Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. LAYUNIN

a. Nailalahad ang kahulugan ng konsepto ng kabihasnan at sibilisasyon;


b. Naihahambing ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon sa pamamagitan ng diagram/chart; at,
c. Naisa-isa ang mga batayang salik sa pagkakabuo ng kabihasnan.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon
b. Kagamitan: Mga larawan, venn diagram, ppt
c. Sanggunian: Modyul sa AP 7 at MELCS

III. PAMAMARAAN
1.Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Mga Paalala para makaiwas sa Covid-19
c. Talahulugan
d. Paunang Pagtataya

2.Paglinang ng Aralin
a. Gawain: 4 Pics in 1 Word
* Pagpapakita ng apat na magkakaugnay na larawan para mabuo ang konsepto ng salitang
hinahanap.

3.Pagtalakay
a. Pagsusuri ng kahulugan ng salitang kabihasnan t sibilisasyon.
*Gamit ang Venn Diagram susuriin ang kahulugan ng salitang kabihasnan at sibilisasyon, at ang
pagkakaiba o pagkakapareho nito.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang tinutukoy sa bawat aytem.
__________1. Ang sibilisasyon ay hango sa salitang ito.
__________2. Ito ay katutubong salita sa Pilipinas kung saan hango ang salitang kabihasnan.
__________ 3. Bukod sa eksperto at bihasa, ito pa ang tawag natin sa isang tao na nagkaroon ng
kasanayan sa isang bagay.
___________4. Ito ang humubog sa mga Sinaunang Kabihasnang Asyano.
___________5. Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit bilang
kasingkahulugan ng sibilisasyon at ito ay katutubo na salita sa Pilipinas.

V. Karagdagang Gawain
I-POSTER-SLOGAN MO!
Iyong ipagmalaki ang inyong lugar sa pamamagitan ng paggawa ng isang
poster-slogan na magpapakita ng uri ng pamumuhay dito.

Inihanda ni: REGINE R. BALIAT

You might also like