Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon Quarter 1 Module 1 Week 1 2
Komunikasyon Quarter 1 Module 1 Week 1 2
Komunikasyon Quarter 1 Module 1 Week 1 2
KWARTER 1
Mga Layunin
May mga tiyak na kompetensing dapat linangin sa pag-aaral ng modyul na
ito kaya sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
Balikan Natin
Ang wika ay pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o mahigit pang
taong nag-uusap . Ginagamit ang wika upang ipahayag ang pangangailangan ,damdamin at
ang iniisip sa pakikipag-uganayan sa lahat ng pagkakataon.
1
Kailangang malaman at maunawaan ang kahulugan ng wika upang magamit ito nang
tama, angkop at wasto. Kaya naman upang maunawaan natin ang konseptong may
kaugnayan sa wika muli nating balikan kung ano-ano ang kahulugan at katangian ng wika.
Sa tulong nag concept map, isulat sa loob ng bilog ang mga konseptong alam na
tungkol sa wika batay sa ating napanood , narinig, nabasa at nasaksihan sa ating paligid.
Pumili ng dalawang salita mula sa naisulat at ipaliwanag kung bakit ito may kaugnayan sa
wika.
WIKA
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________
Unawain Natin
2
Ayon kay Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao sa komunikasyon. Ito ay
nagbabago-bago batay sa lugar at mga taong gumagamit nito.
Sa kahulugang binigay ni Gleason ay nakapaloob ang ilan mga pangunahin at
pangdaigdigang katangian ng wika: masistemang balangkas , sinasalitang tunog , pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo , ginagamit sa konunikasyon , pantao at nakaugnay sa kultura.
Mga Katangian ng Wika
❖ Masistemang Balangkas – Ang ibig ipakahulugan nito ay kaayusan o order . Bawat
wika kung ganoon ay may kaayusan o order ang istruktura. May dalawang
masistemang balangkas ang wika: ang balangkas ng tunog at balangkas ng
kahulugan. Ang wika may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsamasama sa isang
sistematikong paraan upang makabuo ng makahulugang salita na kailangan sa
pagbuo ng parirala at pangunguap.
❖ Sinasalitang Tunog – Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi
lahat ay maituturing na wika. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng
iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila , labi babagtingang tinig , ngalangala
at iba pa. Ang wika ay sinasalita samantalang ang pagsulat at representasyon ng
wika na gumagamit ng simbolo tulad ng letra.
❖ Ginagamit sa Komunikasyon – Ang komunikasyon na mula sa salitang communis
na ang ibig sabihin ay to work publicly with ay nagbibigkis sa mga tao upang
magkaisa. Ito ay nagsisilbing pandikit upang ang mga mamamayan ay magsama-
sama tungo sa pagkakaisa.
❖ Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo – Ang kahulugan ng arbitraryo ay
nakapagkasunduan. Ang bawat wika ay pinipili at isinasaayos sa paraan
napagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito.
❖ Pantao - Malinaw ang sinasabi ni Gleason na ang wika ay pantao. Naiiba ang wikang
pantao sa tunog na nililikha ng mga insekto at hayop. Ang wika ng tao ay may sistema
at kahulugan.
❖ Nakaugnay sa Kultura – Sa payak na pagpapakahulugan ang kultura ay paraan ng
pamumuhay. Kung paanong ang isang pangkat ng tao sa isang partikular na lugar ng
mga tao sa partikular na lugar ay nag-iisip at nakikibahagi sa mga pangyayari at
penomang nakapaloob sa realidad ng kanyang buhay.
❖ Natatangi - Ang bawat wika ay may sariling set ng tunog , mga yunit pangramatika
at sistema ng palaugnyan.
❖ Dinamiko – Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao
ay nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya at dahil dito ang wika ay nagbago.
3
❖ Malikhain- Taglay ng wika ang mga tuntunin na makabuo ng salita , parirala,
sugnay at pangungusap.
Ayon kay Lev Vygotsky (1978), isang Rusong sikolohista, “ang katalinuhan ay ang
kapasidad na makinabang mula sa pagtuturo, kung saan may mahalagang papel sa pag-
unlad ang wika.” Kung gayon, kinikilala ang wika bilang kasangkapan sa pagkatuto at pantulong
sa pag-unawa. Sa pamamagitan ng wika, naipaaabot ng nagtuturo ang kaalaman sa kaniyang
tinuturuan. Maaaring maging mainam na tulay ang wika kung bihasa ang tinuturuan sa wikang
panturo. Sa kabilang banda, maaari namang maging balakid sa pagkatuto ang kawalan o kaunting
kaalaman ng tinuturuan sa wikang panturo. Kung gayon, kritikal sa pagbibigay at pagtanggap ng
kaalaman ang pagpili ng wikang gagamitin bilang midyum napanturo. Dito papasok ang
konseptong pangwika tungkol sa Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.
4
Bilingguwalismo Multilingguwalismo.
Malayang paggamit ng dalawang Malayang paggamit ng higit pa sa
wika sa pagtuturo at dalawang wika sa pagtuturo at
pakikipagtalastasan pakikipagtalastasan
Pilipinas, Amerika
- Filipino ang ating wikang - English ang wikang pambansa at
pambansa, at Ingles na maraming wika tulad ng Filipino ,
wikang global. Mandarin, Spanish , Latin,
Nihonggo at iba pang mga wika
ang ginagamit sa pagtuturo at
pakikipagtalastasan.
5
ng mga ahensyang kabilang nito. Sa bisa ng isang batas na nakapaloob sa Saligang Batas, napipili
ang isang wikang siyang magiging opisyal na wika.
Ilapat Natin
Matapos nating matalakay ang mga konseptong pangwika ,subukan natin ang iyong
natutuhan sa araling ito. Panuto: Punan ng angkop na sagot ang patlang sa loob ng Abawat
kahon.
.
6
Ang kilala ko na bilingguwal ay
_________________
Ang aking unang wika
_________________
Ang kilala ko na multilingguwal
ay
_________________
Ang pangalawang wika ay
__________________
Ang mga diyalektong
_________________
Suriin Natin
Ang ating kapaligiran ay may malaking gampanin sa mga konseptong ating natutuhan
tungkol sa wika. Sa tulong na mga kasama natin sa ating tahanan. Pumili ng bagay na
maaring sumimbolo sa mga konseptong pangwikang tinalakay sa araling ito. Ipaliwanag din
kung bakit ito ang napiling simbolo.
7
Wika
Unang Wika
Pangalawang Wika
Bilinggwalismo
Multilnggwalismo
Binabati kita! Ngayong natapos mo na ang mga gawain sa modyul na ito. Inaasahan
kong handa ka nang pag-aralan ang susunod na modyul.
Maligayang paglalakbay!!!
KWARTER 1
8
ANG WIKA AY YAMAN NG ISANG TAO
Tayain Natin
Halina’t tasahin natin ang ating natutunan tungkol sa konseptong pangwika.
PAGSASANAY 1
PAGSASANAY 2
9
B. – Ang wika ay midyum sa pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita
PAGSASANAY 3
Paanuto: Isulat ang sagutang papel ang salitang TAMA kung tama ang salitang may
salungguhit at isulat naman ang tamang salita kung mali ang bahagi ng
pangungusap na may salungguhit.
Likhain Natin
Panuto: Batay sa natalakay ng mga konseptong pangwika bumuo ng isang maikling tula na
naglalaman ng mensahe kung paano natin magagamit at mapapahalagahan ang sariling
wika sa midya tulad ng radyo , social media o sa telibisyon. Ang tula ay may tatlong saknong
na may apat na taludtod at malaya.
10
Isa kang mahusay na na makatang blogger . Naimbitahan ka na magapahayag ng isang
tula sa SunValley National High School upang magbigay ng mensahe kung paano
mapapahalagahan at magagamit ang ating sariling wika ang Wikang Filipino sa iba’t
ibang midya. Ito ay isang hakabang mo upang mahikayat ang mga kabataan na gamitin
Mensahe 3 puntos
Orihinalidad 2 puntos
Kabuoan 10 puntos
11