Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

LGBTQ - Marami man ang naging tutol sa samahang LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender, at Queer) at patuloy na ipinagtutulakan ang ideyang hindi sila
katanggap-tanggap sa lipunang kinabibilangan ng lahat ng nilikha ng Diyos. Ngunit
hindi ito ang tamang kaisipan sa kung ano ang dapat na panghawakan, marahil hindi
lahat ng pananaw sa buhay ay pare-pareho ngunit hindi ito ang magiging hadlang sa
kung ano ang nais ng bawat isa sa takbo ng kani-kanilang buhay. Mayroong iba't
ibang lahi, personalidad, paniniwala, kultura, kulay at kasarian na hindi lahat ng
tao'y nakakaintindi at hindi lahat ay mayroong makatarungang pinanghahawakan upang
ang pangyayaring hindi katanggap-tanggap ay patuloy na namamayani. Ang husgahan ang
iba ay hindi tama, lalo na't kung ito ay nagdudulot ng masama at sa halip na ang
tama ang dapat na umiiral ay ang mali pa ang siyang nangingibabaw. Ang mahalaga,
tayo ay iisa at hindi kailanman naging iba sapagkat tayo ay nilikha ng Maykapal na
mayroong puso at pag-iisip, kalayaan kung nais nating maging totoo at hindi
magpadala sa kung ano ang hindi dapat pinagtutuunan ng pansin.
2. Sa panahon ngayon hindi madali ang mabuhay sa kung anong mayroon ang bansang
ating kinabibilangan, ang mag-banat buto sa ibang bansa ay isa ng malaking
oportunidad upang makaahon sa kahirapan at matupad ang pangarap na patuloy na
hiniling noon. Hindi natin masisisi na mas marami ang naghahangad ng mga trabaho sa
ibang bansa sapagkat tila pinagkaitan ng tiyak na pagkakakitaan ang mga Pilipino sa
hindi patas na pagpapasahod ng ilang mga kumpanya o kaya'y mga kuripot na
indibidwal sa pagpapatrabaho. Ngunit hindi naman ibig sabihin ay wala ng
oportunidad sa bansang ito, hindi lamang ang lahat ng tao ay nakakatanggap ng patas
na karapatan bilang mamamayan. Ito ay nakadepende sa kung ano ang nais na paraan at
kung ano ang naiisip na tama sa tatahaking landas, kung mananatili sa bansang ito
sa sariling paraan sa pagpapaunlad o ang dumayo sa ibang bansa.
3. Iilan na lamang ang mga bansang walang diborsyo, naging usapin kung ito nga ba
ay nararapat na isabatas sa bansang Pilipinas. Ang Simbahang Katoliko'y hindi
sumasang-ayon sa diborsyong ninanais ng mga pumapabor, dahil isa nga namang
mahalagang bagay ang kasal. Pagdating sa pag-ibig at sumunod ang pag-iisang dibdib
ay hindi pa rito nagtatapos ang landasin ng dalawang nagsumpaan sa harap ng altar.
Hindi nga naman lahat ay nagtatapos sa salitang "happy ending" sa iba't ibang mga
rason kaya't humahantong sa puntong hiwalayan. Bagamat mayroon ng mga batas ukol sa
paghihiwalay ay hindi naging sapat upang putulin ang ganitong isyu. Karamihan sa
mga bansa ay sumang-ayon dito at iilan na lamang ang hindi na isa raw problema sa
ating bansa. Ngunit hindi natin masisisi na ang dahilan ng pagtutol ay isa ring
mahalagang katotohanan. Na ang mga hinaing at pinaglalaban ay mayroong mga
nakatagong dahilan hindi basta basta ipagsasawalang-bahala.
4. Ang Political Dynasty ay nauuso na sa panahon ngayon na hindi matukoy ng
karamihan kung ito nga ba ay nararapat na paraan. Kung ang naidudulot ba nito ay
pagbabago o nauuwi na sa maling paraan? Hindi masasabing ang aksyon ng mga politiko
ay para sa bayan, madalas na ang mga kilos ng mga ito'y para sa mga sarili lamang
ngunit patago ang mga galaw. Hinayaan ng ating bansa ang ganitong pamamaraan ng
paghalal sa mga uupong gobyerno imbis na ang nararapat na pagtuunan ng pansin ay
mga mayroong hangarin para sa kaniyang bayan, hindi ang isinaling mga pangalan para
lamang sa dahilang hindi naman maipaliwanag. Minsan ang mga iyon ay para sa
kasikatan at pera ngunit inaasahang hindi ganitong kaisipan ang namamayani sa mga
nangunguna sa ating lahat.
5. Walang perpektong tao sa mundo, lahat ay nakagagawa ng mga hindi tama. Ngunit
ang hindi magandang katotohanan ay umaabot ito sa hindi makatarungang kasalanan,
marami ang krimen at mga kilos ng tao na hindi na makatao kaya't ang ating batas na
ang humuhusga sa kung ano ang dapat nilang parusa. Pinagbubulay-bulayan ang bawat
batas na inilalabas, kung ito nga ba ay makatarungan o hindi na pala naaayon sa
kung ano ang tama. Ang Death Penalty ay isa na sa mga usaping nais man'g tuldukan
ng iba ngunit patuloy na nagiging paksa. Kung ang pagbawi ba ng buhay ng isang
lapastangan ay sapat nang parusa sa paggawa nito ng hindi naaayon sa iniutos ng
nakatataas? O kaya'y kasalanan na mayroon namang kaakibat na dahilan?

You might also like