Professional Documents
Culture Documents
Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryong Isyu
SA PAG-AARAL
NG
MGA
KONTEMPORARYO
NG ISYU
GRADE 10
1. ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU?
Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang com+tempor na
nangangahulugang current o napapanahon.
Kapag sinabing kontemporaryong isyu, ito ay tumutukoy sa mga isyu na
nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Sa madaling
sabi, ito ng pinakapinag-uusapan sa ating lipunan ngayon. Matutunghayan sa ibaba
at sa susunod na pahina ang mga isyu ngayon.
Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan ngayon kaya
dulot nito’y nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa
pagsolusyon sa bawat isa. At bilang isang mamamayan ng ating bansa,
naaapektuhan tayo sa mga isyung ito gustuhin man natin o hindi. Sa pang-araw-
araw nating pamumuhay, hindi maiiwasang malaman natin ang mga nangyayari sa
mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging isang aktibong mamamayan na
may pakinabang sa ating inang bayan. Huwag sana tayong magbingi-bingihan at
magbulag-bulagan. Gamitin natin ang kontemporaryong isyu upang makatulong sa
kung ano man ang dapat paunlarin.
3. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
SA LIPUNAN
EKONOMIYA
AGRIKULTURA
Kung ating titingnan sa kahit saang aspekto, ang ekonomiya ang labis na
maapektuhan kung magpapatuloy ang labis na pagbabago ng klima sa ating
mundo (climate change). Pinakaunang maapektuhan dito ay ang mga produkto sa
ating agrikultura katulad ng palayan. Ayon sa balita, maraming mga palayan ang
higit na napinsala sa init ng panahon. Hindi maitatangging ang lahat ng ito’y
nagdulot ng kakulangan ng suplay sa bigas kung kaya’t ang Pilipinas sa taong ito
ay nag-aangkat na lamang ng mga bigas upang mapunan ang kakapusan. Sa tindi
ng init na tinatamasa ng Pilipinas ngayon, gumawa naman ang pamahalaan at iba’t
ibang sektor ng gobyerno ng mga paraan upang magkaroon ng maayos na
irigasyon sa tubig ang mga palayan upang hindi tayo araw-araw na kakapusin sa
bigas. Ginagawa nila ang kanilang makakaya upang maging sapat para sa mga
Pilipino ang bigas na nakukuha natin mula sa pagtatanim, kaya sana ang lahat ay
maging
masinop rin
sa pagkain
hindi lamang
sa bigas kundi
sa ulam at iba
pa nating
pagkain.
Hindi dapat
tayo basta-
bastang
nagtatapon ng
anumang
pagkain.
Sa katunayan
ay gumawa na ang
iba’t ibang sector ng
gobyerno ng mga
solusyon para sa
climate change.
Nitong taong 2012 ay
nagkaron ang DENR
ng “Strategy Paper
for Private Sector
Participation in the
Implementation of
the National Climate
Change Action Plan
(NCCAP)”. Ito ang ilan sa mga layunin ng proyektong ito:
3. ISYUNG PANG-EKONOMIYA
3.1 UNEMPLOYMENT
Ilan lamang ito sa mga sanhi ng pagtaas ng unemployment rate sa isang bansa.
Kung ating susuriin sa pangkalahatan, marami pang dahlin ngunit ito ang
sinasabing pinkapuno’t dulo kung bakit nagkakaroon ng unemployment.
3.2 GLOBALISASYON
Kaliwa’t kanan ang pagsulpot ng mga multinasyonal na kumpanya o
korporasyon na nag-aalok ng mga produkto at serbisyo na hindi likas na
nagmumula sa Pilipinas. Nagbibigay ito ng suliranin hindi lamang sa pamahalaan
ngunit maging sa mga sambahayan at bahay-kalakal sa kung ano at paano sasabay
sa globalisasyon sa buong mundo. Simula sa isyu ng kakayahang magtrabaho sa
ibang bansa hanggang sa mga produktong dapat tangkilikin, lahat ay apektado ng
globalisasyon.
BRUNDTLAND REPORT
Noong 1983, napakalaking isyu sa mga ordinaryong mamamayan ang
kapaligiran kung kaya’t pinagtuunan ito nang pansin ng United Nations General
Assembly (UNGA). Bumuo sila ng panibagong komisyon o organisasyon na
siyang mamamahala sa mga kritikal na isyu na may kaugnayan sa kapaligiran at
pag-unald o development . Sa madaling sabi, nagkaroon ng panibagong samahan
upang pag-aralan ang kritikal na mga isyu sa kaugnyan ng konseptong kapaligiran
at kaunlaran.
Sa pamumuno ni Prime Minister Gro Harlem Brundtland ng Norway, ang
malayang samahan na ito ay nabuo at nabigyan ng bagong pangalan bilang World
Commission on Environment and Development (WCED) sa taong 1987.
Kasama sa pagbuo ng nito ay tatlong layunin na kanilang ginawa upang mas
mapagtibay pa ang pag-aaral na ito. Ito ang ilan sa mga sumusunod na layunin:
1. Ang masuring muli ang mga kritikal na isyu sa likod ng konseptong
kapaligiran at kaunlaran upang makagawa ng isang inobatib, konkreto, at
makatotohanan na action plan.
2. Ang mapagtibay ang internasyonal na kooperasyon ng konseptong
kapaligiran at kaunlaran.
3. Ang mapataas ang lebel ng pang-unawa at pagkakaugnay sa paggawa ng
solusyon sa mga nararanasan sa mga institusyon, pampublikong mga
sektor, negosyo, at lalo na ang problema sa bawat mamamayan.
SOCIAL EQUITY
REORYENTASYON SA KAUNLARAN
Ang Kaunlaran ay kinakailangang bigyang-linaw upang magkaroon ng
kalidad ang ating ginagawa. Sinimulan ito sa pagbigay-kaibahan ni Jacobs ng
“standard of living” sa “quality of life” Aniya, ang standard of living ay
tumutukoy sa mga simpleng bagay na nabibili ng ating pera na kinikita samantala
ang quality of life naman ang mga bagay na hindi kayang bilhin ninuman.
Tumutukoy ito sa kalidad ng buhay mayroon tay katulad ng pagkakaroon ng
sariwang hangin, malinis at sapat na tubig, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng
maayos na klima na angkop sa ating bansa.
Ang mga salik ng kapaligiran na ito ay hindi makikita sa pamamagitan
lamang ng pag-aaral sa ekonomiya ng bansa katulad ng Gross National Product
(GNP) at Per capita income. Sa katunayan, kahit iyong ibang bansa na nagtala ng
pinakamataas na per capita income ay nahihirapan pa rin sa pagrecover ng mg
nasirang kapaligiran kung kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng paglilinaw sa
konseptong Sustainable Development.
PUNDASYON NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT
Isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng Sustainable Development ay ang
hindi nito pag-inda sa istatus ng ekonomiya at ang pagpapahalaga nito sa kultura
ng isang bansa. Mas binibigyang-diin nito ang ugnayan ng kaunlaran at kalikasan
kung kaya’t itinuturing ang komunidad, kapaligiran, at ekonomiya na tatlong
mahahalagang pundasyon ng sustainable development habang ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga ito ay hindi mawawala. Pinangalan ito bilang tatong
pinakamahalagang pillar o pundasyon ng Sustainable Development sa naganap na
World Summit ng Sustainable Development noong 2002 sa Johannesburg.
Society o Komunidad
Kinakailangan ang malalim na pag-intindi sa ating lipunan na kinabibilangan
ngayon halimbawa ang mga kabataan sa ngayon nang s gayon ay makatulong sila
sa pambansang kaunlaran. Sa paliwanag ng mga sektor ng World Summit, ito ang
naging ideya:
… an understanding of social institutions and their role in change and
development, as well as the democratic and participatory systems which give
opportunity for the expression of opinion, the selection of governments, the
forging of consensus and the resolution of differences…
Kapaligiran o Environment
Isang pinakamahalagang pundasyon ng Sustainable Development ang kapaligiran.
Nangangailangan ng konsiderasyon ang ating kapaligiran, ibig sabihin hindi na
dapat ubusin pa ang matagal nang ubos na mga likas na yaman upang hindi
mangyari an gating mga kinatatakutang kalamidad. Ito naman ang ilan sa pahayag
ng iba ukol dito:
… an awareness of the resources and fragility of the physical
environment and the effects on it of human activity and decisions, with a
commitment to factoring environmental concerns into social and economic
policy development…
Ekonomiya
Sa ating ekonomiya nakasalalay ang kapakanan ng ating bansa, ngunit hindi
nangangahulugan na dapat nating ibuhos lahat ng mayroon tayo upang mapaunlad
ang ekonomiya. Ang mga negosyo ay dapat na maging sensitibo sa ating
kapaligiran kung kaya’t hindi maiaalis sa isipan na ang dalawang konseptong ito
ay magkakaugnay. Ito naman ang paliwang ng ilan patungkol sa ekonomiya:
Pag-uuring Estruktural
pangkapaligiran, pangkabuhayan, pangkapangyarihan, pangkalipunan, pangkalinangan
Pag-uuring Teritoryal
lokal, nasyonal, internasyonal
isyung pangkalinangan
may kinalaman sa kalinangan, halagahin, paniniwala, pag-aasal, tradisyon, at wika ng mga tao
isyung lokal
mga problemang kinakaharap ng pamayanan
isyung nasyonal
mga suliraning pambansa
isyung internasyonal
mga usaping tumatawid sa isa o higit pang bansa
Ayon sa pag-aaral ng mga ilang iskolar, kailangang handa rin ang gobyerno sa
pagreresponde sa anumang uri ng sakuna at malaking tulong kung mayroon silang sinusunod
na disaster risk reduction and mitigation program. Ang disaster risk reduction and mitigation ay
ang paggamit ng mga pamamaraan na naglalayong bawasan ang mga pinsalang sanhi ng mga
likas at gawang-tao na mga panganib sa pamamagitan ng maayos at naaangkop na
pamamaraan ng pag-iwas at listing paghahanda.
Risk reduction – ito ang pagtukoy sa mga bantang panganib (hazard) at bulnerablidad
(vulnerability) na maaring isang panganib at sanhi ng kalamidad kapag nagkasama.
Risk management – nakapaloob dito ang mga sumusunod na mga hakbang pagtukoy sa
mga bantang panganib
Kontemporaryo – tumutukoy ang mga ito sa "kapanahon". Sakop nito hindi lamang ang
kasalukuyang pana8hon kung hindi maging ang malapit na nakalipas o nakaraan.
Isyung pangkalipunan – tumutukoy sa mga problema ng mga pangkat ng mga tao o sektor
panlipunan batay sa uri, etnisidad o lipi, pananampalataya o relihiyon, kasarian o seksuwalidad,
at gulang o henerasyon
Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu – mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang mga kilusan
para sa pagbabagong panlipunan na tumutugon sa iba't ibang suliranin nito.