superintendent

ERLEO T. VILLAROS , Ph.D


Chief CID

ESTRELLA D. NERI
Education Program Supervisor – LRMDS Manager

EMELITA DT. ANGARA


Education Program Supervisor-Filipino

ROMILA JUDITH M. CORONG


Librarian

COPYRIGHT NOTICE

Section 9 of Presidential Decree No. 48 provides “No copyright shall


subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines.
However, prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary to avoid exploitation of such
”.work for profit

This material has been developed through the Curriculum and Learning
Management Division (CLMD) of the Department of Education,
Region III, and Schools Division of Aurora. It can be produced for
educational purposes and the source must be clearly
acknowledged. The material may be modified for the purposes of
translation into another language or dialect, but the original work
must be acknowledged. Derivatives of the work including creating
an edited version, an enhancement or a supplementary work are
2permitted provided the original work is acknowledged and the
Sa mga Magulang at Guro,

Ang kuwentong ito ay binuo upang tumimo
sa puso't isipan ng mga batang mag-aaral ang
kahalagahan ng pagiging malinis sa katawan. Ito
ay unang natututuhan sa tahanan sa paggabay
ng mga magulang. Sa murang edad, itinuturo
ng mga magulang at mga guro sa paaralan
kung paano alagaan at napapanatiling malinis
ang kanilang katawan.
Kaaya-ayang tingnan ang batang malinis.
Maraming nagiging kaibigan dahil kinalulugdan
ng lahat.Kaya dapat pangalagaan ang
ating kalusugan, Ang pagiging malinis ay
pangangalaga din ng katawan.

3
MGA TAGA-PATNUGOT

EMIE C. MAGLALANG
MAY AKDA

EMIL V. SINDAC
TAGAGUHIT AT TAGA-LAYOUT

4
ARAL KAY
KARLOS

Lathalain ng

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)
Department of Education
Regional Office III

5
Siya si Karlos, laging umuuwi na
madumi ang katawan at kasuotan.

6
7
7
Siya naman si Carla, Malinis
sa katawan. Masaya siya sa
kanyang pag-uwi.
"Yehey! nabigyan ako ng
sertipiko at laso ni Mam" wika ni
Carla.

8
99
Habang nagwawalis ang nanay
ni Carla ay kanya itong tinawag.
" Inay,inay.. , nakatanggap po
ako ng sertipiko at laso mula kay
mam , " wika ni Carla.

10
11
11
Natuwa ang magulang ni Carla
sa narinig na balita.
" Masaya ako anak dahil sa pagiging
malinis mo ay nakatanggap ka ng
sertipiko at laso mula sa iyong guro".
malugod na wika ni Aling Marta.

12
13
13
Habang nag-uusap ang mag-ina
ay siya namang pag-uwi ni Karlos.
Sa kanyang pag-uwi ay may mga
batang nanloloko sa kanya.
"Karlos ,Karlos.. batang madumi".
Ang pang-aasar ng mga bata.
Umuwing umiiyak si Karlos at patakbo
siyang pumasok sa kanilang bahay.

14
15
Nagulat sina Aling Marta at Carla.
Bumulaga ang marungis na si Karlos.
" Naku, Karlos! " Bakit kay dumi ng
mukha't uniporme mo"? tanong ni
Aling Marta.

16
17
17
Pero parang walang narinig si
Karlos. Sa sertipiko at laso na hawak ni
Aling Marta nakapako ang kanyang
paningin. Parang nagtatanong.

18
19
"Ah,ito ba? Bigay ito ng guro ni
Carla,huwaran siya sa pagiging
malinis." sabi ng ina.
"Sana anak sa susunod ay
makatanggap ka rin ng ganito."
dagdag pa ni Aling Marta.

20
21
"Inay , ayaw ko na pong tinutukso
akong madumi. Gusto ko rin pong
makakuha ng sertipiko at laso na
gaya niyan,"sabi pa ni Karlos, sabay
turo sa hawak ng ina.

22
23
Nagkatinginan sina Aling Marta at Carla.
Napangiti sila. Ngayo'y alam na nilang
magbabago na si Karlos.

24
25
25
Lagyan ng bilang 1-6 ang mga
larawan ayon sa pagkakasunod-
sunod sa kuwento.
Iguhit si Karlos at gawin siyang malinis
na bata.
Bilugan ang mga gamit sa paglilinis ng katawan
CURRICULUM WEB PARA SA KUWENTO

ESP-1
Naipamamalas ang •
ESP - 2
pang-unawa sa kahalagahan ng
Naisakikilos ang sariling •
pagiging malinis sa katawan. EsP1-
kakayahan sa ibat-ibang paraan.
KP-IF-5
)(pagguhit
Nakapagpapakita ng •
kakayahang labanan ang takot kapag
)may nangbubully.(EsP2PKP-Ic-10
Naisakikilos ang mga paraan ng •
pagpapanatili ng kalinisan , kalusugan
at pag-iingat ng katawan.(EsP2PKP-
)Id-11

Ni Emie C. Maglalang

Iginuhit ni Emil V. Sindac


ENGLISH -2
Note important details • MATH- 1
pertaining to characters , Nabibilang ang •
.setting , events mga bagay mula isa
Infer the characters • .hanggang sampu
.feelings and traits MINS-Ib-2.1
Identify cause and •
effect of events. EN2LC-IIa-j-1.1
Ask and answer simple •
question about the text listened
to. EN2LC-IIc-2.1

SINING – 1

Nakaguguhit mg ibat-
ibang hugis , linya , at
kulay
A1PR- !h
ARAL KAY KARLOS
Ang kwentong ito ay tungkol kay Karlos.Isang batang
lalaki na hindi marunong mag-alaga sa kanyang sarili.
Laging marumi ang kanyang katawan at suot na damit
kaya lagi siyang tinutukso ng kanyang mga kamag-
aaral. Nagbago siya dahil ayaw na niyang tuksuhin at
gusto din niyang maging huwaran sa pagiging malinis
.sa kanilang silid aralan tulad ng kapatid niyang si Carla

KWENTO NI: EMIE C. MAGLALANG: Nagtapos sa Kurso


Bachelor of Science in Elementary Education taong 1982 sa
Mount Carmel College,Baler.Nagsimulang magturo noong
taong 1982 sa Paaralang Elementarya ng Reserva.Noong 1986
ng siya ay nalipat sa Paaralang Sentral ng Baler. Kasalukuyang
T-III ng Baler Central School at tagapayo ng Ikalawang Baitang
.-FL

IGINUHIT AT LAY-OUT NI: EMIL V. SINDAC: Nagtapos sa


kursong Bachelor of Science in Elementary Education taong
2009 sa Mount Carmel College, Baler. Kasalukuyang guro ng
Baler Central School at tagapayo ng Ikalimang -Baitang at Arts
.Club Adviser

You might also like