Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 9

MALAYANG PUSO, MALAYANG DIWA


WEEK 1-2
Self-Learning Module
NOTE: PLEASE DO NOT RETURN THIS MODULE

Paglalarawan ng Paksa:
Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan.

Learning Competency (MELC):


 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga salawikain, sawiakin, kasabihan at bugtong sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
 Nabibigayng-kahulugan ang mga talinghagang ginagamit.

Paksa:
MALAYANG PUSO, MALAYANG DIWA

Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari;
b. nabibigyang-kahulugan ang mahirap na salitang ginagamit sa akda batay sa denotibo o konotibong
kahulugan; at
c. nagagamit ang mga hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa totoong buhay.

TALAKAYIN:
A. Panitikan

Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan. Kadalasang natatapos itong mabasa
sa isang upuan lamang. Karaniwang nakabatay ang mga paksa sa mga tunay-na-buhay na pangyayari anupa’t ang mga mambabasa
ay madaling makaugnay sa salaysay nito. Kaya naman masasabing ito ay isang payak ngunit masining na salamin
ng buhay ng isang tao.

MGA BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO


1. Panimula: Sa bahaging ito niya paaasahin ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda; karaniwang
inilalalahad ang mga katangian ng pangunahing tauhan at ang kaniyang suliranin na siyang magiging pokus ng tunggalian.
2. Saglit na Kasiglahan: Dito matatagpuan ang mga pagbabalik-tanaw at pagpapakita ng kung paano humantong sa ganoong punto
ang sitwasyon. Makikita rin dito ang pagtatagpo ng mga tauhan na kabilang sa suliranin ng akda.
3. Paglalahad ng Suliranin: Sa bahaging ito magsisimula ang balakid ng pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang mga pangyayari sa
akda. Ang mga tauhang may malaking kahalagahan ay ang mga tauhang umiikot sa suliranin ng pangunahing tauhan.
4. Tunggalian: Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan na maaaring mula rin sa suliraning nailahad. Maaaring kalaban ng
tauhan ang kapwa tauhan, ang sarili, ang kalikasan o ang lipunang ginagalawan ng pangunahing tauhan.
5. Kasukdulan: Ito ang pinakamasidhi o pinakamataas na yugto ng akda. Dito na rin matatagpuan ang kalutasan sa suliranin o ang
katapusan ng tunggalian ng pangunahing tauhan. Makikita rin dito ang pinakamatinding pangyayari ng akda, kamatayan ng bida o
tagumpay.
6. Wakas/Kakalasan: Ang katapusan ng akda. Dito na mapapayapa ang mga tauhan matapos malutas ang suliranin at humupa ang
tunggalian.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
1. Kuwento ng Pag-ibig – Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.
2. Kuwento ng katutubong kulay – Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan
doon, at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at pamantayan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
3. Kuwento ng Tauhan o pagkatao – Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na
pagkatao ng pangunahing tauhan.
4. Kuwento ng kaisipan o sikolohiko – Sinisikap na pasukin ng kuwento ang kasuluk-sulokang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga
mambabasa.
5. Kuwento ng katatakutan – Matindi ang damdaming nagbibigay buhay sa kuwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot
at lagim na nililikha ng mga pangyayari sa katha.
6. Kuwento ng kababalaghan – Naglalaman ang kuwentong ito ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas
ng kalikasan at makatwirang pag-iisip.
7. Kuwento ng katatawanan – Ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin at may
himig na nakakatawa ang akda.
8. Kuwento ng talino – Ang kuwentong ito ay punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang mga
kuwentong detektiv o sa paniniktik ang halimbawa nito.
9. Kuwentong pampagkakataon – Kuwentong isinusulat para sa isang tiyak na pangyayari, gaya ng Pasko, Bagong Taon, at iba pa.
10. Kuwento ng kapaligiran - Kuwentong ang paksa ay ang mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan.
11. Kuwentong makabanghay o madulang pangyayari – Ang pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang
nangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang maging katayuan o kalagayan ng mga tauhan.
Ang maikling kuwentong “Ako ay isang ibon” ay mula sa orihinal na akdang, “I am a Bird” ni Kathrina Haji Mohd Daud mula sa
bansang Brunei. Nagwagi ito dahil sa pagkilala ng mga huradong itinalaga ng Ubud Writers and Readers Festival.
Ako ay Isang ibon
ni Kathrina Haji Mohd Daud
Mlayang salin ni Dr. Florante Garcia
Katulad ng panahon. Kailangan kong magbago. Gamit ang aking metal na pakpak, lumilipad ako palayo sa ulan at alinsangan
ng Brunei tuwing Setyembre patungo sa Paliparan ng London, kung saan ako ay tatanungin at sisiyasatin ang laman ng aking bag.
Kung may dalang nakatagong de-latang corned beef, sugared cattlefish, at white rabbit. Makahihinga lamang ako nang panatag,
matapos makaraan sa London Heartrow ang aking mga gamit sa customs at immigration.
Nang una kong nakatungtong sa London, tunay na kahanga-hanga ang Paliparan nito at ang sarap damhin ng lamig ng
hangin na kapag nalalanghap ay gumuguhit sa aking baga. Ngayon, sinisigurado ko na lamang na sapat ang aking damit laban sa
alamig at kaya ko nang maabot sa pagkuha ng aking mga bahage nang nakapikit.
Pagdating ng tag-init sa buwan ng Hunyo at Hulyo kung saan nagtatapos ang taong pang-akademiko, ako ay lilipad palayo sa
init ng inglatera pabalik sa mahalumigmig na Brunei. Pagtapak ko pa lamang mula sa himpilan ng eroplano, ramdam ko na agad ang
kaibahan ng aking paligid. Mas mabagal ang pila at hindi balisa ang mga tao. Ang tibok ng aking puso ay banayad at kalmado.
Nararamdaman ko ang panatag na kalooban.
Samantala, ang aking bahage ay puno ng Marks and Spencers biscuits, pasalubong mula sa Harrod at Mothercare, mga
tindahan na hindi local dito. Sa labas, alam kong naghihintay ang aking pamilya sa aking pagdating at babati nag may buong ngiti sa
aknilang mga labi. Dito pinili kong suotin ang magaan na damit. Hindi kagaya sa London na mabigat at patong-patong.
Sa mga buwan at kalagitnaan ng panahon. Ang aking mga paa’t binti ay mabilis sa paglalakad, paglalakad patungo sa kung
saan-saang lugar. Pakiramdam ko nalakd ko na ang kabuoan ng Inglatera patungo sa paaralan, sa himpilan ng mga bus, sa tindahan,
at sa estasyon ng tren. Nakamamanghag panoorin ang mga baba at lalaking mapuputi na ang buhok na sa kanilang edad ay likas na
nag-aatubiling maglakad sa lahat ng dako na tila isang pangangailangan, na walang inaasahang anak na magtungo sa tindahan upang
sila’y ibili ng kung anuman o pagsilbihan sila mula sa sariling pagkukusa.
Sa mga bakasyon tuwing buwan ng Disyembre at Masrso, ako ay pansamantalang lumilipad sa mga bagong lugar – Spain,
France, Italy, Holland. Nanlalaki ang aking mga mata sa mga bukid ng tulips, mga larawang ibinebenta na naghahalo-halo na sa bawat
isa. Gayundin ang palaging may Birheng Maria at sangol na si Jesus na mapuputing kutis na inukit sa marmol. Hindi ko nakikita ang
kulay ng aking balat sa mga ito, o kahit sa mga diyaryo sa Inglatera na The Daily Mail at The Guardian. Nakikita ko ang itim, puti at
minsang itim na kayumanggi – karaniwan sa mga Pakistan at Idian – minsan tinatawag silang South Asian, pero kahit kalian hindi
Southeast Asian. Ang di kabilang na kataga sa mga ito ay Ako.
Kaya nang ako ay tanungin at ayain mong magpakasal s aiyo, nakatindig akong Mabuti at nakamasid sa iyong maliwanag na
kapeng buhok at mga mata, at sa mapula-pulang kutis, sa kaaya-ayang makisig na katawan at mukha. At kahit alam mong ako’y may
damdamin sa iyo, sumasakit man ang aking puso dahil sa pagmamahal ko sa iyo, pero mas gusto ko paring sumagot ng “HINDI”.
‘Bakit?” tanong mo sa akin. At kitang-kita sa mukha mo ang iyong pagtataka, ang sakit ng inisip mong pagtatraydor, tulad ng
makikita mo sa akin tuwing inuusisa ang aking Visa tuwing papasok ako sa iyong bansa.
Puwede kong sabihin s aiyo na minahal kita, minahal ang pakiramdam
ng minamahal ka. Pero ang gusto ko ay init na tagos sa buto at hindi lamang sa
aking balat, na kapag iniisip kita sa Brunei, nakikita ko ang tila nawawala mong
ekspresyon , ang galit mo sa bagal ng pila, sa malabong eksplanasyon, sa
aming mga batas na di ka sang-ayon.
Kapag sinabi ko sa’yo na kaya lamang kitang mahalin sa Inglatera,
sinasabi ko rin na sa Inglatera mo lang din ako kayang mahalin. Hindi ko ito
masabi sa’yo dahil hindi mo maiintindihan, magagalit ka at sasabihin mo na “love
conquers all”. Pareho tayong marunong mag-Ingles at kaya kong sabihin s aiyo,
“Hindi ito totoo.”
Nakita ko ang katotohanan habang ako ay nasa ulap, nang tumingin
ako lagpas sa aking mga metal na pakpak at nakita ang lupa na pumipigil sa galaw ng karagatan at hindi ko masabi kung ako ba ay
paalis o pabalik.
DENOTATIBO O KONOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN
Ang salita ay maaaring magkaroon ng denotatibo at konotatibong kahulugan. Denotatibo ay isang pagpakahulugang
naglalaman ng pangunahing kahulugan ng salita; tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita o kahulugan mula sa diksyunaryo.
Konotatibo naman ay pagpakahulugang maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan, at sitwasyon ng isang tao; tumutukoy sa
pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang
pakahulugan.

A. Gramatika
Ang mga pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,
napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga
salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo), at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.
Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig na karaniwang ginagamit sa Filipino.
Mga Pangatnig
1. subalit – ginagamit lamang kung ang ‘datapwat’ at ‘ngunit’ ay ginamit na sa unahan ng pangungusap
Mga Halimbawa: a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang ito.
2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang
Mga Halimbawa: a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Mga Halimbawa: a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kanyang pagsisikap.
Transitional Devices
1. sa wakas, sa lahat ng ito, pagkatapos – panapos
Mga Halimbawa: a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.
2. kung gayon – panlinaw
Mga Halimbawa: a. Malinaw ang paalaala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan iyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.

 Dapat tandaang may tatlong tunguhin ang paggamit ng mga pang-ugnay na naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Narito ang mga paliwanag at halimbawa:
1. Maghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
Halimbawa: sa dakong huli, pagkatapos, at saka
2. Maghudyat ng pagkabkabuo ng diskurso.
Halimbawa: pagsasabi ng pagkasunod-sunod (simula, sunod, at bilang pagtatapos), pagababgong-lahad (sa
madaling salita, sa amdaling sabi, kung iisipin), pagtitiyak (tulad ng sumusunod, halimbawa), paghahalimbawa
(halimbawa, mailalarawan natin ang isang bagay sa pamamagitan ng), pagbibigay-pukos (tungkol sa, pansinin na,
magsimula ako sa ), at paglalaahd (anupa’t bilang pagattapos, bilang paglalahad).
3. Maghudyat ng pamamaraan ng may-akada.
Halimbawa: sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, at iba pa.
Sangunian:
Jovita, C., et al. My Distance Learning Buddy, the Sibs Publishing House Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City.

Inihanda ni: Sinuri ni: Iniwasto ni:


CATHLYN O. RANARIO CRISTY R. BENZALES LUZ L. ESPERA
Guro Guro ng Filipino 10 School Principal

PANGALAN: ________________________________ GURO: CATHLYN O. RANARIO


BAITANG AT SEKSYON: _________________________ PETSA: ___________________
LAGDA NG MAGULANG: _________________________ MARKA: ___________________

NOTE: PLEASE SUBMIT THESE ACTIVITY SHEETS ON AUGUST 30, 2021

Gawain 1
PANUTO: Punan ang linya ng wastong pang-ugnay upang mabuo ang talata. Piliin sa kahon ang salitang nagpapahayag ng wastong
pang-ugnay na hudyat ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

Kung iisipin, Una sa lahat, Karagdagan pa,


Saka, Bilang pangwakas

(___________________, nagpapasalamat ako sa aking kabiyak sa kanyang pagiging maunawain. (________________) ang
kanyang pagiging butihing asawa at mabuting ina sa aming mga anak. (________________) hindi matatawaran ang kanyang
matiyagang pagtitiis sa akin na tanda ng kanyang labis na pagmamahal. (_______________) ay higit na dakila ang pagmamahal niya
kaysa sa akin. (___________________) ng aking sasabihin, nais kong malaman niya na labis-labis din ang aking pagmamahal sa
kanya.
GAWAIN 2
PANUTO: Balikan ang pamagat ng halimbawa ng maikling kuwentong binasa. Suriin ang ibig ipakahulugan ng salitang “ibon” sa mga
paraang denotasyon at konotasyon.

IBON

DENOTATIBONG KAHULUGAN KONOTATIBONG KAHULUGAN

GAWAIN 3
PANUTO: Isalaysay ang pagkasunod-sunod ng iyong mga gawain sa loob ng isang araw simula sa iyong paggising hanggang sa iyong
pagtulog. Gumamit ng mga pang-ugnayan na naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Sinuri ni: Iniwasto ni:


CATHLYN O. RANARIO CRISTY R. BENZALES LUZ L. ESPERA
Guro Guro ng Filipino 10 School Principal

You might also like