Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Introduksiyon:

Isang Mapagpalang araw sa ating lahat! Malugod Po kayo naming


makasamang muli sa isa namang makasaysayang Panpinid na Pagdiriwang ng
Buwan ng wika dala-dala ang temang: Filipino at mga Wikang Katutubo sa
Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.

I.

Bago Po tayo pormal na magsimula, narito Po ang Awit Panalangin at susundan


ng Awiting makabansa mula sa Sangay ng Agusan Del Norte sa pangunguna ni
Maam Epefania N. Cultura ng Distrito ng Kabadbaran.

II.

Maraming salamat sa inyong lahat sa pakikiisa sa taunang pagdiriwang na ito


ang Buwan ng Wika. Muli ipinaaalalahan Po namin kayo na live tayo ngayon sa
Facebook para sa mga kasamahan nating guro, edtudyante at mga
tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Yamang ang nais lang Po natin ay mabigyan
ng pagkilala ang wikang pambansa na tuloy sa maayos na pakikipag-ugnayan.
Hinihimok naming na kayo’y makiisa sa pagdiriwang na ito hanggang matapos.

III.

Sa pagkakataong ito, narito Po si Ginoong Alejandro P. Macadatar mula s


atanggapan ng rehiyon para sa pambungad na balak.

IV.

Maraming Salamat Po Sir!

Higit pang lalo ang maaari nating makuha sa pagdiriwang na ito kalakip na ang
mga dapat nating mapagtanto sa kahalagahan ng katutubong wika. Ngayon
samahan ninyo kami kalakip ang mga tagapamanihala ng mga Paaralan,
Tagapamanihala Romeo O. Aprovechar ng Agusan del Norte, Tagapamanihala
Minerva T. Albis ng Agusan Del Sur at Tagapamanihala Imelda N. Sabornido ng
Bayugan City. Salubungin Po natin sila ng birtuwal na palakpakan.
V.

Maraming Salamat Po sa inyong makabluhang pagpapayabong ng kaalaman sa


wikang katutubo at pambansang wika.

Makulay ika nga ang angking tinig at katangian ng wikang Filipino. Nabibigyan
natin ng buhay ang bawat salita sa musmos na bibig. Kaya naman, atin Pong
pagnilay-nilayan at pakinggan ang nakakaintig damdaming Balak ng mga piling
mananalita na mula sa Agusan Del Norte, Mitchelle B. Abulag ng Jabongga
District, sa Agusan del Sur narito Po si April Jhon T. Certicio ng Mababang
Paaralan ng Sta. Josefa at mula naman sa Bayugan City, Punong Guro Judy B.
Gealagon ng Lungsod ng Bayugan.

VI.

Maraming Salamat Po sa inyong Lahat!

Tunay ngang bawat halina ng tinig at salita ay napupukaw ang ating adhika.
Ang pag-usad at patuloy na pagkilala ng wikang pambansa ay salamin ng
maayos na pamamahala. Atin Pong pakinggan ang Mga pananaw sa
kahalagahan ng katutubong wika mula sa magagaling na tagapamanihala ng
paaralan, Kawaksing Tagapamanihala Jasmin R. Lacuna, ng Bislig City,
Tagapamanihala Marilou B. Dedumo ng Butuan City at Tagapamanihala Jeanie
L. Mativo ng Dibisyon ng Lungsod ng Cabadbaran. Salubungin natin ng
masigabong birtuwal na palakpakan.

VII.

Maraming Salamat Po sa inyong napakakomprehensibong pantingin sa


kahalagahan ng katutubong wika.

Nananalaytay sa atin ang paggiging Filipino. Kaya’t hindi rin lingid sa atin ang
pagging magaling na makata. Pakinggan Po natin ang mga Balak ng mga piling
mananalita na mula sa Bislig City, Roland F. Historia ng Mataas na Paaralang
Bislig, galling naman sa Mababang Paaralan ng Lungsod ng Butuan, Gary Clint
Capapas at mula naman sa Cabadbaran City, Saldivar C. Laureto.
VIII.

Magaling mga Ginoo, kung gaano kayo katikas ganuon din naman kadalisay ang
inyong mga salita!

Ang pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika 2021 ay hindi masasabing kompleto.


Sabi nga nila na ang anumang niluluto ay hindi masarap kung kulang ang mga
rekado. Isang napakalaking karangalan para sa ating mga tagapagtaguyod na
makasama at patuloy na nakikiisa sa ating mga hangarin ang tinuturi nating
Ina sa adhikaing ito, Direktor ng Rehiyon Ginang Evelyn R. Fetalvero, CESO IV
para sa kaniyang mga salitang paghamon na makakatulong upang lalo nating
pagtibayin ang wikang pambansa. Atin Pong pagpugayan ang butihin nating
director.

IX.

Napakasarap ng mga salitang iyon na nakakabusog sa ating isipan para sa


patuloy na pakikibaka ng wikang pambansa. Kaya’t ipinapaabot namin ang
aming Pasasalamat sayo aming butihing director.

Ngayon ay ating saksihan ang pagtatanghal ng mga piling kawani ng


Kurikulum, Instruction Division ng Sangay ng Lungsod ng Surigao sa
pangunguna ng kanilang hepe, Carlo P. Tantoy. Bigyan Po natin ng birtuwal na
Palakpakan.

X.

Napakatalento talaga ng mga Filipino. Talagang hindi lamang sa bigkas ng salita


pati narin sa numang tanghalan. Maraming salamat Sangay ng Lungsod ng
Surigao.

Ang katutubong wika ay pantulong na wika sa matayog na paglipad ng wikang


pambansa. Naging ugat ito ng anumang pakikipag-ugnayan at pakikisama sa
sinuman sa atin. Atin Pong pakinggan ang Mga pananaw sa kahalagahan ng
katutubong wika mula sa magagaling na tagapamanihala ng paaralan,
Tagapamanihala Feliza G. Laranjo, ng Dinagat Islands, Tagapamanihala Nelia S.
Lomocso ng Dibisyon ng Siargao at Tagapamanihala Karen L. Galanida ng
Dibisyon ng Lungsod ng Surigao. Salubungin Po natin ng masigabong birtuwal
na palakpakan.
XI.

Maraming salamat Po Maam Laranjo, Maam Lomocso at Maam Galanida sa


malawakang pagkilala at pananaw ng Katutubong Wika.

Atin Pong damdamin ang mga salita at boses ng mga manunulat ng balak na
mula sa Dinagat Islands John Rey C. Clarion ng DRESMNHS distrito ng San
Jose, mula naman sa Siargao Islands Cara Angela Arong at galling naman ng
Surigao City, Mhelba H. Pahayahay ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Taft.
Bigyan natin ng birtuwal na palakpakan.

XII.

Talagang hindi lamang ang paggiging guro ang kaya natin kundi pati na rin ang
pagpapakintad ng mga salitang Filipino. Maraming Salamat Po sa Inyo mga
kaguro.

Hindi man ganuon kahusay ang ating dila sa katutubong wika ngunit kinikilala
natin ito na yamang hindi makukuha at maangkin. Atin Pong pakinggan ang
Mga pananaw sa kahalagahan ng katutubong wika mula sa magagaling na
tagapamanihala ng paaralan, Kwaksing Tagapamanihala Leonevee V. Silvosa ng
Dibisyon ng Surigao Del norte, Tagapamanihala Josita B. Carmen ng Dibisyon
ng Surigao Del Sur at Kawaksing Tagapamanihala Rita S. Reyes ng Dibisiyon ng
Lingsod ng Tandag. Salubungin Po natin ng masigabong birtuwal na
palakpakan.

XIII.

Maraming Salamat Po sa inyong lahat. Hayaan ninyong kami rin ang patuloy na
magtatangkilik ng katutubong wika.

Ngayon ay ating pakinggan ang nakakaantig damdaming salita ng mga


manunulat ng balak na mula sa Dibisiyon ng Surigao Del Norte, Ulong-guro
Ranulfo Canda, mula naman sa Dibisyon ng Surigao Del Sur Alor B. Subuza at
galing naman ng Dibisiyon ng Lungsod ng Tandag, Gurong Tagapamahala Oliver
O. Suarez. Bigyan Po natin ng birtuwal na palakpakan.
XIV.

Maraming Salamat sa Inyo mga Ginoo. Talagang Napakagaling!

Sangayon naman ay ating saksihan ang paggawad ng sertipiko sa 12 dibisiyon,


12 Mambabalak at 1 para sa mambabalak ng Rehiyon.

Talagang hindi mapapantayan ang angking talino, talento at galing ninyong


lahat. Aasa Po tayo na ang hamon na kinakaharap ng Wikang Filipino ay
magiging lakas natin upang paigtiin ang pagnanais na patuloy na paglago ng
wikang pambansa.

Sa inyong lahat Maraming, Maraming Maraming Salamat Po.

XV.

Hindi mabibili ang pasasalamat ng taggapan para sa mga nagging bahagi ng


pagdiriwang na ito. Kaya naman atin Pong pakinggan ang isa sa mga batikang
tagapagsalita, Attorney Fiel Y. Almendra, CESO V, Kawaksing Direktor ng
Rehiyon at dating Kawaksing Direktor ng Rehiyon Doktor Lorenzo O. Macasocol.
Atin Pong bigyan ng Birtuwal na Palakpakan.

You might also like